ZXO: 21
[Zai's POV]
"Nagbreakfast ka na hija?" tanong sakin ni tita Raine, naupo sya sa katapat kong couch dito sa living room nila.
"O-Opo tita." nahihiyang sagot ko. Napagdesisyunan namin ni Claine na magpapractice ako ng baking dito sa bahay nila ngayong Sabado at bukas para sa gaganaping competition ngayong darating na linggo.
"Feell at home hija, huwag kang mahihiya." nakangiting pahayag sakin ni tita Raine. "Kamusta sa school, hindi ka na ba ginulo ulit ng ex-girlfriend ng anak ko?"
Umiling ako ng nakangiti. "Hindi na po tita.""Mabuti naman para makapagfocus ka sa pag aaral mo."
"Ate Zai!" napatingin kami kay Coreen na pababa ng hagdan nila. Lumapit sya sakin at nakipagbeso beso. Medyo nasasanay na ko sa beso-besong gawain ng mga mayayaman. "Magbebake ka daw sabi ni kuya?"
"Ah oo, magpapractice ako ng pwede kong i-bake para sa CHE Week."
"Wow! Manonood ako ate."
"Anong balak mong i-bake hija?"
"H-Hindi ko pa po alam."
Maya-maya pa, magkasunod na dumating si Claine at ang papa nya na si tito Cloud. Pumunta kami sa kitchen nila.
"May background ka ba sa baking Zai?" tanong sakin ni tito Cloud habang naglalagay ng apron, binigyan nya rin ako. Naghugas kami ng kamay at hinanda isa-isa ang mga gagamitin sa baking."M-Meron po. Natutunan ko pong magbake nung high school ako."
"Sabi ni Claine nagdecorate ka daw ng cupcake sa BC?"
Napatingin ako kay Claine na tahimik lang na nanonood samin, nakaupo sya sa isang high stool sa counter katabi ni Coreen and tita Raine. Napangiwi ako sa presence nila, nakakahiya na lahat sila nanonood."O-Opo."
"Well then, since alam mo ng magbake tuturuan na lang kita ng iba pang technique and ways kung papano mas magiging malambot ang chiffon and pagdedecorate ng cake." napatango ako ng ilang beses, hindi ko mapigilang hindi maexcite."Ate balak mo bang maging pastry chef?" napatingin ako kay Coreen habang nagmimix ako ng mga ingredients.
"S-Sana, kung kakayanin."
"Eh? Bakit naman hindi?"
"Mahal ang tuition fee sa culinary, baka hindi namin kayanin ni tatay."
"Hindi ba empleyado ng Imperial Group ang tatay mo?" tanong naman ni tita Raine."Opo, empleyado na po sya dun."
"Nagbibigay sila ng scholarship sa mga anak ng mga empleyado nila."
"T-Talaga po?!"
"Oo, tanungin mo si Arkisha tungkol doon hija."
"Sige po." nakangiting sagot ko, three years pa bago ako makapagtapos ng college pero naeexcite na kong mag aral ng culinary. Sana makakuha ako ng scholarship.Maya-maya pa, pinasok na namin sa oven 'yung mixed na ingredients na magiging chiffon. Pinaready naman sakin ni tito Cloud ang mga ingredients na pang decorate. Nagpakita rin sya sakin ng mga pictures ng mga cake na pwede kong gayahin ang decoration. Pwede kong gayahin ang mga 'yun kaya lang gusto kong gawan ng twist, yung masasabi kong decoration ko talaga.
Habang kumakain ng lunch, napapatingin ako kay Claine na kanina pa tahimik. Simula pa lang kagabi ng sunduin nya ko sa BC ay tahimik na sya, sinubukan ko syang kausapin pero ang cold ng treatment nya sakin. Inisip ko na lang na may nangyari sa lakad nya na sa tingin ko ay may kinalaman sa fraternity nila.
"C-Claine." nilakasan ko na ang loob ko at sinundan ko sya sa likod ng bahay nila, may swimming pool pala sila dito na napapalibutan ng mga puno kaya may lilim sa gilid nito. Naupo ako sa isang chair na may isang pagitan mula sa kanya. Nakatingin lang sya sa pool at mukhang malalim ang iniisip. Hindi ko talaga kayang tiisin ang katahimikan nya, alam kong may gumugulo sa kanya.

BINABASA MO ANG
ZXO: Ace of Hearts
Roman d'amourAce is the card of DESIRE, it is the WISH card, the HOPE and the I WANT. (Source: www.metasymbology.com) ZXO is short for Zeta Xi Omicron, the top, most popular and influential fraternity in Docherty University. This story will play with the life of...