«C6»

312 9 0
                                    

Jack POV

Nagising ako dahil nag ring yung phone ko. Kinuha ko yun ng hindi tinitignan kung sino yung tumatawag.

"Hello?" Tanong ko sa tumatawag.

(Hey sweetie! Good morning!) Bati ni dad.

"Morning dad. Bakit ka napatawag?"

(Gusto ko lang sabihin na lilipat ka na ng school. Sa St. Claire Academy ka mag aaral.)

"What!" Napabalikwas ako sa hinihigaan ko ng sabihin niya yun.

(Sorry if i surprise you sweetie. Don't worry ayos na lahat. Papasok ka na lang.)

"As in now?!"

(Yes sweetie.)

"Ok fine. Alam ko naman na wala na akong mamagawa. San uniporme ko?"

(Ikaw ang kukuha nun sa school. Bye na sweetie. Love you.) Sabi ni dad sabay baba. Padabog akong pumunta sa banyo. This is my worst morning ever!!

Tumayo na lang ako dahil kahit anong maktol ko walang na akong magagawa. Pumasok sa bathroom saka na ligo.

Natapos akong maligo at nakatapis akong pumunta sa walk in closet ko upang pumili ng susuotin. Since kukunin ko palang yung uniporme ko, mag papantalon na lang ako.

Jeans, shirt na black, converse na white, at yung cap kong kulay black.

Naglagay lang ako ng powder and lip gloss. Dinala ko din yung wayfarer ko.

Nang matapos ako, lumabas ako ng kwarto ko suot-suot yung cap ko.

Pumunta ako sa kusina. Kumuha ako ng tubig at uminom. Wala na si kulit, sigurado akong pumasok na yun. At wala akong pake sa kanya.

Matapos kung uminom lumabas ako. Wala pa pala ang big bike ko kaya nag taxi na lang ako. Habang nasa taxi ako sinuot ko na yung wayfarer ko at nakinig ng music sa phone ko.

Nakrating ako sa academy. Nagbayad lang ako atsaka bumaba na.

Pag pasok ko palang sa may gate ng academy, madami agad ang nakatingin sa akin. May mga bulong bulungan din akong naririnig at karamihan sa mga boys pa galing.

Binaliwala ko na lang iyon atsaka pumasok na sa mismong building.

Una kong hinanap yung dean's office para malaman ko yung schedule ko at kung saan ko kukunin yung uniporme ko.

Lakad lang ako ng lakad hanggang sa may makabunggo sa akin dahilan para matanggal sa tenga ko yung headset ko. Tinignan ko kung sino yung naka bangga sa akin at laking gulat ko ng kilala ko kung sino ito.

Si Grey.

"Jack! Ano ginagawa mo dito?" Gulat na  tanong nya.

"Hinahanap ko yung dean's office." Sabi ko at nagtingin tingin sa paligid.

"Mag tra-transfer ka?"

"Oo." Sabi ko.

"Ganun ba edi sige samahan na lang kita."

Tumango na lang ako saka kami sabay na nag lakad papuntang dean's office.

Maraming nakatingin sa amin. Marami ring bulungan. Hay! Mga tao talaga ngayon.

Isinawalang bahala ko na lang yun saka tinuon ang pansin sa daan.

Narating namin ang office.

"Dito na yun. Tawag ka lang pag naligaw ka." Sabi niya sabay turo sa cellphone niya na hawak niya.

Tumango lang ako sa kanya at saka ako pumasok.

Pagpasok ko agad ako sinalubong ng dean. Sinabi nya sakin yung schedule ko, rules and regulations, at blah blah.

Sabi niya makukuha ko daw yung uniform ko mamayang uwian. Sa ngayon pumasok na daw muna ako sa klase ko. Para sa attendance.

Binigay niya sa akin yung class schedule ko. Doon kasi naka indicate kung saan building, room number, oras ng klase at kung sino-sino ang mga teacher ko.

Pagkalabas ko nakita kong nandoon pa si rin Grey. Akala ko umalis na sya?

"Wala ka bang klase? Bakit di ka pa pumapasok?" Nagtatakang lapit ko sa kanya.

"Hinahantay kita. Hahatid na rin kita sa first class mo. Akina CS (class schedule) mo." Nakangiting sabi nya. Kaya binigay ko yung schedule ko sa nalahad na kamay niya at biansa iyon.

Pagakatpos pumanik kami sa third floor at pumunta sa dulong room. Doon daw kasi una kong klase sabi niya.

Ng makarating sa may pintuan, binugay niya pabalik sa akin ang CS ko.
"Sige dito na yun. Kita tayo sa canteen mamayang lunch." sabi niya habang nakaturo sa relo niya.

Tumango lang ako sa kanya. Saka siya umalis. Humarap na ako sa pinto saka  kumatok.

Nagbukas iyon at bumungad sa akin at isang lalaki. Sa ko tingin nasa 35 yrs old pataas ang age nya.

"So, you are  Ms Lawrence? Transfer student?" kalmadog tanong niya.

"Yes I am." Tumango langbsiya habang hawak ang class attendance saka niya ako pinapasok.

Pagpasok ko, bulungan agad ang sumalubong sa akin.

"Quiet class! Please introduce
yourself to the class miss." Sabi nya. Sabay turo sa buong klase.

Tumingin ako sa mga magiging classmates ko. Pero isa lang talga ang nakakuha ng atensyon ko. Akalain mo nga naman nandito si kulit. Ngumisi ako ng tumingin siya sa akin. Ngunit inarapan niya ako. Bakla lang? Hinayaan ko na lang saka nagsalita na ako.

"Jack Lawrence." Sabi ko lang saka tumingin sa teacher. Hindi mo pa ba ako papaupuin?

Nagtataka man kung bakit kaikli ang pakilala ko ay nagsalita na lang siya.

"Ok... So, Ms Lawrence seat beside Mr Perez. And please can you take off your cap and wayfarer. You are inside the classroom. Those things are not allowed."  Sabi nya. So, tinanggal ko. At naupo sa tabi ni kulit.

Tinignan ko muna siya bago maupo sa tabi niya. Pero masamang tingin ang binigay niya. Kaya ngumisi ako. Inis na sya.

Naupo na ako saka ako nag focused sa discussion.

Demon Gangster Got Married??Where stories live. Discover now