17

108 5 0
                                    

Jack POV

Sumakay kami ni Jas ng taxi papunta sa condo ko.

"Ate..."

"Please Jas... Tumigil ka na... Akong bahala sayo... And... Thank you..." Sabi ko at yinakap siya. Sya naman ay patuloy sa pagiyak.

Nang makarating sa condo ay kaagad kaming nagtungo sa elevator. Pinindot ko kung saan floor ang unit ko.

Pagkalabas namin ng elevator at natanaw ko si kulit. Nakakatitig sa pintuan ko. Iniaangat niya ang kamay niya pero ibinababa ulit.

"Diba... Si kuya Lance yun ate?" Tanong ni Jas. Tumango ako. Sabay kaming naglakad papunta sa kanyang likod.

"Hoy!" Tawag ko sa kanya. At siya naman nagulat na napalingon.

"Susmaryosep!"  Gulat na sabi nya at napahawak pa sa dibdib nya.

Si Jas naman narinig kong natawa sa reaksyon nya.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

Umayos siya ng tayo.

"Nandito ako para makipagusap ng maayos-"

"Kung tungkol ito sa kasal. Nagsasayang ka lang ng oras. Dahil wala na akong pake diyan. Kaya tumabi ka at papasok kami. Gusto na namin magpahinga." Sagot ko.

Marahas ko syang hinawi para makadaan kami. Pumasok agad kami ni Jas at pinalibag kong sinarado ang pintuan. Nagtungo ako sa kusina ko at kumuha ng baso para makinom ng tubig.

Nakita ko naman na umupo si Jas sa sofa at malayo ang tingin.

Nang malagay ko na yung tubig sa baso tinabihan ko si Jas at binigay sa kanya yung basong may tubig.

"Thank you ate." malungkot na ngiti niya at inabot ang baso. Iniakbayan ko siya.

"Thank you... And don't worry Jas. Ako ng bahala sayo." nakangiting sabi ko.

"Pero ate paano? I mean... Itong condo mo... For sure gumagawa na ng paraan sila mom na mapaalis ka dito. Atsaka for sure nagplaplano na silang makuha ako sayo. I know dapat manatili na lang ako kila mom pero ate... Nasasakal na ako doon.. Ayoko na... Kaya sumama ako sayo... Pero parang naging pabigat pa ako sayo... Ate sorry..." naiiyak na sabi niya. Yinakap ko agad siya.

"Wag kang mag sorry. Ginawa mo lang ang tama. Saka don't worry kung mapaalis man ako dito. Basta magtiwala ka sakin." sabi ko at yinakap siya ng mahigpit habang umiiyak siya.

Nang ok na siya, pinagpahinga ko na siya sa kwarto ko. Ako naman nanatili sa sofa at nagisip.

Natigil yun ng magring ang phone ko. Tinignan ko kung sino yun. Si Grey. Huminga muna ako ng malalim at sinagot ito.

"Bakit?"

(Nakita ko yung nangyari kanina... Ok lang ba kayo ni Jas?)

"Sabi na nga ba. Alam mo chismoso ka talaga. Ok naman kami. Naghahanda na rin ako sa susunod na mangyayari." sabi ko sabay tayo at pumunta sa kusina para kumuha ng beer in can.

(Gusto mo ng tulong? I mean dito muna kayo sa bahay ko. Para alam kong safe kayo kung ano man gawing ng dad at mom mo.)

"Sa ngayon,  hindi muna Grey. Ako na bahala samin. Kilala mo ako. Hindi ako basta humihingi ng tulong pag alam kong kaya ko. At ayoko na rin maging pabigat sa ibang tao. Lalo na sayo." sabi ko habang binibuksan yung beer in can sabay balik sa sofa at binuksan ang laptop ko.

"Saka may plano na ako. Kung mapaalis man kami dito, may backup ako. Naalala mo nung minsan nakalaban ko yung rank 5?" sabi ko habang nagtytype sa laptop ko.

(Oo. 10 laban sa 1. At ikaw ang panalo. Tapos ang premyo nun isang bahay malayo sa city. Wait... Yun ang backup mo?)

Nakangiti kong tinitigan ang larawan sa laptop ko. Isang bahay. Mansion to be exact. Ito yung bet namin ng rank 5. Mansion. At akin na ito. 

"Oo." sabi ko sabay click ng enter.

Gumawa lang naman ako ng message na nagsasabing papunta na ako sa mansion. Kontrolado ko na pati ang mga katulong don. At ang caretaker ang pinadalhan ko ng message.

(Cool! Pede ba sumama diyan?) natatawang sabi ni Grey.

"Pagiisipan ko. Sige na. Bye." sabi ko at binaba ang tawag.

Tinignan ko ulit ang picture ng mansion. Tamang tama to samin ng kapatid ko. At sure akong walang nakaka alam kung saan ito. Safe na rin kami ni Jas. Kung meron man balakin ang mga magulang ko na hanapin at kunin si Jas, baka kailangan nilang ng 5 taon para lang magisip at maghanap kung na saan kami. Sobrang liblib ng lugar kung nasaan ang mansion na yun. At mahigpit din ang security.

Sumagot na sa message ko yung caretaker ng mansion at handa na daw sila sa aming pagdating. Wala na daw dapat alalahanin pa at sila na daw magsusundo sa amin sa paliparan.

Namg ma-settle ko na ang mansion, tinawagan ko naman ang bangko kung saan lahat ng pera ko nandoon. Well, planado ko na ito na first place. Simula kasi ng bumalik ulit ang butihin kong ina, na secure ko na lahat ng kailangan ko kung sakaling may masamang mangyari.

At ito nga, kailangan ko silang maunahan.
Pero kahit unahan man nila ako sa mga bagay bagay na alam nilang kakapitan ko kung sakaling man na maghirap ako, wala akong pake. Kontralado ko ang buhay ko. Ako ang kokontrol sa buhay ko at hindi sila.

(Yes Ms. Lawrence what can i help you po?)

"I want to withdraw some of my money. Saka gusto ko rin pala na ako lang ang susundin nyo. Kung sakali man sabihin sainyo ng dad or kahit ni mom na ifreeze ang lahat ng cards ko, wag nyo gagawin dahil ako lang ang pedeng magutos sainyo. Wala kayong iintindihin na utos kundi yung sa akin. At sa oras na merong nangahas na na sundin ang mga magulang ko, mawawalan ng trabaho." pagtatapos ko at binaba na ang tawag.

Masama na kung masama pero kailangan ko gawin yun para sa amin ni Jas. Para sa kaligtasan ng kapatid ko, lahat gagawin ko. Maski kalabanin ko ang ama ko.

Tinignan ko ang picture frame namin ni dad, nakalapag ito sa side table. Ito yung mga araw na sobrang saya ko dahil perpekto ang pamilya ko. Kompleto at masaya.

Napangisi na lang ako sa naisip ko.

Perpekto... Masaya...

Kinuha ko yung picture frame at dinala to sa basurahan. At doon tinapon.

"Pasensya na pero ikaw mismo nagdesiyon na piliin ang magaling mong asawa. Ginagawa ko lang to para maging ligtas kami ng kapatid ko. Ikaw unang tumalikod samin. Ikaw..." sabi ko habang nakatingin sa picture frame sa basuran.

Napawi lang ang tingin ko sa basurahan ng marinig ko ang doorbell.

Nagtataka man ay pumunta pa rin ako sa may pintuan at tinignan kung sino yun.

Pagkabukas ko tumambad ang mukha ni kulit.

"Ang sabi ko wala na akong pake sa kasal." madiin na sabi ko at pagsasarhan ko na sana ng pinto ng pigilan niya ito.

"Ako rin naman. Pero importante itong sasabihin ko. Sige, tawagin mo na akong desperado. Isipin mo ng desperado ako, pero ginagawa ko ito para sa pamilya ko." senserong sabi niya. Naka crossed arms kon siyang hinarap.

"Uulitin ko. Wala. Akong. Pake." madiin na sabi ko at pagsasarhan ko na ulit siya ng pinto ng pigilan niya ulit ito

"Hindi mo ba mahal ang pamilya mo?!" sigaw niya. Tumingin ako sa kanya.

"Hindi." simpleng sabi ko at mabilis na sinarhan siya ng pinto.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 30, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Demon Gangster Got Married??Where stories live. Discover now