Jackie POV
Nang matapos ako saka ako bumaba at nakita ko doon iyong mama at papa ni kulit. Kasama sila mom at dad, nandoon rin si Jasmine.
"Hi! Ate!" Masiglang bati sa akin ni Jas ng makababa ako sabay yakap sa akin ng mahigpit.
"Jas! Can't breath!" Daing ko at saka niya lang ako binitawan. Nakita ko naman yung mga magulang ni kulit na natawa.
"Sorry Ate!" Cute na paumanhi ni Jas sa akin. Ginulo ko ang buhok niya saka pumunta sa tabi ni papa.
"So, tara alis na tayo? Baka malate tayo. Nakakahiya sa wedding planner." masayang sabi ni mom. Nagsitango kami saka lumabas.
Naunang lumabas ang mga magulang ni kulit, sunod sila mom, tapos sa huli kaming tatlo ni kulit at ni Jas.
Sabi ng papa ni kulit magsama kami sa isang kotse which is, yung kotse niyang kulay black naman ngayon. Tapos sila naman mga parents namin sa isang van kasama si Jas.
Nauna silang umandar pagkatapos sumunod kami. Habang na sa biyahe tahimik lang kami. Wala ni-isa sa amin ang nagsasalita.
Pero nawala rin ang katahimikan na yun ng biglang tumunog yung phone ko. Tinignan ko ito at nakitang si Grey ito, kaya sinagot ko.
"Oh?" Tanong ko.
(Babs!!!!!") Sigaw sa kabilang linya.
"Kailangan talaga sumigaw kayong lahat?" Tanong ko habang nakatingin sa labas ng kotse.
(Sorry babs. Na excite lang kami.) Sabi ni Justine.
"Bakit kayo tumawag?"
(Sabi ni Grey sasabihin mo sa amin yung address na pupuntahan nyo? Nasaan na?) Tanong ni Max.
"Yun ba? Hindi ko pa alam, sasabihin ko na lan-" Natigil ako sa pagsasalita ng biglang may humablot sa cp ko.
Tinignan ko si kulit na biglang niyang pinatay yung cp ko pagkatpos tinago sa bulsa niya.
"Problema mo?" Galit na tanong ko sa kanya.
"Wag mo akong takutin. Dahil hindi ako natatakot sayo. At problema ko? Ikaw!" Galit din na sabi niya.
"Ako?" Naguguluhan kong tanong habang nakaturo pa sa sarili ko.
"Oo ikaw! At yung pagiging malapit mo sa ibang lalaki! Lalo na doon sa Christian na yun!" Galit na sabi nya sabay baba, nandito na pala kami.
Tinignan ko lang siya sa pagbaba niya. Pagiging malapit ko sa mga lalaki? Huh?
At dahil hindi ko maisip bakit bigla na lang siyang nagka ganoon ay padabog akong bumaba sa kotse saka padabog ko ring sinara iyon.
Nakita ko si kulit kasama ang papa niya at naguusap sila. Kaya lumapit na lang ako kay Jas na parang may ka-text sa phone niya.
"Ate what happend? Nag-away ba kayo??" Tanong ni Jas sa akin habang nakaturo kay kulit.
"Oo. Pahiram ng phone." Sabi ko sa kanya sabay hablot ng cp niya. Hindi naman siya nangreklamo pero nagtanong siya.
"Nasan ba kasi yung phone mo?" Tanong ni Jas.
Tinuro ko si kulit na ngayon kausap si dad. Hindi nagsalita si Jas. Dinial ko iyong number ni Grey. Buti na lang natandaan ko yung number nya.
Naka-ilang ring bago niya sinagot ito.
(Who's this?) Tanong nya sa kabilang linya.
"Hey it's me." Sabi ko.
(Oh babs! Anong nangyari kanina? Bakit mo kami binabaan?)
"Wala. Sasabihin ko lang na alam ko lang yung address na hinihingi niyo kanina pa."
Pagkatapos kong sabihin sa kanila, binalik ko naman agad yung phone ni Jas sa kanya saka sabay kaming pumasok. Hinintay pa kasi nya ako samantalang sila dad nauna ng pumasok sa building.
Pagkapasok namin ni Jas nakita namin sila na may kausap na isang magandang babae. Simple lang naman siya. Simpleng malandi.
Matangkad, sexy, long hair, and simple office attire. B*tch attire.
Nakita ko naman si kulit, katabi niya ngayon yung papa niya. At ang loko loko kung makatitig dun sa babae parang hinuhubaran nya. Insert playboy smirk.
Nung nakita kami nila mama agad lumapit sa akin yung babae, sabay lahad ng kamay niya.
"Hi! You must be Jackie. I'm Shane Lynn Mendez. You can call me Shane na lang. Your parents are right you are really beautiful." Mahabang lintaya niya. Tinitigan ko lang siya ng parang na bobored akong kausapin nya. Nahalata naman niya kaya ngumiti na lang siya at agad siyang tumalikod sa akin pagkatapos kinausap sila mom.
"Alam mo ate masama kutob ko kay Shane na yan. Mukhang malandi. Akala mo lang anghel sa labas pero na loob din pala ang kulo!" Naiinis na sabi ni Jas sa akin.
One thing that I love Jas, yung parahas kami ng instict. Alam na alam niya kung sino yung nagpapanggap na mabait.
At alam niya kung sino yung mga malalandi. Parehas ko. Yun din ang una kong napansin sa kanya.
"At saka tignan mo ate! Kung makatingin siya kay kuya Lance! Ang lagkit! Hindi niya pinahahalata sayo kanina pero ramdam ko yun ate!" Sabi niya habang nakatingin doon sa Shane. At tama nga siya.
Nakatingin nga si Shane kay kulit ng malagkit. Hindi yun napapansin ni kulit kasi busy siya sa cp niya. Pero ramdam kong gustong gusto niya ang atensyon na nakukuha kay Shane.
Bigla na lang ako nakaramdam ng inis. Pero bakit naman ako naiinis? Bakit?
Inis ba ito hindi lang ako komportable sa sitwasyon na ito.

YOU ARE READING
Demon Gangster Got Married??
Teen FictionShe is a demon. Who got entangled to a playboy. Can a demon gangster have a happy ever after even if problems might arise? A gangster... Marry a playboy???