Jack POV
Nagising ako ng tumunog yung alarm ko. Pumunta ako ng banyo. Naligo. Sinuot yung uniporme ko. At bumaba.
Pagbaba ko nakita ko si kulit. Naka boxer shorts at sando lang sya. Hindi ba sya papasok?
"Morning!" Nakangiting bati niya sa akin. Hindi ko siya pinansin. Tuloy-tuloy lang ako sa pagpunta sa ref at kinuha ang milk.
Pagkalagay ko sa baso agad ko itong ininom at pagkatapos kong inomin yun nilagay ko yung baso sa sink. Lumapit soya akin.
"Sabay na tayo?" tanong niya. Nakangiti pa rin. Mukhang timang.
Hindi ko siya pinansin, sa halip nilagay ko lang yung headset sa tenga ko.
Nagsimula na akong maglakad palabas. Wala pa pala yung big bike ko. No choice. Pumara na ako ng taxi atsaka sumakay. Siguro mamaya kukunin ko sa condo ko.
Nang makarating ako sa school, tulad kahapon center of attraction na naman ako.
Tinignan ko kung anong oras na. Meron na lang pala akong 30 minutes bago magklase.
Tinanggal ko na yung headset ko saka binilisan ang paglakad ko. Narating ko yung room ko. At tulad kaninang nasa hallway ako center of attraction na naman ako. Binaliwala ko iyon saka pumunta sa assign seat ko.
Pagkaupo ko ay siya ring dating ng teacher namin. Kaya ayun nagsimula na siya.
Sa kalagitnaan ng pagtuturo niya ay ang pagdating ni kulit.
Messy hair, hindi naka botones yung uniforme nya, may kiss mark sa gilid ng labi, at hingal na hingal. Ang aga naman ata niya para lumandi?
"Mr. Perez! What happen to you and why are you late!?" galit na sigaw ni miss.
"Sorry ma'am. Nadulas lang po ako."
Sabi nya habang kamot kamot ang ulo nya. Natawa naman yung ibang classmate ko. Magpapalusot na nga lang, yung obvious pa ang ginawa."Nadapa ka sa lagay na yan! Tignan mo nga at may kiss mark ka pa! Detention mamaya pagtapos ng klase! Umupo ka na!" Galit na sigaw ng teacher namin sa kanya.
Sumunod naman si kulit. Pero bago siya umupo, tinignan niya muna ako saka ngumise. Saka na siya umupo.
Tumingin na lang ako harap para hindi sya pansinin.
Tapos na first class. Sobrang ingay ng paligid.
Kaya maingay kasi wala pa yung teacher sa second class namin. Narinig ko naman yung barkada ni kulit na inaasar siya dahil sa palusot niya kanina. Pero natigil yun ng dumating yung teacher namin.
Pero may kasama sya.
"Miss Lawrence!" Sigaw niya. Agad kong namng tinaas yung kamay ko.
"May naghahanap sayo." Sabi niya at tumuro sa labas ng pintuan. Tumayo ako para makita kung sino yun. Paglabas ko nakita ko Grey.
"Bakit?" tanong ko.
"Sumama ka sa akin." Seryoso niyang sabi.
"Sabihin mo muna sa akin kung bakit." pagmamatigas ko.
"Tungkol sa clan ko..."
"Ano naman tungkol sa clan mo?" takang tanong ko dahil halata sa mukha niyang may problema.
"Basta sumama ka na lang pwede?" medyo nainis na siya sa pagmamatigas ko.
Wala na akong nagawa ng hatakin niya ako papunta sa rooftop ng building.
"Ano na?" Tanong ko ng makarating kami sa rooftop.
Humarap siya akin. Kita sa mukha nya ang pagka seryoso. May problema nga to.
"Tungkol ito sa clan ko. Malapit na syang maalis Red. Dahil wala pa akong nakukuhang member na kukumpleto samin."
"So?" walang ganang tanong ko sa kanya. Napahawak naman siya sa buhok niya sa iritasyon.
" Please! Alam kong ayaw mo pero nagmamakaawa ako! Please! I need you! We need you Red! Ayaw ko maalis yung pangalan ng clan namin!" sa puntong ito halata nansa boses niya ang pagmamakaawa.
"Pano kung ayaw ko?" tanong ko at tinitigan ang pagpalit ng reasksyon sa mukha niya.
"Mawawala ang clan ko. At yung mga members ko Red, lilipat sila. Ayokong mawala yun! Alam mo kung gaano katagal kong pinundar yun Red. At ayoko mawala yun sa isang iglap. Sa isang pitik. Please Red, pumayag ka na." Malungkot na sabi niya.
Tinitigan ko siya habang nagiisip ng solusyon para sa problema niya.
Hanggang sa sumuko na ako sa pagiisip dahil kahit anong gawin ko, sakin pa rin siya hihingi ng tulong. At kahit anong isip ko ito lang talaga ang solusyon.
"Sige. Sasali na ako." Sabi ko at kaagad naman siyang ngumiti at yinakap ako ng mahigpit.
"Thank you Red! Thank you!" masiglang sabi niya.
"Oo na! Ngayong bitawan mo na ako! Bitaw!" bulyaw ko sa kanya. Agad naman siyang sumunod.
YOU ARE READING
Demon Gangster Got Married??
Teen FictionShe is a demon. Who got entangled to a playboy. Can a demon gangster have a happy ever after even if problems might arise? A gangster... Marry a playboy???