Jack POV
Nandito ako ngayon sa canteen kasama si Grey. Dito daw kasi namin hintayin yung mga members nya.
"Matagal pa ba sila?" Tanong ko habang sumusubo ng sandwich.
"Parating na sila." nakangiting sabi nito habang may kinakalikot sa phone nya.
Habang umiinom ako may narinig akong tilian. Tumingin ako kung saan yun. At doon nanggaling sa anim na lalaki.
"Hey Chris!" Sigaw ng lalaking nasa gitna nila na may lollipop sa bibig. Agad naman sinalubong ni Grey sila. Nag bro hug at fist bomb sila. Pagkatpos pumunta sila sa harap ko.
"Jack! Ito na sila!" Masayang sabi ni Grey habang tinuturo ang mga lalaki.
"Hi! I'm Prince!" Sabi nung isang mukhang playboy.
"Hi! Mic nga pala!" Sabi nung cute.
"Marvin." Cold na sabi nung brown hair.
"Hi po! Ako nga pala si Justine!" Sabi nung mukhang bata.
"Hey! Max is my name!" Sabi nung mukhang mahangin.
"Sammie nga pala!" Sabi nung may lollipop sa bibig.
"Sila yung sinasabi kong members ko. Guys si Jack Dane Lawrence. New member natin." Ngiting pagpapakilala ni Grey sa akin.
Tumango lang ako at pinagpatuloy ang pagkain, sila naman nag siupo. Nasa pagitan ako ni Grey atsaka Justine. Natigil ako sa pagkain ng bigla akong kalabitin ni Justine. Tinignan ko sya.
"Bakit?" tanong ko sa kanya.
"Pwede ba itawag namin sayo babs?" Pacute nyang sabi. Napatingin naman yung iba sa amin.
"Hey Justine! Wag ka nga magulo kumakain pa sya oh! Pero pwede ba?" Singit naman ni Mic. Agad naman syang binatukan ni Max.
"Ikaw nga nagsabing wag guluhin ikaw pa tong nagtanong!" Sabi ni Max. Medyo natawa naman ako, kahit hindi ko alam bakit yun ang gusto nila itawag sa akin. Makulit din pala sila.
"Ano Jack payag ka ba? Since ikaw lang ang babae sa amin?" Tanong naman ni Grey.
Tumingin ako sa kanila. Mga nagaantay ng sagot ko. Since mukhang gusto ko din yung pangalan na yun why not. It's just a nickname. Saka harmless naman silang tignan.
"Sure." Sabi ko. Agad naman silang naghiyawan. Pwera lang kay Marvin na nakangiti lang. Hindi naman pala sya cold.
Natigil sila sa pagsasaya ng biglang may pumuntang lalaki sa harapan nami. Nerd.
"Ms-Lawr-ence pinapa-pabi-gay p-o ni Mis-ter Pe-rez..." Nanginginig na sabi ni Nerd sabay abot ng isang papel. Kinuha ko yun at agad umalis yung nerd. Weird.
"Perez? Hindi ba siya yung playboy?" tanong ni Max.
"Oo nga. Babs ano daw sabi." Tanong naman ni Sammie. Tinignan ko kung ano nakasulat.
Pinapaalala ko sayo ikakasal ka na.
Yun lang ang nakasulat. So? Anong connection ng kasal dito sa ginagawa ko?
Bigla naman inagaw ni Justine yung papel."Ikakasal ka na babs?" Pagtataka nito.
"Oo ikakasal na sya." Singit naman ni Grey.
"Ano? Paano?" Tanong nilang lahat. Kaya ayun kinuwento nya. Since alam naman na nya. Bahala na sya. Habang nagkukwento si Grey napatingin naman ako doon sa isang table. Nandoom kasi si kulit.
At umiral naman ang pagiging playboy nya. Dahil may kasama na naman syang babaeng malandi. Pati ba dito? Lampungan pa rin? Iniwas ko na lang yung tingin ko sa kanila.
Nang matapos magkwento si Grey agad silang nagreact.
"Grabe! Lupet talaga ng tadhana! Ok sana kung hindi sya playboy kaso play boy! Paano mo natitiis yun babs?" Tanong ni Prince.
"Ewan." Sabi ko. Hindi ko naman alam isasagot. Ano ba dapat?
"Ewan?! Ewan lang sayo yan?!" Turo naman ni Justine kay kulit na ngayon nakikipaghalikan na. PDA much?
"Oo. Wala kasi akong pake sa kanya." Sabi ko sa kanila.
"Grabe nakakaya mo yan. Kung babae lang ako atsaka ganyan mapapangasawa ko hay naku sasabunutan ko yung babae nya!" pa baklang sabi ni Prince. With matching actions pa. Kaya tumawa nag lahat.
"Bro! Bagay sayo!" Natatawang sabi ni Marvin. Kaya nakitawa na rin ako. Nabatukan naman ni Prince si Marvin.
"Bar tayo!" Agaw atensyon ni kulit. Kaya napatingin kami sa kanya. Lakas kasi ng boses.
"Mukhang ang soon-to-be-husband mo magpapainit ngayong gabi." Nakangisi sabi ni Prince sabay tingin sa akin.
"Oo nga. Hindi ka ba nababahala babs?" Tanong ni Mic sabay inom ng soda.
"Bakit ako mababahala? Sino ba siya? Pake ko." Nakataas kilay kong tanong sa kanila.
"Tama sya. Diba nga sabi nya wala syang pake?" Sabi naman ni Grey. Tumango lang sila.
"Sabagay, arranged marriage lang naman kayo. So, hindi nyo ginusto mapumta sa sitwasyon na yan at mas lalong hindi nyo gusto ang isa't isa." sabi ni Justine.
"Tama tama!" pagsang ayon nila sa sinabi ni Justine. Tumango na lang din ako at pinagpaatuloy ang pagkain.
Natapos na kami kumain saka magkwentuhan kaya bumalik na kami sa kanya kanyang room namin.
Maglalakad na sana ako ng mapansin kong nasa likod ko pa sila.
"Hindi ba doon ang daan nyo?" tanong ko sa kanila. Sabay turo sa kabilang hallway.
"Gusto ka daw nila ihatid sa room mo Jack." sabi ni Grey kaya nakatanggap siya ng batok kay Max.
"Ikaw kaya nagsabi nun!" sabi naman ni Prince.
"Anong ako? Si Marvin kaya!" turo ni Grey kay Marvin na tahimik sa tabi ni Sammie.
"Gago! Nanahimik si Marvin eh! Siya talaga yun babs! Si Chris talaga yun!" parang bata na sumbong ni Justine. Hanggang sa ayun nagturuan ulit sila kung sino.
Wala akong ginawa. Iniwan ko na lang si doon. Bahala sila malate.

YOU ARE READING
Demon Gangster Got Married??
Roman pour AdolescentsShe is a demon. Who got entangled to a playboy. Can a demon gangster have a happy ever after even if problems might arise? A gangster... Marry a playboy???