CHAPTER 23:

677 29 0
                                    

Gumaan ang pakiramdam ni Ryle ng makarating siya sakaniyang tinitirhan. Nadali angvkaniyang binti at bago pa man siya banggain ng kotse ay alam niya kung sino ang nagmamaneho at alam niyang sinadya iyon. Si Xavier.

Namuo ang galit sa kaniyang kalooban.

"Sinusubukan niyo ako? Sige! Maglaro tayo!" Wika ng isip niya.

-------
Pinupulong ni Van ang mga neophyte para sa mahalaga nilang lakad.

"Makinig kayong lahat! May malaking tayong shipment at ayokong mabulilyaso. Mga malalakas na armas galing Russia ang sasalubungin natin. Milyon ang halaga ng lahat ng iyon at ayokong mapahiya tayo sa mga buyer. Isa pa, ang kalahati nun ayapupunta sa isang investor natin na pinagkakautangan natin ng malaking pera. Ayokong mapahiya sakaniya kaya ayusin niyo ang trabaho niyo. Di bale dahil kapag nakuha na natin ang ginto, hindi na natin kailangan ang mga negosyante para maging financer natin. Makakagalaw na tayo na hindi dumedwpende sa mga mayayaman, sa halip tayo pa ang lalong aangat."

Parang nakikinita na ni Van ang kaniyang pinapangarap habang ang mga kasamahan niya ay umaasa sa matayog na pangarap ni Van.

Pinagmamasdan lang naman ni Marisse ang kapatid. Ayaw niyang kontrahin ito dahil alam niyang siya lang ang masasaktan. Matagal na niyang alam na sumasali ang kapatid sa mga illegal na gawain. At iyon ang kanilang ikinabubuhay hanggang sa maging lider ito ng neophyte.

Naglalakad si Xavier papunta sa pinagparadahan ng kaniyang sasakyan. Wala siyang kasama sa mga sandaling iyon at tila sinadyang pinatay ang mga ilaw sa gilid ng daanan kaya napakadilim ito.

Napatigil siya ng may isang bulto na nakaharap sakaniya. Kinabahan siya sa mga sandaling iyon.

Parang slow motion ang ginawang paghakbang ng kaniyang mga paa. Ngunit mas lalo namang bumibilais ang bulto sakaniyang harapan palapit sakaniya.

Tumigil siya ng tatlong metro nalang ang pagitan nila.

"S--sino ka?" Nauutal niyang tanong.

Dahan-dahan namang inalis nito ang hood ng sutana nito.

Nanlaki ang mga mata niya ng mapagsino ito.

Si Danarah.

"Kamusta na Xavier?" Tanong ni Danarah habang pinapaikot ang hawak na samurai.

Napaatras si Xavier ng makita ang tila nag-aapoy na galit sa mukha ni Danarah.

Dahan-dahan ang paglapit ni Danarah habang si Xavier naman ay napapaatras at nagsisimula ng tumayo ang mga balahibo nito sa braso.

"Bakit ka umaatras? Nararamdaman mo na ba ang katapusan mo?" Nakangising wika ni Danarah.

Natigil si Xavier ng napasandal siya sa pader.

Ang akala niya ay nasa gitna siya ng daan pero bakit napaatras siya sa pader?

"Bakit di mo ako labanan? Aatras ka nalang ba?"

Narinig muli ni Xavier na tinig ni Danarah. Sinubukan niya ang sarili na manlaban ngunit para siyang nakagapos na hindi maintindihan. Hindi siya makagalaw sa kaniyang pwesto. Para siyang nakukulam.

At mas lalo siyang nanigas ng tinapat na ni Danarah ang dulo ng samurai sa gitna ng leeg niya. Naramdaman niya ang likidong dumadaloy mula sakaniyang leeg dahil sa pagkakatusok ng matalim na samurai.

"A--ano--ng g--gag---awin ---mo?" Nauutal na tanong ni Xavier.

Ngumisi si Danarah.

"Simple lang! Maglalaro lang tayo." Tugon ni Danarah saka naglabas ng coin.

THE LEGEND OF LADY WARRIOR (BOOK2: SHE IS DANGEROUS) BY: APPLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon