ZXO: 23

80 5 15
                                    

ZXO: 23

[Claine’s POV]

After five days…

Kuya where are you going?!” sigaw ni Coreen habang pasakay ako ng kotse ko. Kakauwi lang namin from Siargao, pinasok lang namin ang bag namin at tumakbo na ko palabas ng bahay.

“To my girl!” sigaw ko.

I miss her so f*cking much!

“YA! Ang baduy mo!” nakangiti nyang sigaw tsaka kumaway. Natawa rin ako sa ka-corny-han ko.

Mabilis akong nagdrive papunta sa BC, napangiti ako ng masulyapan ko ang isang malaking paper bag na nasa passenger seat. Those are our pasalubong to ZM. Lahat kami bumili ng pasalubong para sa kanya dahil hindi sya nakasama. During those five days, halos hindi ko sya nakausap dahil busy daw sya sa trabaho nya at halos hindi ko mahawakan ang phone ko dahil sa kagaguhan ng mga kasama ko sa pagbabakasyon, ang hahyper masyado, parang first time makatungtong sa beach.

“Manager Yana!” salubong ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ako napasigaw, excited lang ba ko o nahawa na ko ng pagiging hyper ng buong tropa ko? Aish. “Si ZM?” nagsalubong ang mga kilay nya, confused. “I mean si Zai?”

“Hindi mo ba nakuha ang notification ko sayo sir?”

“Huh? What notification?”

“Nanghiram ng tao si Manager Cassie ng JuRedAine.”

“Huh? Bakit daw?” nilabas ko ang phone ko only to find out it’s dead. Aish!

“Nakalimutan mo na sir? Today is their 25th Anniversary.”

“Oh sh*t! Nakalimutan ko!”

“Hindi nila inaasahan na dodoble ang bilang ng customers nila today compare last year kaya nanghiram na lang sila ng additional na tao na tutulong sa kanila.”

“So you mean nandoon si Zai?”

“Yes sir.” Oh great! Hindi sanay sa ganung lugar ang babaeng ‘yun! “Thanks!” sumakay agad ako sa kotse ko at nagdrive papuntang JuRedAine.

Ilang metro pa lang ang layo ko mula sa bar, heavy na ang traffic, ang daming nakapilang sasakyan papasok ng parking lot at mga naglalakad na tao.

Ano bang klaseng pakulo ang meron ngayong anniversary at ang dami ng tao?

Imbis na sa JuRedAine ako nagpark, lumiko ako at sa likod ng Cox Bar ako nagpark.

Halos mabingi ako sa lakas ng music sa loob at labas ng bar, madilim at masakit sa mata ang mga laser lights sa buong bar. Amoy na amoy din ang iba’t ibang klase ng alak at ang maiingay na kwentuhan ng mga customers. Aligaga ang lahat ng waitresses and bartenders sa pagseserve ng alak at pulutan.

Sh*t ang daming tao! Paano ko agad mahahanap si ZM nito?!

“OMG! M-MY DRESS!”  naagaw ng isang babaeng nakapulang dress ang atensyon ko dahil sa pagsigaw nya, kahit malakas ang music ay nangibabaw pa rin ang matinis nyang boses. “I JUST BOUGHT THIS FROM PARIS YOU STUPID CREATURE!” sigaw nya dun sa isang waitress na nakayuko habang may hawak na tray. Napatingin ako sa damit ng babae na basa ng alak habang nasa flooring naman ang basag na wine glass. “WHAT?! SORRY?! WHAT ARE YOU GOING TO DO WITH MY DRESS NOW, HUH!?” pinagtitinginan na sila ng iba pang mga customers pero hindi man lang nagpatinag ang babae dahil sa galit, tinulak nya ang babae kaya napaatras ito.

Nasaan ba kasi ang mga guards dito!?

Hindi ko na lang sana papansin ang kaguluhang ‘yun para hanapin na lang si ZM nang hahakbang na ko paakyat ng second floor napahinto ako ng duru-duruin ng babaeng nakapula sa noo ang waitress. Nabadtrip na ko sa babaeng nakapula dahil hindi na tama ang mga ginagawa nya kaya lumapit na ko sa kanila. Sakto namang sasampalin na nya ang waitress ng hawakan ko sya sa braso.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 03, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ZXO: Ace of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon