Lance POV
Grabe ang sakit! Yari talaga sa akin yang si miss sungit! Maganda pa pa naman sya. Makakabawi ako sa kanya promise.
Nandito ako ngayon sa tambayan namin ng mga barkada ko.
"Ano ok na ba si junior mo? Hahaha!!" Tawang tawang sabi ni Miko.
"Oo nga. Sino ba kasi nanakit dyan kay junior?" Tumatawang sabi din ni Jayson.
"Paktay! Hindi na makaka score yan mamaya sayang. Hahahaha!" Sabi naman ni Sev.
"Mga ga*go! Manahimik nga kayo. Kayo kaya, sipain ko yang mga junior nyo. Tignan ko lang kung hindi kayo mamilipit sa sakit!" Inis na sabi ko sa kanila. Ang sakit pa rin hanggang ngayon. Babawi talaga ako sa babaeng yun.
Bigla naman tumunog yung cp ko. Tinignan ko kung sino ang caller at si mama pala ito. Agad ko naman itong sinagot.
"Ma bakit po?"
(Joseph nasaan ka?)
"Kasama ko po yung tatlo. Bakit po?"
(Ganun ba. Mamayang dinner aalis tayo.)
"San po ba tayo pupunta?"
(Sa mga Lawrence. Yung company partner namin.)
"Bakit po ba? Anong okasyon?"
(Basta pumunta ka na lang. Naiintindihan mo ba?)
"Sige po. Magtetext na lang po ako kung papunta na po doon."
(Sige. Magingat ka. Love you nak!)
"Love you din ma!" Sabi ko sabay baba ng phone. Tinignan ko naman yung tatlo. At nagpipigil ng mga tawa ang mga ugok.
"Grabe mama's boy ka pa rin Lance!" Sabi nilang tatlo.
"Mga ga*go! Manahimik nga kayo!"
Inis na sabi ko. Tumawa naman sila. Bahala kayo dyan. Mawalan sana kayo ng hangin.Matapos naming tumambay pumunta kami ng mall. Nag aaya kasi si Miko mag arcade. Kaya pupunta kami.
Hindi pa pala ako nag papakilala. Ako nga pala si Joseph Lance Perez. Nagaaral sa St. Claire Academy. Mayaman ang pamilya ko. May mga kaibigan na ugok pero mababait. Playboy din. Pati yung tatlo. Gwapo at hot pa. Malakas ang sex appeal. May abs. Sikat. Nag iisang anak nila mama. Kaya spoiled ako. Madaming kotse. Mahilig sa chocolate. Hindi lang chocolate ah! Pati rin mga girls!
Ng makarating kami sa mall agad kami pumunta sa arcade.
Ng makapunta kami doon medyo madami ang tao.
Nakapagdesisyon kami nasa basketball muna kami maglalaro. Meron dong tatlong bakante. Doon kasi sa dulo mag naglalaro. Babae.
Nang pupunta na ako sa isa. Bigla na lang sumingit si Sev. Tapos tinignan ko naman sila Miko at ayun naka pwesto na sila. Kaya no choice maghihintay ako sa babae para matapos sya.
Hindi naman nagtagal yung babae natapos din sya. Nung humarap na sya nakilala ko sya.
Si miss sungit! Ba't hindi ko yun nahalata kanina, habang naglalaro sya. Tatawagin ko na sana sya ng may lumapit sa akin babae naka crop top at naka mini skirt. Tapos yung makeup nya parang sa clown. Ang kapal kasi. Tapos ang taas pa ng takong.
"Hi Joseph! Ba't nandito ka?" Malanding tanong nito. Tinignan ko naman si miss sungit kung nandoon pa. Kaso wala na. Badtrip makakabawi na sana ako.
"Hey! I'm talking to you!" Naiinis na sabi nito sa akin. Lecheng babae! Sino ba kasi to?
"Miss, excuse me, do I know you?" Tanong ko.
Kaso imbis na sagot ang matanggap ko, sampal ang natanggap ko.
**Pakkk**
Ang sakit non ha! Ano bang problema ng babaeng to.
"So, nakalimutan mona ako?! Ako lang naman ang kasama mo kagabi sa condo mo! I hate you!" Sabi nito sabay walk out.
Lumapit naman sila Sev sa akin, habang ako hawak ang parte ng pisngi kong sinampal.
"Hanep bro! Pati dito nag dadala ka ng babae mo!" Sabi ni Miko. At tinignan ang namumula kong pisngi.
"Ga*go! Tarana nga. Grabe ang sakit ng pisngi ko!" Sabi ko. Nauna akong naglakad sa kanila. Tapos sila ayun nagsisitawanan dahil sa napala ko.
Habang naglalakad ako palabas ng mall, nag vibrate naman yung phone ko. Text pala galing kay mama.
From Mama:
Joseph, mamaya wag mong kalimutan yung dinner. Ok?To Mama:
Sige po ma.Agad kong text sa kanya. Makauwi na nga para makapag prepare mamamya. Tinawag ko sila Miko at sinabing uuwi na ako.
YOU ARE READING
Demon Gangster Got Married??
Teen FictionShe is a demon. Who got entangled to a playboy. Can a demon gangster have a happy ever after even if problems might arise? A gangster... Marry a playboy???