Jack POV
Saturday night and i'm here at the GW (gangster world).
Nanonood ako ngayon ng laban ng rank 5 and rank 7. All boys ang laban. Pwede gumamit ng patalim at pwede ring pumatay. Depende kung both gang ang mag re -request na pwedeng pumatay. Ang bawal gamitin sa laban ay baril. Pwede mo tong dalhin kahit saan pero bawal gamitin sa GW.
Medyo bored na ako. Kaya tumayo na ako at naglakad na papunta sa big bike ko.
Pero bago ako lumabas may tumawag sa akin.
"Red!" Tawag sa akin ng isang lalaki. Red dahil yun ang code name ko at nakasuot din ako ng maskara na kulay pula.
Lumingon ako pero hindi nagsalita. Lumapit sa akin si Chris. Grey ang code name nya pero hindi naka maskara.
Tumigin ako sa kanya ng blangko.
"Gusto ko sana ipaalala sayo na meron ka pang ilang araw para makapag isip kung sasali ka sa gang namin." Sabi nya.
"Ilang beses ko bang sasabihin na ayoko. At wala akong balak sumali sa kahit anong gang." Cold kong sabi sabay labas bg GW.
Ang rason ko kung bakit ko ayaw sumali kasi mas gusto ko ako lang ang lumalaban.
At kung tatanungin nyo rin ako kung bakit ayaw ko rin gumawa ng gang dahil ayoko ng responsibilidad.
Bago ko ilagay yung helmet ko tinanggal ko muna yung maskara ko. At nilagay yun sa bag na nakasabit sa sabitan ng big bike ko.
Tapos sinuot ko na yung helmet at pinaandar na ang big bike ko.
Magpapakilala muna ako. Ako si Jackie Dane Lawrence. Nag aaral sa Empire High. Laging nasa top. Mayaman ang pamilya ko. May iba't ibang kotse at motor. Kilala ako bilang Jack. At ayokong tinatawag akong Jackie o di kaya ay Dane. Hindi ako mahilig sa maingay na tao. At ayoko din sa mga chismosa. Ayoko din ng kaibigan. Mas gusto kong walang kaibigan dahil ayoko ma chismis. Mahilig ako music. At sa mga libro. Gusto ko tahimik lang yun lang.
Narating ko ang condo. Bumaba ako sa big bike ko at dumiretso sa elevator.
Habang naghihintay na bumukas yung pinto ng elevator meron isang lalaki ang tumabi sa akin. Tinignan ko to ng blangko. Pero sya nakangiti lang. Mukhang timang. Tsk.
"Hi miss. Pwede bang malaman name mo?" Tanong nya sa akin. Pero hindi ko parin sya pinansin. Manyak pa ata. Hays...
"I'm Lance. Ikaw anong name mo?" Kulit nito sa akin. Naiinis na ako. Ang daldal nya. Bakit kasi ayaw pa bumukas ng elevator na to. Peste! San napupunta ang mga binabayad namin kung itong elevator eh kay bagal bagal!
"Ang sungit naman." Bulong nito. Hindi ko na lang pinansin. Bumukas na ang elevator kaya dali dali akong pumasok. Tapos pinindot ko yung close para hindi na siya makapasok. Nakita ko naman syang nagulat kaya napangisi na lang ako.
Tumigil ang elevator sa floor ko. Kaya lumabas na ako ng elevator at pumunta sa unit ko.
Pagkabukas ko ng pinto, dumeritso agad ako sa kwarto ko at binagsak ko sa kama ang katawan ko.
Nagpahinga lang ako ng kaunti atsaka pumasok sa bathroom para maligo.
Ng matapos akong maligo ay natulog na ako.
[Morning]
Nagising ako dahil sa tumutunog ang cellphone ko. Sinagot ko ito ng hindi tinitignan kung sino ang caller.
"Hello?" Bored kong sabi habang nakapikit pa ang mg mata ko.
(Good morning ate!) Sigaw ni Jas. Kapatid ko. Bwesit! Alam ng natutulog pa ako eh!
"Gustong mong masapak?!" Inis na sabi ko kay Jas.
(Grabe ka ate. Sapak agad?)
"Alam mo naman kasing natutulog ako! At alam mo rin kung ano ang ginagawa ko sa mga taong nanggigising sa akin!"
(Oo na. Sorry at nagising kita. Gusto ko lang naman sabihin sayo na gusto ni mama na makita ka dito. Dahil may ipapakilala ata sayo )
"Wag mong sabihin na..."
(Yes ate. Kaya pumunta ka na dito.)
"Eh paano kung ayoko?"
(Pero kailangan mo nga kasing pumunta dito!)
"Whatever. Bye." Sabi ko at hindi na hinantay ang sagot ng kapatid ko. Tumayo na ako at pumunta sa bathroom ko para maghilamos.
Pagkatapos kong maghilamos pinusod ko naman ang buhok ko at pumunta sa kusina para magkapaghanda ng breakfast ko.
Nagluto lang ng pancake. Tapos nagtimpla naman ng coffee.
Habang kumakain naman ako biglang nag ring ang phone ko. Tinignan ko naman kung sino. Ito na nga ba sinasabi ko eh. Alam kong tatawag sya pag hindi ako sumunod sa sasabihin ni Jas.
"What?" Bored kong sabi habang sinusubo ko ang pancake.
(Pumunta ka mamayang dinner dito. Understand?)
"Ayoko."
(Jackie Dane Lawrence! Pumunta ka dito mamayang dinner! Naintindihan mo ba!)
"Nope."
(For pete's sake Jackie! Ginagalit mo talaga ako noh!)
"Oo."
(Ano bang gagawin ko sayong bata ka!)
"Wala."
(Basta pumunta ka dito. Pag hindi ka pumunta daddy mo mismo ang susundo sayo!)
"Whatever mom. Bye." Sabi ko sabay baba ng phone. Rude ba? Ganon talaga ako.
Natapos akong kumain saka ko hinugasan ang pinagkainan ko.
Matapos kong maghugas, dumiretso ako sa kwarto ko. Kumuha ako ng tuwalya at pumunta sa bathroom para maligo.
Matapos kong maligo pumunta ako sa walk in closet ko at pumili ng masusuot ko. Tutal linggo naman, sa mall na lang ako pupunta. Titignan ko kasi kung may bagong labas ng cap. Mahilig kasi ako sa cap.
Pumili ako ng jeans, v neck shirt na kulay black, converse na kulay red and cap na kulay black.
Ng matapos akong magbihis, pinatuyo ko yung buhok gamit ang blower atsaka sinuot ko ang cap ko.
Lumabas ako ng kwarto bibit ang phone at wallet ko. Hindi ko na dinala yung susi ng big bike ko. Mag tataxi na lang ako tutal malapit lang naman ang mall.
Lumabas ako sa unit ko at dumiretso sa elevator. Agad naman tong nagbukas kaya sumakay na ako. Magsasara na dapat ang pinto nito ng may humarang na kamay doon sa pinto upang wag muna magsara.
Agad ko naman siyang nakilala. Ito yung lalaking makulit kagabi. Peste! Ang pangit na nga ng gising ko, lalo pang pumangit ng makita ko ang manyak na ito!
Pinindot nya ang ground floor. Tahimik lang akong nakasandal sa gilid ng bigla niya akong tignan.
"Oh! Ikaw pala miss sungit. Hi!" Ngiti nyang sabi. Tinignan ko lang ito ng blangko. Manyak.
"San pala punta mo?" Tanong nya ulit. Tinignan ko lang ulit sya ng blangko. Pake mo?
"Pipi ka ba kaya hindi ka makapagsalita? Hello miss sungit!" Nag wave pa sya ng kamay. Naiinis na naman ako. Isa na lang sisipain ko na talaga ang pagkalalaki nya.
"Miss sungit! Bakit ayaw mo magsalita? Siguro pipi ka nga kaya hindi ka makapagsalita. O hindi kaya nagwapuhan ka sakin noh. Aminin mo na--" Hindi nya natapos yung sinasabi nya ng bigla kong sipain yung pagkalalake nya. Narindi na kasi ako sa kanya ang daldal kasi kaya ayan napala nya.
"Araaaayyy ko po!!" Sigaw nya habang hawak ang private part nya. Nagbukas naman yung pinto kaya lumabas na ako. Lalabas na sana ako ng building ng sumigaw sya.
"MISS SUNGIT!!! YARI KA TALAGA SA AKIN PAG NAKITA KITA!!!" Sigaw nya pero hindi ko na sya pinansin. Pumara ng ako ng taxi at sumakay na.
YOU ARE READING
Demon Gangster Got Married??
Teen FictionShe is a demon. Who got entangled to a playboy. Can a demon gangster have a happy ever after even if problems might arise? A gangster... Marry a playboy???