Jackie POV
Pagkarating ko sa bar, umoder ako ng limang beer. At umupo sa may VIP seat.
Nang makuha ko ang order ko agad ko itong tinungga. Wala akong pake kung maaga pa para magpakalasing. Basta ang gusto ko lang ay mapakalma ang sarili ko.
Lumipas ang mga oras, nakakalimang beer na ako ng may biglang umagaw nito. Tinignan ko ito at nakita si kulit. Paano niya nalaman na nandito ako?
"Tayo." Sabi nya. Pero hindi ko ginawa sa halip, binuksan ko na lang yung isa pang beer at akmang tutunggain yun ng bigla na naman niya kunin.
"Wala ka bang narinig?! Sabi ko! Tayo!" Sigaw nya sa akin. Nakakarindi. Parang bakla.
Para hindi na sya umingay ulit na parang bakla, tumayo na ako. Nilabas ang wallet ko saka naglabas ng pera at iniwan doon.
Pagakatapos lumabas ako at hindi na siya hinintay.
Nung nasa labas na kami agad nyang hinatak ang braso ko para mapatingin sa kanya.
"Ano bang problema mo?! Bakit wala yung gamit mo sa bahay?!" Sigaw niya sa akin.
"Bakit? Ano namang pake mo kung wala doon ang gamit ko?"
"May pake ako kasi fiance kita! At bilang fiance mo dapat alam ko kung nasaan ka!"
"Wow! Ako? Fiance mo? Sa pagkakatanda ko, ayaw mo ako maging fiance. At sa pagkakatanda ko rin, isang fixed marriage lang to." Galit na sabi ko.
Natigilan siya sa sinabi ko at nabitawan ang braso ko.
"Wag kang mag alala. Dahil ngayon wala nang kasalan na magaganap. Dahil ayokong matali sa isang playboy na tulad mo." Sabi ko saka sakay sa big bike ko.
Pagkarating ko sa condo ko agad akong pumunta sa unit ko. Isasara ko na sana yung pinto ko ng may biglang humarang upang wag ko muna maisara ang pinto.
Nang tignan ko kung sino ito ay nagulat ako ng makita kong madilim ang mukha ni kulit na nakatingin sa akin.
"Pano-" Magsasalita na sana ako ng bigla nya akong itulak papasok at sinara ang pinto at doon marahas na sinandal.
"Aray! Masakit!" Daing ko ng hawakan nya ng mahigpit ang mga braso ko.
"Anong gagawin mo? Iuurong mo ang kasal?" Galit na tanong niya habang nakatingin sa akin.
"Bakit?! Ayaw mo ba nun?! Hindi ka na matatali sa akin! Malalandi mo na lahat ng gusto mo! Makakama mo na lahat ng nag-" Natigil ako sa pagsasalita ng bigla nya akong halikan. Natutula ako at hindi malaman ang gagawin ko.
Natauhan lang ako ng maramdaman yung mga kamay niya na nasa dibdib ko at marahan na pinipisil ito. At yung halik nya unting-unti ay lumalalim.
Pero bago pa lumalala ang sitwasyon ay tinulak ko na siya ng buong pwersa ko saka sinuntok siya.
"Putang*** ka!!! Bastos!!!" Sigaw ko sa kanya. Siya naman napahiga sa sahig. Akmang tatayo at lalapit siya ay agad ko siyang sinipa at sinuntok ulit.
"Bastos!!! Manyak!!!" Sigaw ko sa kanya habang sinusuntok sya. Huminto naman ako ng makitang umuubo na sya ng dugo. At hindi narin siya makatayo. Tinignan ko sya at hinang hinang tumingin rin sya sa akin.
Nawala lang tingin ko sa kanya ng may biglang mag doorbell. Pinuntahan ko iyon at bumungad sa akin ang kapatid ko at sila Grey.
"Ate!" mangiyak-ngiyak na sabi ni Jas sabay yakap sa akin. Pero agad ko din naman binaklas ang yakap nya.

YOU ARE READING
Demon Gangster Got Married??
Teen FictionShe is a demon. Who got entangled to a playboy. Can a demon gangster have a happy ever after even if problems might arise? A gangster... Marry a playboy???