Jack POV
Lawrence Residence
"Hindi. Hindi ako makapapayag na hindi maisakatuparan ang kasal. We already signed na contract. Hindi na natin mababawi yun. I'm sorry sweetie. " Sabi ni dad.
"Pero ayoko ko nga makasal sa taong yun! Ayoko sa kanya! Saka hindi ko sya mahal!" Galit na sabi ko.
"Madali naman sulosyunan yan eh. Pag aralan mo syang mahalin. Nang sa ganon mahalin mo rin sya."
"Pero dad!" giit ko.
"Sorry sweetie. Sundin na lang natin ang mommy mo."
"So, siya na naman ang masusunod? Palagi naman eh! Siya palagi tama! Siya lagi magdedesisyon! Pero dad! Diba dapat ikaw yun?! "
"I'm so sorry sweetie."
"Ano ba dad?! Wag mong sabihin na natatakot ka na naman na iwan niya pag hindi mo sya sinunod?! Dad! Wag ka naman duwag oh! Please ipaglaban mo naman akong anak mo! Tandaan mo dad niloko ka niya! Iniwan niya tayo! Sinaktan niya tayo! At mas pinili niya yung lalaking iyon kesa sa atin na pamilya niya! Dahil hindi niya tayo mahal!-" Napatigil ako ng sampalin niya ako.
"Wag mong siyang pagsalitaan ng ganyan! Ina mo siya! Siya ang nagluwal sayo!"
"Oo! Ina ko siya pero nagampanan niya ba ang pagiging ina niya sa akin?! Oo! Siya nag luwal sa akin pero bakit hindi niya maiparamdam na ina ko siya?!"
"Tama na! Sumunod ka na lang kung ayaw mong itakwil kita!!" Galit na sabi niya sa akin. Doon na tumulo ang luha ko.
"Hahaha!" Pekeng tawa ko habang lumuluha. "Talaga? Itatakwil mo ako? Kaya mo akong itakwil para lang sa asawa mong malandi?! Sige! Itakwil mo ako ngayon na! Tutal yung malandi na yun lang ang mahal mo! At siya lang mahalaga sayo! Kasi ako, anak lang para sayo! Hindi mo ako mahal! Magsama kayo!"
Humahagulgol akong lumabas ng bahay na yun. Peste! Magsama kayo!
Pumunta ako sa park na lagi kong pinupuntahan noong bata pa ako.
Umupo ako sa swing at doon nagsimula na naman humagulgol.
Sabi ko sa sarili ko, hindi na ako iiyak. Dahil ayoko makita ako ng mga tao na umiiyak. Ayoko isipin nila na mahina ako. Ayoko ng kinaawaan nila ako.
Mali ba yung mga sinabi ko? Lagi na lang ba ako ang mali?
"Oh. Tumahan ka na." Sabay abot ng ice cream. Tinignan ko kung sino yun. Si Grey. Agad ko pinunasan yung mga luha ko.
"Bakit ka nandito?" Sabi ko habang inaabot yung ice cream.
"Para patahanin ka." Sabay upo sa katabi kong swing.
"Hindi naman ako umiiyak."
"Wag ka mag sinungaling. Nakita ko na. So, bakit ka umiiyak?"
"Hindi nga ako umiiyak."
"Kilala na kita kaya sabihin mo na."
"Wala."
"Ok. Kung ayaw mo sabihin, sige." Sabi niya sabay kain sa ice cream niya.
"Paano mo na nalaman na nandito ako?"
"Sinundan kita."
"At bakit mo ako sinundan?"
"Kase... pwede bang manahimik ka na lang at kainin nyang ice cream mo? Ang daldal mo kaso eh." reklamo niya.
YOU ARE READING
Demon Gangster Got Married??
Teen FictionShe is a demon. Who got entangled to a playboy. Can a demon gangster have a happy ever after even if problems might arise? A gangster... Marry a playboy???