14

230 4 2
                                    

Jackie POV

Kasalukuyan kaming nasa office nung Shane. At naguusap kung anong mangyayari sa kasal, kung anong motif, at kung ano-ano pa.

Tahimik lang ako nakikinig sa kanila. Wala naman kasi akong interes sa ganyan. Alam ko naman na lagi si Mom lang ang masusunod. Kahit magbigay pa ako ng opinion ma-babalewala lang. Kaya mas mabuti na lang na wag na lang magsalita. Kesa makisawsaw.

"So, what do you think anak?" Tanong bigla sa akin ni Dad. Lahat sila nakatingin sa akin. At hinihintay yung sagot ko.

Tumango lang ako, saka sumandal sa upuan ko.

"Ok! Sunod naman ay yung pagsusukat sa inyo. So, doon na tayo sa fittng room?" Nakangiting sabi ni Shane sa amin ni kulit. Malandi.

Sabay na tumayo yung parents ni kulit at si kulit tapos sinundan yung Shane, ganon din si Mom saka Dad. Habang na kami ni Jas ay nahuhuli sa kanila.

"Jas your phone?" Tanong ko sa kanya na agad naman niyang binigay, habang naglalakad papuntang fitting room.

Dinial ko yung number ni Grey. Nakakailang ring na nung sagutin niya.

"Bakit ang tagal mong sagutin?" naiirita kong sabi sa kanya.

(Sorry. Nasa biyahe kasi kami nung tumatawag ka. Kararating lang namin. Nandito na kami sa harapan ng building.)

"Sige. Hintayin niyo ako dyan. Lalabas ako." Sabi ko at agad binaba yung phone.

Tinignan ko naman si Jas. Base sa mukha niya parang gusto niyang magtanong.

"Friends. Mauna ka na. Sabihin mo nag C.R. lang ako." Sabi ko tumango naman siya. Pagkaalis niya saka naman ako tumungo palabas..

Pagdating ko doon. Nakita ko sila na pare parehong nakasandal sa mga big bike nila. Agad naman nila akong napansin.

"Babs!!!" Sigaw ni Justine at Prince.

Lunapit akobsa kinaroroonan nila at agad naman nila akong yinakap. Pero agad din naman sila humiwalay.

"Woah! Ganda!" Puri ni Sammie.

"Bagay sayo." Sabi naman ni Marvin.

"Ano na? Nandito na kayo? Anong plano niyo?" Tanong ko kay Grey habang naka crossed arms.

"Plano?" Sabi nya habang tinitignan sila Justine na mga naka-ngisi.

"Ano nga?!" Naiinis na sabi ko.

"Hahaha!! Mainitin ka talaga! Ok ito na." Sabi niya habang nakangisi.

Tinignan ko lang sya na para bang bored na bored na ako.

Sasabihin na sana ni Grey ng may biglang tumawag sa akin.

"Ate Jackie!!!!" Matinis na sigaw ni Jas kaya lahat kami napalingon sa kanya. Tumakbo siya papunta sa harap namin.

"Ate! You have to go inside!" natatarantang  sabi ni Jas sabay hawal sa braso ko. Magsasalita na sana ako ng biglang sumingit si Justine.

"Magandang araw! Magandang binibini!" Nakangiting sabi ni Justine kay Jas. Tinignan lang siya ni Jas na parang nasusuka saka tumingin ulit sa akin.

"Basag!" Natatawang sabi nila Grey.

Nakasimangot naman na tumingin si Justine kila Grey saka sinamaan ng tingin. Hindi ko sila pinansin at tinignan si Jas.

"Sige na pumasok ka na. Kakausa-" Natigil ako sa pagsasalita ng makitang ko si kulit papunta sa pwesto namin. Salubong ang mga kilay nya.

Nang makarating siya sa harap namin agad niyang hinigit yung braso ko.

"Let's go. Hinahantay na tayo sa loob." Madiin na sabi niya. Pero hindi ako sumunod. Sa halip, hinigit ko ang braso kong hawak nya.

"Ayoko." Matigas na sabi ko sa kanya.

"Sa ayaw o gusto mo susunod ka." Matigas rin na sabi nya.

"Wala kang karapatan na utusan ako."

"May karapatan ako kasi fiance mo ako! Anong gusto mo?! Sumama dyan sa mga lalaking yan! Diyan sa mga lalaki mo! Yun-"

***Paaaakkkkkk***

Natigilan siya ng sampalin ko sya.

"Ate!!!" panic na sigaw ni Jas.

"Babs!!!" sigaw ng pito.

Pero dinedma ko silang lahat. Tinitigan ko si kulit na ngayon galit na galit ang mukhang nakatingin sakin.

"Wala kang karapatan na husgahan ako. At mas lalong wala kang karapatan para sigawan ako. Tandaan mo wala sating may gusto sa pesteng kasal na to. At wala kang pake kung sino man ang mga kasama ko." Madiin at galit na sabi ko. Nagulat naman siya sa pananalita ko. 

"Jackie! Joseph! What's going on?! And who are they?!" Sigaw ng mom ko sa amin. Mabilis na lumapit siya sa amin para pumagitna.

What a great timing...

"Ano bang nangyayari dito?! Jackie?! Magsalita ka! Sino sila?! Bakit sila nandito?!" Sigaw niya sa harap ko. Habang dinuduro sila Grey. Hindi ko siya pinansin at nanatili akong nakatingin kay kulit na ngayon hawak hawak ang pisngi nya. Ngumisi naman ako. To be honest you deserved it.

"I said what-"

"Will you just shut the f*ck up!" Sigaw ko kay mom. Nanlalaki ang mata niya ng tignan ako.

"What did you say?" Nang gagalahiti na siya ngayon.

"I said shut the fvck up." Ulit na sabi ko. Madiin ang tono ko sabay ngisi. Kaya mabilis akong nakatanggap ng sampal.

**"Paaaakkkk***

"How dare you! Pano mo ako nasisigawan ng ganyan! Nanay mo ako! Walang-hiya ka! Wala kang respeto!" Histerikal niya sa harapan naming lahat.

Sasampalin na sana ulit niya ako ng mahawakan ko agad ang kamay niya.

"Subukan mo ulit akong sampalin, baka hindi mo kayanin ang ganti ko. Wala akong pake kung matanda ka na. At wala rin akong pake kung nanay kita. Matagal na akong nagtitimpi sayo. Pero ngayong sinagad mo na ako. Wala akong pake kung mamatay ka sa gagawin ko." Madiin at galit sabi ko sa kanya sabay hagis ng kamay niya.

Nanlalaki ang mata ni mom na nakatingin sa akin. Gayon din sila Jas, Kulit at maski sila Grey.

Wala akong pake kung pangit na ang tingin nila sa akin. Lalo na si Kulit at ai Jas.

Tinitigan ko pa sila mom at kulit.

Saka ako nag walk out. Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa bahay namin ni kulit.

Matagal na akong nagtitimpi sayo. Hindi mo alam kung gaano kita kinamumuhian. Hindi mo alam kung gaano kasakit makita si dad na nagpapakalasing para sayo.

Pagkarating ko sa bahay namin agad ko inimpake yung gamit ko. Saka kinuha yung susi ng big bike ko.

Ng makarating ako sa condo ko agad kong binagsak ang mga gamit ko saka pumunta ng banyo para magpalit.

Matapos magpalit, agad kong kinuha yung susi ko. Pupunta muna ako sa malapit na bar para kumalma.

Demon Gangster Got Married??Where stories live. Discover now