Jack POV
Pagdating ko sa unit ko. Nakita ko si daddy. Nakaupo. Sabi ko na nga ba eh!
Agad naman nya akong napansin. At tumayo sa kimauupuan niya.
"Hi sweetie!" Bati sa akin ni dad sabay yakap. Malapit ako kay dad. Daddy's girl ika nga nila.
"Hi dad. Kanina ka pa?"
"Hindi naman sweetie. Tara na."
"Dad." madiin ang tono ko.
"I know sweetie. Ayaw mo. Pero kailangan mo pumunta. Sige na sweetie. Please." Sabi nya sabay puppy eyes. Kahinaan...
"Ok. Ok. Dad. Just don't do the puppy eyes again ok." Naaasiwang sabi ko. Tumawa naman sya dahil sa reaksyon ko.
Agad akong nagbihis, pagkatapos umalis na kami.
(Lawrence Residence)
"Ate!! I miss you!!" Sigaw ng kapatid kong si Jas. At yinakap ako.
"Can you please lower your voice Jas!" Sita ko sa kanya pero nagpacute lang siya.
Napatingin kami sa padating na si mommy.
"Sabi ko na nga ba. Daddy mo lang ang magpapayag sayong pumunta dito." Sabi nya. Nakangiti. Napakaplastic.
"Doon lang ako sa room ko dad, Jas." Sabi ko sabay lampas kay mommy. Pagdating ko sa room ko agad ko tong ni lock at humiga sa kama. Wala naman akong balak tumapak ulit dito. Kung hindi lang dahil kila dad saka Jas.
Naalala ko naman yung rason kung bakit ganito ako kay mom. Yung rason kung bakit ganito yung trato ko sa kanya.
[Flashback]
Nasa room ako non. I was 7 years old that time. Naglalaro ako ng mga barbie doll sa doll house ko.
Habang naglalaro ako nakarinig ako ng ingay sa labas ng room. Bilang bata at curious sa mga bagay bagay, kaya lumabas ako. Nakita kong may kasama si mom na lalaki. Hindi yun si dad. Hindi yun ang daddy ko.
Dahil that time wala si daddy sa bahay. Ako at si mom lang. Nasa ibang bansa kasi siya noon for business purposes.
Nakita kong naghahalikan sila habang papasok sila sa kwarto nila ni dad. Hindi nila ako napansin dahil natatakpan ako ng pader.
Sinundan ko sila. Hindi masyado nakasara yung pinto kaya nakikita ko yung ginagawa nila.
Doon nakita kong nakahubad na si mom atsaka yung lalaki. Doon na rin tumulo yung luha ko. Kaya tinakpan ko yung bibig ko para hindi nila marinig yung hikbi ko.
Doon ko naisip si daddy. Bakit ginawa yun ni mom? Hindi nya ba mahal si daddy? Hindi niya ako mahal? Bakit sya may lalaki?
Habag patuloy ako sa pag-iyak doon ko naramdaman na may humawak sa balikat ko. Pagtingin ko si dad na kakauwi lang.
"Sweetie what are you doing here? At bakit ka umiiyak anak?" Alalang tanong ni dad. Hindi na ako nakasagot dahil may narinig na kaming ungol. Napatingin si dad sa kwarto nila at agad pumasok doon.
Nabigla ako ng marinig ko na nagmura si dad.
"Puta*gina!! Anong ginagawa nyo?! Mga hayop kayo!!" Sigaw ni dad. Agad naman lumabas yung lalaki pilit inaayos ang damit niya.
Nakita ko si mom na lumapit kay daddy. Niyakap nya si daddy habang nagso sorry.
Nanlaki yung mata ko ng biglang sampalin nya si mom. Doon na ako sumigaw at umawat sa kanila.
"Mom! Dad! Stop please!!" Sabi ko habang yakap yakap si dad.
Niyakap naman ako ni dad. At iniwas ako sa papalapit na si mom.
Doon na nagdesisyon si dad na umalis kami at iwan si mom.
Nung kami lang magkasam ni dad. Nasaksihan ko siyang umiyak.
Masaktan.
Kaya simula noon galit na rin ako kay mom.
Dahil sa kanya nasaktan si dad. Dahil sa kanya nagpakalulong sa alak si dad. Gabi-gabi umiiyak si dad at tinatanong nya sa sarili nya ano bang kulang nya.
Isang araw pinuntahan kami ni mom.
At doon namin nalaman na buntis sya at si Jas yun. Oo galit ako kay mom, pero kay Jas hindi. Kasi wala naman syang kinalaman sa nangyari.
Sa huli, tinanggap namin ulit si mom. Kasama na rin doon si Jas. Tinuring na anak ni dad si Jas. Ako ganun din tinuring ko syang tunay na kapatid.
[End of Flashback]
Naramdaman ko na lang tumulo yung luha ko. Agad ko tong pinunasan. I hate tears. I hate being hurt. Kahit na matagal na yun hindi ko pa rin mapatawad si mom. Hinding hindi ko siya mapapatawad.
YOU ARE READING
Demon Gangster Got Married??
Teen FictionShe is a demon. Who got entangled to a playboy. Can a demon gangster have a happy ever after even if problems might arise? A gangster... Marry a playboy???