Jack POV
Tapos na ang class ko kaya niligpit ko na yung gamit ko saka lumabas ng room ko. Paglabas ko nakita ko sila Grey. Mga nagaabang sa may pintuan.
"Bakit kayo nandito?" Tanong ko sa kanila.
"Sinusundo ka." Sabi ni Marvin.
"Tara sabay ka sa amin babs. Para makita mo rin tambayan namin." Masiglang sabi ni Prince.
"Pero pupuntahan ko pa yung big bike ko sa dati kong condo." Sabi ko at nilabas ang susi ko.
"Ganun ba? Hatid ka na lang namin." Sagot naman ni Mic.
"Sige." Sabi ko kaya sabay sabay kami lumabas ng building papunta sa parking. Bali ako yung nasa gitna nila. At masasabi ko na parang one of the boys na rin ako. And center of attraction na naman ako.
Papunta na sana kami sa van nila ng mahagip ko si kulit. Hindi mo mapapansin dahil medyo madilim sa part na yun. Pero kong lalapit ka mamahagip mo sila.
Malapit pa naman yung van nila Grey sa kung saan sila. Making out again.
"Grabe FIANCE mo! Lupet!" mangha na sabi ni Mic.
"Tinaob na ako ng gag*ong yan! Ako ginagawa ko yan sa club eh sya pati dito! Hindi na nahiya!" Medyo inis na sabi ni Prince.
"Ano babs? Sasapakin na ba namin yang kumag mong FIANCE?" Tanong ni Grey. Habang pinapatunog ang mga daliri niya.
Tinitigan ko maigi sila kulit. Papatol na nga lang, doon pa sa mukhang mangkukulam.
Napatingin naman sa kotse niya. Ngumise ako at pumulot ng bato malapit sa akin. Hindi naman ito kalakihan, tama lang para sa isang malaking gasgas sa kotse niya.
"Diba sabi nila dapat ang mga lalaking nambabae tinuturuan ng leksyon..." sabi ko sa kanila habang inaanggulo ang hawak ko bato.
"Naku babs mukhang alam ko na ang gagawin mo at masama yan. Pero support kita dyan!" tuwang tuwa na sabi ni Justine.
Sila Prince din ay todo cheer sa akin. Ng ok na ang anggulo ko, tinaas ko na yung kamay kong may hawak na bato saka binato doon sa kotse nyang ferrari na kulay yellow.
"Woah!" manghang mangha yung pito dahil sa ginawa ko.
Natigil sila kulit sa gingawa nila at tinignan ang kotse nyang basag ang salamin sa harap. Humarap sya sa direksyon ko. Galit na galit ang mukha nya.
"You!" Galit na galit nyang sabi sa akin. That's what you get playboy!
"What?" Painosenteng kong tanong sa kanya.
"Bakit mo binato itong kotse ko?!" Galit na galit nyang tanong.
"Pasensya na. Dumaplis sa kamay ko." Sabi ko sabay lakad papunta sa van. Sumunod naman yung pito sa akin.
"Grabe yung mukha nya! Parang papatay ng tao!" Sabi ni Prince na inaayos ang seatbelt nya. Siya kasi ang mag dadrive.
"Sinabi mo pa!" Tawa ni Mic.
Nagtawanan lang sila habang kinukwento yung pagmumukha ni kulit.
Nakarating kami sa condo ko. Pumunta ako sa front desk para sabihin na kukunin ko ang big bike ko. Sinabihan naman nila ako na nandoon na sa labas ng condo. Kaya lumabas na ko.
"So, susunko ka na lang sa amin?" Tanong ni Grey. Habang chine-check ang big bike ko.
Tumango ako saka kinuha yung helmet ko at sinuot ito. Pumasok naman agad si Grey sa van nila.
Nang umandar na sila, sumunod ako.
Nakadating kami sa isang sikat na bar.
"So, ito yung tambayan nyo?" Tanong ko habang naglalakad kami sa vip room.
"Oo. Astig ba?" Sabi naman ni Prince. Tumango lang ako sa sinabi nya.
Nang makarating kami sa vip room, agad na nag order sila ng beer at pulutan.
"Since, may bago tayong member. Mag paparty tayo!!!" Sigaw ni Justine sabay taas ng beer nya. Nag hiyawan naman yung iba.
Ngumiti na lang ako. Ang gaan ng loob ko sakanila.
Nasa kalagitnaan kami ng inuman ng pumasok ang isang bartender na hingal na hingal, magulo ang buhok atsaka may dugo sa labi.
YOU ARE READING
Demon Gangster Got Married??
Roman pour AdolescentsShe is a demon. Who got entangled to a playboy. Can a demon gangster have a happy ever after even if problems might arise? A gangster... Marry a playboy???