«C12»

302 9 3
                                    

Jack POV

"Oh anong nangyari sayo???" Tanong ni Grey doon sa waiter.

"May mga siga po na nasa baba hinahanap po kayo!" Sabi nung waiter na halatang takot na takot.

"Siga? Aba! Parang alam ko na kung sino yung mga yun!" Sabi ni Sammie agad na tumayo.

"Dito ka lang babs. Kami na haharap." Sabi ni Prince sakin at iiwan na sana nila ako, ngunit hindi ko pinakinggan si Prince sa halip mas nauna pa akong lumabas at pinuntahan yung mga siga "daw" na nangugulo.

Pagdating ko sa baba. Nakita ko yung mga lalaking may tattoo sa buong katawan. Malalaki ang mga katawan. Halatang mga guranh na pero kita mo pa rin ang lakas nila.

Hawak ng isa sa kanila, sa leeg yung isang waiter.

"Asan na sabi sila eh?!" Galit na galit na sabi nung parang leader. May bandana kasi siya na pula sa ulo samantala yung mga kasama nya wala.

Hindi sumagot yung waiter kaya nakatikim sya ng suntok kaya lumipad siya sa lapag.

"Ano?! Gusto mo pa?!" Sigaw na tanong ulit nung leader nila. Susuntukin na sana nya yung waiter ng agad akong kumilos at hinawakan ko yung kamay nya.

"Bibitawan mo o ako susuntok sayo?" Banta ko sa kanya.

"Aba! Sino ka bang baba-" Hindi niya natapos sasabihin nya ng bigla ko sipain ang pagkalalaki niya para mabitawan niya yung waiter. Pagkatpos sabay suntok ng dalawang beses sa magaspang niyang mukha.

Sumugod naman yung ibang kasama nya sa akin.

Susuntukin na sana ako ng papalapit sa akin ng makailag ako kaya siya ang sinuntok ko.

Nahagip ko sila Grey na nakikipagsuntukan na rin sa iba.

May papalapit sakin kaya kumuha ako ng upuan at binalibag sakanyang mukha ito.

Nakita ko gilid ng mga mata ko na may papalapit ulit sa akin at may hawak na patalim. Mabilis kong hinawakan yung kamay niyang may patalim at inikot ito para mabitawan nya saka ko siya sinuntok at sinipa.

Nakita ko sila Prince na napatumba na rin yung iba pa.

Agad sila lumapit sa akin saka tinanong ako.

"Oks ka lang babs??" Tanong ni Justine. Habang sinusuri ang mga kamay ko.Tumango lang ako saka binawi ang mga kamay ko.

"Sige na ilabas na yang mga yan!" Sigaw ni Sammie doon sa mga waiter.

"Ano? Tuloy na natin yung party natin?" Tanong naman ni Mic.

Sumang-ayon kami saka kami bumalik sa vip room para matuloy nga yung party namin.



Nakauwi ako ng bahay madaling araw na. Napasarap kasi sa inuman at tawanan.

Bubuksan ko sana yung pintuan ng biglang magbukas ito at tumambad sakin ang isang babae. Magulo ang buhok, tapos yung suot parang nirape sa itsura, yung make up halos kumalat na mukha.

Tinitigan ko lang siya at siya naman inirapan ako. Saka sya naglakad papunta sa kotseng pula.

Sa kanya pala yun akala ko kay kulit na naman.

Pumasok ako ng bahay at nakita ko siya kalalabas lang sa kusina.

Nakaboxer at topless. Base sa itusura nya mukhang katatapos lang nila.

Tinignan ko lang sya at nagtuloy tuloy ako sa kwarto ko. Pero naramdaman ko naman siya sumunod.

Nung nasa pintuan na ako ng kwarto ko saka ko lang sya hinarap.

"Bakit ka sumusunod?" Badtrip na tanong ko sa kanya.

"Anong oras na? Bakit ngayon ka lang? San ka nanggaling? Kasama mo ba yung mga lalaking yun?" Sunod sunod nyang tanong. Tinignan ko lang sya kasi masakit na nga ulo ko dumagdag pa siya.

"Ano? Sumagot ka?!" Sigaw niya. Tignan mo to. Ngayon umaasta siyang parang tatay ko.

"Ikaw? Sino yung babaeng lumabas dito? Anonh ginawa nyo?" Inis nabtanong sa kanya kasi sobrang sakit ng ulo ko.

Natahimik siya kaya pumasok na lang ako sa kwarto ko.

Nagpalit lang ako saka humiga.



Nagising ako ng marinig kong may kumakatok sa pintuan.

Kahit tamad na tamad akong tumayo binuksan ko pa rin yun.

Pagbukas ko nakita ko si dad.

"Good morning sweetie!" Masiglang sabi ni dad sabay yakap sa akin.

"Anong ginagawa niyo dito?" Gulat kong tanong. Kumalas naman siya sa pagkakayakap sakin at tinignan ako.

"Ngayong araw ka magsusukat ng wedding dress mo at ngayon nyo din titignan venue ng kasal nyo."

"Teka! Bakit ang aga!" Angal ko.

"Wag ka ng matanong! Sige na mag ayos ka na ha! See you later sweetie!" Ngiting sabi ni dad sabay baba.

Sumimangot ako saka pumasok sa kwarto ko.

Kinuha ko na lang yung tuwalya ko.

Papasok na sana ako sa bathroom ko ng biglang tumunog yung phone ko. Tinignan ko kung sino ito pero unknown number lang.

Sinagot ko ito.

(Good morning babs!!!!) Nailayo ko yung phone sa tenga ko ng biglang sumigaw to.

"Wanna die?"

(Grabe babs! Patay agad!) Sabi nito sa akin.

"Sino ka ba?"

(Hala! Mukhang nagka amnesia na si babs!) Sabi ng isang tinig na sa tingin ko boses ni Mic.

"Mic?"

(Ako nga akala ko nakalimutan mo na kami eh) sabi ni Mic.

"Bakit kayo tumawag?"

(Namiss ka lang namin babs! May gagawin ka ba ngayon? Labas tayo!) Sabi ni Prince.

"Gusto ko yan. Kaso hindi pwede. Ngayong araw ako magaasikaso ng wedding ko." sabi ko sa kanila.

(Anobayan!!!) Sabay sabay nilang sabi.

"Sige na ibaba ko na to."

(Wait babs! San location kayo pupunta?) Tanong ni Justine.

"Di ko pa alam bakit?"

(Text mo sa amin mamaya pag alam mo na! Sige babs bye!)  Sabi ni Justine sabay baba ng phone.

Kahit nagtataka ako. Pumasok na lang ako sa bathroom at sinumulan ng maligo.

Pagkatapos kong maligo. Pumili ako ng damit sa closet ko.

Habang namimili may biglang kumatok. Pumunta ako sa pinto at binuksan ito.

Doon nakita ko si kulit. May dala syang heels na white at dress.

"Oh!"

"Anong gagawin ko dyan?"

"Kainin mo hanggang sa mabusog ka!"

"Paano kung ayoko?"

"Bahala ka sa buhay mo!"

Sabi nya sabay balibag sa akin ng dress at hinagis yung heels.

Kinuha ko na lang yung dress saka pabalibag na sinara ko yung pinto.

Tinignan ko yung dress. Pink siya na pa tube ang design.

Sinuot ko na lang dahil wala naman akong choice.

Demon Gangster Got Married??Where stories live. Discover now