CHAPTER 7:

730 30 2
                                    


   
 

"Good morning princess and princes!" Bungad ni Nanny Stephanie pagpasok sa dining area.

"Saan ka ba galing?" Kunut-noo na tanong ni Danarah.

"Can't you see princess? Malamang nagjogging di ba?!" Pilosopong tugon nito.

Oo nga naman! Nakasuot nga pala ito ng bulaklakan na sando, cycling na kulay pink at kulay blue na hair band.

"Oh! Ang daming pagkain sa mesa!" Namimilog ang mga matang turan ni Stephanie paglapit sa mesa.

"Pinagluto ka pala ng kambal?"

"Malamang! Sino pa nga bang iba ang gagawa?! Dapat hindi mo pinapabayaan ang mga bata sa kusina. Baka makasunog pa sila o kaya masugat sa kutsilyo. Wala ka na ba talagang concern sa mga alaga mo?"

"Princess! Mga tyanak lang ang mga kapayid mo pero dinaig pa ang daddy mo sa level ng IQ nila. Lalo na when it comes to romantic. At syempre ako ang nagturo sakanila." Masayang wika nito. Nakikinig lang din ang mga kambal. "Masarap ba ang fried hotdog, fried egg, fried egg with hotdog, fried bacon, fried ham, fried chicken, at-----" Natigil si Stephanie sa pagsasalita ng makita niya ang nakahiwalay na nangingitim ng fried chicken leg.

"Fire fried chicken leg!" Usal niya at tinaas ang sunog sabay tingin sa mga kambal.

"Well! It--just a ma--tter of wrong way of cooking." Wika ng isa sa mga ito.

Napaisip si Stephanie. Panigurado nangitim na naman ang kalan at dahil wala silang kasambahay, siya na naman ang maghuhugas.

Biglang tumunog ang tiyan nito. Natatakam na rin siya at gutom na.

"Why don't you seat and have a breakfast. Your worm inside is cramping." Usal ng isa.

Iginiya nila ang upuan para makaupo siya ngunit pagbaba ng pwet nito ay agad din nilang hinila ang upuan kaya bumagsak ang pang-upo niya sa sahig.

Nagtawanan ang mga kambal samantalang si Stephanie sa sapo ang kaniyang pwet na nasaktan.

"Arayyyy! Arayyy kooooo!" Daing nito.

Hindi malaman ni Danarah ang gagawin. Umiral na naman ang kapilyuhan ng mga kapatid niya.

Nakaupo si Danarah sa isang mataas na pader. Iyon ang lugar na pinupuntahan nila noon ni Azi sa tuwing gusto nilang makita ang kabuuan ng buong Anniston U.

Doon ay natatanaw niya ang mga estudyanteng naglalakad sa mismong ground. Pasukan na kasi kaya marami na namang enrollees. Nalaman din niya na may mga grade school at secondary level na nag-aaral na doon. Malaki na ang pinagbago ng paaralan na kaniyang binigyan ng buhay.

"Namiss mo na ba ang paaralang pinanggalingan mo?"

Napalingon siya sa taong may-ari ng boses. Si Ryle.

Umakyat si Ryle upang makaupo din sa pader. Tumabi ito sakaniya.

"Naging makulay ang buhay ko simula ng mapasok ako diyan. Akala ko noon, imyerno ang pinasukan ko pero hindi pala at hindi ko ring inaasahan na magiging akin." Wika niya na nakatingin lang sa unibersidad.

"At naging maayos ang school na yan simula ng dumating ka. Iyan ang misyon na maipagmamalaki mo dahil hanggang ngayon, matino pa rin ang school na yan kahit na anim na taon ka ng inilibing ng nakaraan. At hindi mo rin siguro hahayaang mangyari muli ang katulad ng dati."

Lumingon siya sa katabing si Ryle.

"Simulan mo na ngayon Danarah. Dahil marami ka pang kailangang matuklasan."

THE LEGEND OF LADY WARRIOR (BOOK2: SHE IS DANGEROUS) BY: APPLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon