Jack POV
Nandito ako ngayon sa hallway. Tapos na lahat ng klase ko at nakuha ko na rin yung uniporme ko.
Papunta na ako ng parking ng may nakita ako.
Si kulit.
May babae siyang kasama. Papunta din ata sila sa parking. Umilig na lang ako. Mga playboy nga naman.
Pumunta na lang din ako ng parking. Pagpunta ko doon agad kong nakita si Grey. Nakasandal sa kotse niya habang naka pamulsa. Agad naman nya akong nakita saka nginitian.
Napagkasunduan kasi namin na sasabay ako sa kanya papunta sa GW, since wala pa sa akin ang big bike ko.
"Punta muna tayo sa bahay. Kukunin ko lang gamit ko." sabi sa kanya. Tumango lang ito saka ako pinagbuksan ng pinto ng kotse nya.
Agad ako pumasok at niligay yung seatbelt ko. Pumasok din sya. Nilagay nya yung seatbelt nya saka pina-andar yung kotse.
Pero bago kami makalabas ng parking nakita ko ulit si kulit. Kasama yung babae kanina. At alam nyo ba kung ano ang ginagawa nila?
Making out.
Wala talaga silang pinipiling lugar.
Nakita ko naman na sumulyap siya sa akin. Kaya agad akong ngumisi. Pang asar ba. Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanila ng maklabas ng parking at itinuon sa harap.
Nakarating kami ni Grey sa bahay namin ni kulit.
"So, ito pala ang bahay nyo. Nice ang ganda." puri ni Grey. Agad akong lumabas at binuksan ang pintuang ng bahay.
"Pumasok ka muna. Hintayin mo ako sa sala." Sabi ko sa kanya ng mabuksan ang pintuan para makapasok siya. Agad naman akong umakyat sa kwarto ko.
Nilagay ko muna yung uniporme ko sa kama. Pumunta sa walk in closet at humanap ng susuotin para sa pagpunta sa GW.
Nang matapos, kinuha ko yung maskara ko sa drawer. Nag make up din ako ng medyo heavy. Yung babagay sa title ko na demon gangster. At sinuot ko yung contact lense ko na blue. Ngayong gabi ako si Red.
Nang ok na lahat, bumaba ako at nakita ko si Grey kausap si kulit. Kanina lang nandoon siya sa parking. Ambilis naman niya kumawala sa ahas niya?
"Anong nangyayari dito?" tanong ko sa kanila. Mukhang magaaway na kasi sila.
"Wala naguusap lang kami. Tara baka mahuli na tayo." Nakangiting sabi ni Grey at kinuha ang dala kong bag.
"Teka san ka pupunta? At bakit magkasama kayo?" pag alma ni kulit samin ni Grey.
"Wala ka na doon pre." nangaasar na sabi ni Grey kay kulit.
"Wag ka ngang makielam dito. Kinakausap ko pa sya eh!" Inis na sigaw ni kulit.
"Will you two stop! Grey let's go!" Sigaw ko sa kanila. Tinignan ko ng masama si kulit pagkatapos hinigit ko na yung braso ni Grey palabas ng bahay.
Hindi ko na tinignan si kulit. Tuloy tuloy lang ako sa pagsakay sa kotse ni Grey.
Nakarating kami ng GW, maraming naghihiyawan. Bago ako pumasok sinuot ko muna yung maskara ko. Tanda kasi ito na ako si Red ang Demon Gangster.
"Ladies and gentlemen! Let's welcome the Demon Gangster! Red!!" Sabi ng MC. Agad naman nagpalakpakan ang lahat ng gangster.
Pumunta na ako sa stage. Nakita ko doon si prinsipe palaka. Nakangisi lang to sa akin.
"It's nice to see you Red!" Nakangisi nitong sabi sa akin. Tinignan ko lang sya ng cold.
"Sad to say your gonna meet hell any moment now." Sabi niya sa akin.
"Maglalaban ba tayo o magsasalita ka na lang." Cold kong sabi sa kanya.
Tapos bigla naman sya tumakbo papalapit sa akin. Agad ako naging alerto.
Kaya bago pa man tumama yung kamao niya sa mukha ko agad ako umiwas saka hinawakan yung leeg nya.
Walang ano ano pinilipit ko yung leeg nya. Napa-aray naman siya saka bumaksak. Hindi ko naman pinilipit ng husto eh. Yung tipong mamaga lang ito.
Sabi ko na nga ba eh. Hindi pa ako pagod niyan. Pero bagsak na agad sya.
Nagsigawan naman lahat ng gangster. Pumunta naman ako kung nasaan si Grey. At ayun nakangisi siyang sunalubong sa akin."Nice! Napatumba mo na naman si prinsipe palaka! Tara celebrate tayo!"
Sabi nya sa akin saka umakbay.Tinanggal ko naman ang pag akbay nya sa akin saka ako dumeritso sa kotse nya. Parang ayoko uminom inaantok na ako. Pumasok naman agad siya.
"Ano san tayong bar?"
"Inaantok na ako. Iuwi mo na ako. Next time na lang." Bored kong sabi sa kanya.
"Ok. Sige next time na lang." Malungkot na sabi niya saka pinaandar yung kotse.
Nakarating kami sa bahay. Agad kong tinanggal yung maskara ko. Hindi na ako nag paalam pa kay Grey. Pumasok ako sa loob ng bahay.
Pagkapasok ko nakita kong nanunuod si kulit ng basketball sa tv. Nakasuot ng pajama pero topless sya.
Hindi ko na sya inabala. Umakyat ako saka nagtungo sa bathroom.
Pagkatapos ko kumuha lang ako ng short shorts at medyo manipi na shirt. Ang init kasi. Kahit may aircon na ako.
Bumaba ako saka pumunta ng kusina. Kumuha ako ng tubig.
"San ka galing? Bakit kasama mo si Chris?" Inis na tanong ni kulit. Medyo nagulat dahil sa pagsulpot niya pero nakabawi din. Tinignan ko ito. Nakasandal siya sa may pinto. Habang naka cross arms. Halatang inis na sya. Kaya nakaisip ako ng kalokohan.
"Si Chris? Nag date kami." Kaswal na sabi ko sa kanya. Sabay balik ng tubig sa ref.
"Date?"
"Oo date. Nanliligaw kasi sya. Kaya ayun nag date kami. Bakit mo naman natanong?" Sabi ko sa kanya. Naka poker face pa rin ako. Pero sa loob loob ko tuwang tuwanag akong pinatri-tripan si kulit.
"Kailan pa sya nanligaw?!" Sasabog na siya at this rate.
"Matagal na. Pero ngayon lang kami nag date." pagtutuloy ko sa kalokohan ko.
"May manliligaw ka na pala! Bakit pumayag ka pang makasal sa akin?" galit ma siya at this rate.
"As if naman may magagawa ako. Hindi ko naman mapipigilan sila mom."
"Pero kahit na sana sinabi mo."
Hindi ko na siya pinansin saka pumunta sa sala. Umupo ako sa long sofa saka kinuba ang remote. Naramdaman ko naman na umupo sya sa tabi ko.
Kaya tinignan ko sya. Nakatitig lang din sya. Ayun nagtitigan kami.
Hanggang sa, "What are you doing?" Tanong ko ng palapit ng palapit ang mukha niya sa mukha ko.
"Pag ba ako nanligaw, sasagutin mo agad ako?" mukhang nangaakit siya ng sabihin iyon at nakatitig pa siya sa labi ko.
Oh... You wanna play? Ok... We will play then.
Ngumisi ako saka lumapit din ng kaunti sa kanya. Nakatingin din ako sa labi niya.
"Bakit ka pa manliligaw? Hindi ba't ikakasal na nga tayo?" sabi ko sa kanya sabay kagat sa labi ko.
"So sinsabi mong... Gusto mo rin na makasal sa akin?" nakangisi niyang tanong. Nakatingin pa rin sa mga labi ko.
Lumapit pa ako ng kaunti saka hinawakan ang mukha niya. Sabay bulong ng,
"Asa ka..." sabay tayo at iniwan siya doon.
YOU ARE READING
Demon Gangster Got Married??
Teen FictionShe is a demon. Who got entangled to a playboy. Can a demon gangster have a happy ever after even if problems might arise? A gangster... Marry a playboy???