Lance POV
Bakit nandito si sungit?! Hindi ba sa ibang school siya nagaaral?! Bakit pati dito nandito siya?! Bakit?!
At kailangan katabi ko pa talaga ang mapapangasawa ko!
Kanina nung nagpakilala sya, Jack Lawrence lang ang sinabi nya. Diba Jackie Dane Lawrence sya?
Hay! Bakit pati yun pino-problema ko? Ang dapat problemahin ko ay kung bakit sya nandito!
Ayaw ko malaman nila na ikakasal na ako kasi for sure mawawala na yung mga babaeng habol ng habol sa akin. Ayaw ko naman yun. Atsaka hindi pa ako ready!
Nakikinig lang ako ng discussion. Pero patingin tingin din ako kay sungit. Kanina pa kasi sya wala sa sarili. Tapos parang walang gana makinig. Nakatulala sa kawalan. Hindi interesado sa kung anong nangyayari sa harapan niya.
Natigil lang ako sa kakatingin sa kanya ng bigla siyang humarap sa akin. Tapos ngumisi na naman.
May saltik ata ang babaeng to eh! Kanina pa ngisi ng ngisi. Umirap na lang ako saka nakinig sa teacher namin. Kahit wala na akong naintindihan.
Jack POV
Tumunog na yung bell ibigsabihin lunch time na. Nakita ko naman nag silabasan na sila. Hindi muna ako tumayo kasi ayoko makisiksik sa paglabas ng mga classmate ko sa may pintuan
Habang hinihintay kong umalis lahat ng classmate ko. May biglang sumulpot na babae.
Sobrang kapal na makeup. Matangkad. Tapos sobrang ikli ng palda. Malandi.
Napatingin naman ako kung saan siya papunta. At papunta siya rito. I mean sa harap ni kulit.
"Hi Joseph! Gusto sana kitang yayain mag lunch. Pwede ka ba?" Pabebeng tanong ng babae. May pa hawi pa ng buhok niyang kulay ginto.
"Sure! Tara!" Masayang sabi ni kulit at agad na tumayo saka humawak sa bewang nung malandi. Pabebeng tmango yung babae. Saka sila lumabas.
Ganung babae pala type ni kulit? Umiling na lang ako saka ko nilagay sa ulo ko yung cap ko saka sinuot yung wayfarer ko at lumabas.
Paglabas ko nakita ko si Grey. Natayo habang nakapamulsa. Lumapit ako sa kanya at agad siyang umayos ng tayo.
"Akala ko ba magkikita tayo sa canteen? Bakit nandito ka?" Tanong ko sa kanya.
"Naisip ko kasi kanina na bago ka dito at hindi mo pa alam papunta sa canteen. Kaya sinundo na lang kita." Nakangiting sabi nya sa akin.
Napatango na lang ako at nagsimula kaming maglakad papuntang canteen.
Sa paglalakad namin, may narinig na naman akong bulungan.
"Kaano-ano kaya ni fafa Chris yang si girl?"
"Oo nga. Kasi tignan mo bagay sila."
"Ano ka ba bakla! Mas bagay kaya kami! Laman lang naman ng ganda si girl eh!"
Ilan yan sa mga narinig ko. Kagaya kanina binalewala ko ang mga ito.
Nakapunta kami ng canteen. At doon lalo silang nag bulungan.
"Girlfriend kaya sya ni Chris?"
"Shit! Pre ang ganda! Syota kaya nya si Chris?"
"Bagay sila noh!"
Mga tao nga naman ngayon. Pumuwesto kami sa bandang likod.
"So, bakit ka nag transfer?" Agad na tanong niya ng makaupo kami.
"Hindi ko to ginusto. Si dad." sabi ko at nagtingin tingin sa palagid.
"Bakit?" tanong niya habang inaabot ang mineral water sa akin.
"Arrange marriage." sabi ko at binuksan ang tubig saka uminom.
"Wait! What?" Gulat na tanong nya. Tinigna ko naman sya ng ayoko-ko-ng-ulitin-look.
"Ok. Ok easy." pagpapakalma niya. "Magpapakasal ka na. Sino yung guy?"
"Joseph Lance Perez." Bored kong sagot sabay tanggal ng wayfarer ko.
"Oh! The playboy Perez!"
Sabi niya sabay turo ng table nila kulit kasama yung babae. Tumango ako. So, kilala sya bilang playboy?"Kailan kasal?"
"Next week."
"Agad!" gulat na tanong niya.
"Yup." Sabi ko sabay tayo at pumunta sa cashier para bumili ng pagkain. Naramdaman ko namang sumunod si Grey. At bumili din. Bumalik kami sa upuan dala yung pagkaing binili namin.
"Magkasam kayo sa isang bahay ngayon?" Tanong niya. Tumango ako kasi may laman yung bibig ko.
"At sanay kang makita na meron syang kalandian na babae?" Sabi niya at tumingin naman ako kung saan sya nakatingin.
At nakita ko si kulit. Aba! Nakapag palit agad ng babae! Ibang klase talaga.
"Wala akong pake sa kanya." sabi ko sabay patuloy sa pagkain.
"Sabagay. Kailan ka nga ba nagkaroon ng pake sa ibang tao." Sabi naman niya sabay inom ng tubig. Kilala nya talaga ako.
"Oo nga pala. May laban mamaya. Rank 2 vs Rank 4. Tapos may humahamon pa syo. Si Prince." sabi ni Chris.
Na naman? Natalo ko na sya! Ayaw pa rin sumuko? Sabagay, gusto niya kasi makuha yung title na demon gangster. Akala naman niya mapapasakanya.
"Ano? Pupunta ka ba?" tanong niya sabay ayos ng pinagkainan niya.
"Oo. Lalo na't nag hahamon na naman si prinsipe palaka." sabi ko at biglang tumawa si Chris.
"Seriously?! Prinsipe palaka talaga Jack?!" Tawang tawang sabi nya. Hinayaan ko na lang syan na tumawa ng tumawa. Bahala ka mawalan ng hangin dyan.
![](https://img.wattpad.com/cover/104396362-288-k454911.jpg)
YOU ARE READING
Demon Gangster Got Married??
Teen FictionShe is a demon. Who got entangled to a playboy. Can a demon gangster have a happy ever after even if problems might arise? A gangster... Marry a playboy???