CHAPTER 26:

843 33 0
                                    

   

Kulang nalang ay magpasagasa si Jiro sa labis na tuwa ng malaman nilang buntis nga si Danarah.

Bago sila umuwi ay bumili muna sila ng mga gustong kainin ni Danarah.

Habang masaya si Jiro ay nakabusangot naman si Danarah. Sa totoo lang ay pinaglilihian nito ang asawa. Pero mas mabuti na rin iyon kaysa naman si Cholo ang mapaglihian niya, baka madaling maimpatso ang magiging anak niya.

Sa di kalayuan ay naroon naman si Ryle na nagmamanman. Isa lang naman ang habol niya at alam niyang nasa poder na nila si Dave at Azi kaya siguradong madali nalang matunton ang kinaroroonan ng mga ginto at kailangan niyang sumubaybay sakanila dahil anumang oras, mailalabas din ang kayamanang pinakaaasam ng lahat.

Sa kabilang banda ay naroon din ang grupo ni Xavier na nakaabang sa mga suaunod na hakbang ng grupo nila Danarah. Alam niyang hindi magtatagal ay maiisipan din ng mga ito na ilabas ang mga ginto. Kapag siya ang nakakuha ng kayamanang iyon, madali nalang sakaniya ang bumuo ng isang grupo na kaniyang pamumunuan. Maipapakita na rin niya kay Van na mas mautak siya kaysa dito.

Tuwang-tuwa si Dave ng malamang buntis si Danarah.

Hindi pa man lumalaki ang mga alaga ni Cholo na tyanak ay meron na namang nabuo. Sana lang ay hindi nito mamana ang ugali ng mga kapatid ni Danarah.

Samantalang ang mga kambal ay hinanapan pa si Jiro ng resulta upang mapatunayan na buntis nga ang kanilang ate. Nang malamang totoo nga ay daig pa nila si Jiro kung umalalay sa ate nila.

"Oopps! Be careful to my ate!" Ani Danver ng makitang hila-hila ni Jiro ang kamay ni Danarah.

Grabe sila! Hindi pa nga halata ang tiyan ni Danarah pero kung maka-concern ito, daig pa ang manganganak na.

"Just tell us what you want ate. We're always here to serve and guide you." Wika naman ni Darren na tila siya na ang asawa.

"Excuse me but I think its better if I will be the one to take care of my wife and my child." Turan naman ni Jiro na diniinan pa ang sinabi.

Mukang gusto pa siyang agawan ng mga ito ng papel.

Naghalukipkip nalang ang mga kambal.

"Sweetheart tara na sa room natin." Baling ni Jiro sa asawa.

"Ang aga pa!" Himutok ni Danarah.

"Pero mas maganda kung buuin na natin yung mukha ni baby para sa susunod na araw naman yung iba tapos yung jamay pa niya saka paa, tapos yung------" Natigilan si Jiro ng batukan siya ni Danarah.

"Outch!"

"Pwede ba Jiro saka ka na maglandi. Nahihilo ako." Hasik ni Danarah.

"Ah ganon ba! Sige, isandal mo muna sa akin ang ulo mo. Baka napagod ka lang." Usal naman ni Jiro na may pag-aalala sa asawa.

"What's wrong?" Nakialam na naman ang mga kambal.

"Nothing! She just miss me." Tugon naman ni Jiro para tumigil na ang mga ito.

Si Ayella naman ay parang naiinggit sa mag-asawa na magkayakap.

"I want a hug too!"

Narinig naman iyon ni Danver at Darren. Nag-unahan sila sa paglapit kay Ayella na nakaupo sa sopa.

"Come Ayella! I will hug you!" Ika ni Danver.

"Or you can lay on my lap, baby!" Agaw naman ni Darren.

"Why you're always interrupting me?" Pagalit na turan ni Danver sa kakambal. Lagi nalang kasi siya nitong inaagawan.

Sinita na ni Dave ang mga kapatid. Mukang marunong na ang mga ito sa ligawan portion.

THE LEGEND OF LADY WARRIOR (BOOK2: SHE IS DANGEROUS) BY: APPLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon