Napatigil si Danarah sa paglalakad.
Parang radar ang kaniyang tenga. Kahit wala siyang nakikita ay tinig niya ang bawat tibok ng puso ng isang tao malapit lang sa kinaroroonan niya.
Humakbang pa siya muli.
Nagawi siya sa maraming tao. Gayunpaman, hindi pa rin maialis sakaniya na may isang taong sumusunod sakaniya.
Nagmadali siyang nagtungo sa partes ng lugar na walang nakikitang tao. Pagkakataon niya iyon para makita ang sumusunod sakaniya.
Nagkubli siya sa pader.
Nag-atubiling lumabas si Cholo sa kinaroroonan niya.
Wala na si Danarah sa paningin niya. Para itong kidlat na agad nalang nawawala.
Nagulat siya at biglang kinabahan ng may humila sa leeg niya at nakahanda ang balisong na lalaslas sa kaniya.
"Sino ka, anong kailangan mo at bakito ako sinusundan?" Mabilis na tanong ni Danarah at diniin pa ng bahagya ang hawak na balisong sa leeg ni Cholo.
Nakamulagat nalang din si Cholo ay auaw gumalaw kahit bahagya lang. Baka magkamali siya ng kilos at malalaslas na siya ng tuluyan. Ni hindi nga kumukurap ang kaniyang mga mata.
"Sumagot ka!" Gigil na usal ni Danarah.
Hindi ba niya ito mamukahan?!
"Ah eehhhh aaahhh!" Yun lang ang kaya ni Cholong sabihin. Dahan-dahan siyang nag-angat ng isang kamay. Sabay turo sa balisong.
Naintindihan naman agad ni Danarah ang ibig nitong sabihin kaya medyo nilayo niya ng kaunti ang hawak na matalim na bagay sa leeg nito.
"Danarah ako 'to? Di mo na ba ako makilala? Teka! May amnesia ka ba?"
Kumunot ang noo ni Danarah.
"Sino ka nga? At wala akong amnesia."
"Ako ito! Si Cholo?"
"Sinong Cholo?"
"Si Pocholo! Rigjt hand ni Jiro sa Alpha gamma rho." Aniya.
Ilang sandali na nag-isip si Danarah. Oo nga! Bakit hindi niya iyo agad nakilala?
Binitiwan niya si Cholo.
"Hindi ka pa rin nagbabago Danarah." Wika ni Cholo na hinihimas ang kaniyang leeg na tila nakawala sa pagkakagapos.
"Buhay ka pa pala!" Kaswal na wika ni Danarah.
Naiinis siya dahil kausap niya ang kaibigan ng lalaking nagdusulot sakaniya ngayon ng kabiguan sa pag-ibig.
"Ikaw din Danarah! Buhay ka pala! Akala namin noon talagang patay ka na."
"Anong kailangan mo sa akin?" Sa halip ay tanong niya.
"Ha?! He he he! Mangangamusta lang!" Nalatawang usal nito.
Inirapan niya ito ng tingin.
"Joke lang Danarah! Ano nga palang nangyari sa iyo sa loob ng anim na taon?" Tanong ni Cholo. Excited siya sa bago na namang intriga.
"Mahabang kwento!"
"Ganun ba! Siya nga pala Danarah, si Jiro uuwi na ng bansa galing France." Masaya nitong balita.
Walang reaksyon na namutawi sakaniya.
"Wala ka man lang sasabihin?"
"Ano bang inaasahan mong sasabihin ko?"
"Madami katulad ng.... Kailan ang saktong uwi niya, sinong kasama niya, at anong gagawin niya dito sa Pilipinas. Well, ang alam ko lang ay kasama niyang uuwi ang kaniyang anak. Hindi naman niya nabanggit kung kasama din niyang uuwi si Marisse." Dere-dertsong dakdak ni Cholo.
BINABASA MO ANG
THE LEGEND OF LADY WARRIOR (BOOK2: SHE IS DANGEROUS) BY: APPLE
AksiyonNapabalikwas si Danarah. Dinig na dinig niya ang pinag-uusapan mula sa labas kung saan siya nakapihit sa makakapal na rehas at matataas na pader na gawa sa naglalakihang bato. Anim na taon na ang kaniyang pagdurusa. Tama na! Kailangan na niyang guma...