Pati ang mga bodyguards nila natulala ng makita si Danarah.
Ang mga alien embes na tulungan siya pinapanood lang siya na pagewang-gewang na ang pagkakatayo dahil sa hirap at pagod.
Bakit para silang nakakita ng prediator?!
Hindi niya nabalanse ang katawan kaya napasubsob na siya sa sahig.
Ang mga bodyguards parang takot pa siyang hawakan.
"Danarah?" Boses ni Dwayne.
Hindi siya makapaniwalang si Danarah ang nasa harapan niya.
"Oh my princess! Is that you?" Di makapaniwalang wika ni Dwayne.
Agad niyang dinaluhan ang anak at iniangat ito sa pagkakatumba.
Napaluha siya ng mahawakan ang anak.
Totoo nga! Buhay ang anak niya! Buhay na buhay ang prinsesa ng mga Li.
"Anak ko anong nangyari sayo? Alam mo bang nagdurusa kami ng husto. Salamat sa diyos at nakabalik ka anak."
Yakap-yakap niya ang anak. Sobra niyang nanabik dito.
Hindi pa rin makapaniwala ang mga bodyguards nila.
Binuhat ni Dwayne si Danarah at pinahiga sa sopa.
Si nanny Stephanie bumangon agad ng mapagtanto niyang nakahiga siya sa sahig.
Ni hindi man lang siya tinulungan ng mga alipores ng mga Li.
Ilang sandali pa'y si Kirsten naman ang bumaba buhat sa kanilang silid.
Hindi rin siya makapaniwala na naroon si Danarah na nakahiga.
"Kirsten ang anak natin narito na!" Wika ni Dwayne.
Natutop ni Kirsten ang bibig. Magkahalong tuwa at awa ang nararamdaman niya. Ang makita si Danarah na puno ng galos at itsura nito ang sobrang pagod ay halos ikahimatay na niya.
Niyakap niya ang anak ng mahigpit kahit mahimbing na nakapikit ito. Dala na siguro marahil ng pagod kaya nanghina na ang katawan niya.
Malabo ang tingin ni Danarah ngunit kita niya ang kaputian ng itaas na bahagi ng kinaroroonan niya.
Pinagala niya ang kaniyang paningin. May mga makukulay na kurtina at may ilan ding nakasabit na chandelier sa paligid. Nadako rin ng kaniyang mga mata si Monalisa na nakasabit sa pader.
"Okay! So buhay pa pala ako!" Usal ng isip niya. Buti nalang hindi niya nakita si San Pedro.
Ilang sandali pa'y napalitan na ang nakikita niyang maputi na kisame ng dalawang tao na pamilyar sa kaniya.
"Daddy! Mommy!" Mahinang wika niya.
"Sa wakas anak! Gising ka na! Huhuhu!" Hindi napigilan ni Kirsten ang mapahagulgol.
Anim na taon na ang nakalipas simula ng mailayo ito sa piling nila. At heto siya ngayon, bumalik na sa kanilang mansyon.
Pinilit niyang umupo. Tinulungan naman siya ng kaniyang ama na bumangon.
Pinagmasdan niya ang kaniyang sarili.
Mukang ginamot na ang kaniyang mga sugat sa katawan.
"Daddy! Mommy! I miss you so much!" Mahinang turan niya sa mga magulang.
Nakapagsalita rin siya sa wakas.
"Namiss ka din namin ng sobra, princess." Ang kaniyang ama.
Biglang sumagi sa isip niya ang kaniyang kuya Dave.
BINABASA MO ANG
THE LEGEND OF LADY WARRIOR (BOOK2: SHE IS DANGEROUS) BY: APPLE
ActionNapabalikwas si Danarah. Dinig na dinig niya ang pinag-uusapan mula sa labas kung saan siya nakapihit sa makakapal na rehas at matataas na pader na gawa sa naglalakihang bato. Anim na taon na ang kaniyang pagdurusa. Tama na! Kailangan na niyang guma...