ZXO: 2
[Claine Ezekiel's POV]
Nilibot ko nang tingin ang buong covered court gymnasium. Matagal nang hindi ginagamit at abandonado na ang gym na 'to na malayo sa kabahayan. Sakto ang lugar na 'to para sa magandang palabas ngayong gabi.
Tamang tama din ang pwesto ko, nasa bandang itaas ako at kitang kita ko ang buong gym.
Kinuha ko ang bag ko at kinuha ang baon kong piattos at coke in can, sinimulan ko nang lantakan 'yun.
Tagal naman magsimula nang palabas. Tsk.
Tiningnan ko ang mga naiinip nang miyembro nang frat namin. Kanya-kanya muna silang business, si kuya Bern and kuya Glympse busy sa pakikipaglandian sa mga phone nila.
I glanced at my troop who are busy with their brass knuckles.
Excited ang mga tarant*do.
Halos mapangalahati ko na ang kinakain kong piattos nang makarinig ako nang paparating na sasakyan. Sunod-sunod na dumating ang ilang big bikes, kotse at army type jeep. Napapito ako.
Pakshet! Astig ng arangkada ah! Sana lang may ibabat- bat ang mga 'to.
Maaangas na nagsibabaan sa kani-kanilang sasakyan ang mga gaganap sa palabas. Nakatingin sa kanila ang lahat nang miyembro namin, karamihan ay may hawak na baseball bat, paddle at nakasuot nang brass knuckles.
Nasa likod lang nila si kuya Bern and kuya Glympse habang nakamasid sa kanilang lahat. Pumasok naman nang gym ang lahat nang miyembro nang Kappa Psi Omega.
Sila na nag-imbita, sila pa late. Sinasayang nila oras ko. Tsk.
"Sino sa inyo si Claine Ezekiel?!" umalingawngaw ang malaking boses na 'yun sa buong gym. Maangas at galit ang lalaking nasa pinakaunahan nang grupo nila. Parang tutang nakasunod naman si Jason.
Tang*na! Bahag ang buntot.
"Zup!" sigaw ko sabay taas nang coke in can na hawak ko.
Ginamit nya ang hawak nyang baseball bat para duruin ako. "Dem*nyo ka! Bumaba ka dito at harapin mo ko!"
Napailing na lang ako at natawa. "Dem*nyo talaga ako sa kagwapuhan!" sunod-sunod naman na tawa ang narinig ko mula sa mga miyembro namin.
"Tang*na ka Claine! Nahawa ka lang sa kagwapuhan ko!" sigaw ni kuya Glympse.
"Ulul." tinaas ko ang middle finger ko sa kanya.
"Mga hay*p!" nabaling ang atensyon namin sa kabilang grupo. "Bumaba ka dito para malaman mong mali ka nang binangga!"
Taena. Isang suntok lang 'yun, umuusok na agad mga ilong nang mga 'to sa galit? Kakaiba. Dapat magkaroon ang organization nila nang anger management.
BINABASA MO ANG
ZXO: Ace of Hearts
RomanceAce is the card of DESIRE, it is the WISH card, the HOPE and the I WANT. (Source: www.metasymbology.com) ZXO is short for Zeta Xi Omicron, the top, most popular and influential fraternity in Docherty University. This story will play with the life of...