Lance POV
Nandito kami sa sasakyan ng parents ko. Papunta sa bahay namin ni Jackie. Oo, tama kayo ng basa namin.
Bwesit! Kanina parang ok lang sa kanyang makasal kami.
Pero parang baligtad nga?! Imbis na syang ang maging oa ako yung naging oa at sya kalmado lang?!
Hindi naman sa ayaw kong makasal. Oo gusto kong makasal nandoon na tayo, pero sa tamang panahon at sa babaeng mahal ko.
Siya?? Hindi ko naman sya mahal at hindi ko rin siya type. Nakakaturn off din yung ugali nya. Tapos agad agad pa ang kasal! Saan ka pa diba?!
Tinignan ko naman siya. Magkatabi kami sa backseat. Tapos si mama sa passenger seat tapos si papa sa driver seat. Nakasunod naman yung mga magulang ni Jackie.
Nakasuot siya ng headset at nakatingin sa labas. Oo maganda sya. Actually, hindi lang word na maganda bagay sa kanya. Almost perfect na sya kung titignan. Pero turn off talaga sa ugali.
Napatigil lang akong titigan siya ng bigla siyang tumingin sa akin. Nakataas yung kilay niya ng tumingin siya sa akin.
Umirap na lang ako. Hoy! Kung iniisip nyo bakla ako, mali kayo ng iniisip kasi hindi. Sadyang naiirita lang ako sa kanya.
Tinuon ko na lang yung pansin ko sa labas. Hanggang ngayon inis pa rin kasi ako.
"We're here!" Masiglang sabi ni mom. Hudyat para bumaba na kami.
"So, ano sa tingin nyo? Maganda ba?" Tanong ni mama. Tinignan ko naman yung bahay. Maganda naman. Yung kulay nya ok lang. Tumango na lang ako. Wala na talagang kawala.
"Buti na gustuhan nyo! May pool dyan sa likod at mini garden naman dyan sa may kanan. Tapos yung gamit nyo nandoon na sa mga kwarto nyo." Paliwanag ni papa.
Nagsabi pa si papa ng ilang paalala at blah blah. Tapos umuwi na rin sila. Natira kaming dalawa dito ni Jackie.
"Pasok na tayo?" Tanong ko sa kanya. Hindi sya umimik at nagtuloy tuloy lang sa pagpasok. Pumasok na lang din ako. Siguro dapat na masanay na ako sa ugali niya ngayon pa lang.
Jack POV
Pumunta na ako sa kwarto ko. Madali naman makita iyon kasi may pangalan sa pinto.
Pagpasok ko bumungad sa akin ang queen size kong kama na kulay red. May study table din ako. May walk in closet. May bathroom. At lahat sila kulay red.And that is why I like this room.
Tinanggal ko muna yung stilleto ko. Pumunta ako sa walk in closet ko. Andoon nga lahat ng gamit ko.
Pagkatapos humanap naman ako ng pantulog ko.
Napili ko short shorts at malaking t-shirt na kulay grey. Pumunta ako sa bathroom at naghilamos saka ko sinuot yung napili ko.
Nang matapos ako, saka ako lumabas sa bathroom. Nahiga muna ako sa kama. Pero hindi nagtagal ang paghiga ko kasi kumalam yung sikmura ko. Medyo bitin kasi yung kinain ko kanina. Kaya tumayo na ako at pumunta sa kusina.
Pagka punta ko sa kusina nakita ko doon si kulit. Umiinom ng tubig. At topless siya. Well wala naman epekto sa akin yun dahil marami ako nakikitang topless. So, binaliwala ko na lang yun at nagtuloy sa paglalakad papuntang ref.
Nakita ko naman sa gilid ng mata ko na nakatingin sya akin. Binaliwala ko yun at nagpatuloy sa paghahanap ng makakain.
Nakita ko naman na may strawberry jam kaya kinuha ko ito. Next ko namang hinanap ay iyong bread.
Kumuha din ako fresh milk. Naramdaman ko naman nandoon pa rin si kulit.
Nilagyan ko na ng jam yung bread. Matapos ko gamitin lahat ng kinuha ko, binalik ko na. Siguro doon muna ako sala. Kaya dinala ko yung milk at jam ko sala.
Nilagay ko sa center table yung milk ko. Tapos naupo na ako at kinain yung jam ko.
Nakita ko naman lumabas ng kusina si kulit at dumeritso sa kwarto nya.
Ako naman inubos ko na yung kinakain ko at yung milk ko saka ako umakyat. May pasok bukas kaya kailangan ko ng matulog.
YOU ARE READING
Demon Gangster Got Married??
Fiksi RemajaShe is a demon. Who got entangled to a playboy. Can a demon gangster have a happy ever after even if problems might arise? A gangster... Marry a playboy???