ZXO: 16

79 4 0
                                    

ZXO: 16

[Zai's POV]

"T-Tay?" nagulat ako ng makita si tatay na maagang naghahain ng umagahan. Madalas kasi ay ako ang nagluluto at naghahanda ng pagkain namin. Lumapit ako sa kanya at tiningnan ang mga nakahaing pagkain. "Hotdog?" nakangiting tanong.

"Sumweldo ako kahapon anak kaya naisipan kong bilhan ka ng masarap na ulam."

"Naku 'tay. Kahit hindi na ho. Masarap na ang itlog at tuyo sa umagahan."

"Paminsan-minsan lang naman ito anak. Halika na at kumain na tayo."

Nakangiti akong naupo at sinimulan ang pagdarasal. Nagpasalamat kami sa nasa itaas para sa biyayang ibinigay.

"Kamusta na pala anak ang iyong pag-aaral?" biglang tanong ni tatay. Ngayon lang ulit nya naitanong ang tungkol sa aking pag-aaral. Madalas kasi ay tahimik lang kaming kumakain. Napapansin ko kasing parang madalas na may malalim syang iniisip kaya hindi na ko nangungulit pa sa kanya.

"O-Okay naman po 'tay."

"Mabuti naman kung ganun. Marami ka na bang mga kaibigan? May nang-aaway ba sayo?"

Para akong nabibilaukan sa sunod-sunod nyang tanong.

"A-Alam nyo naman pong mahiyain ako 'tay kaya po wala ako masyadong kaibigan."

"Anak dapat ay nakikisalamuha ka rin sa mga kapwa mo estudyante. Wala ka naman dapat ikahiya."

"Opo 'tay." napainom ako ng tubig dahil sa kaba. Sana ay wag na nya ungkatin ang--

"Anong nangyayari sayo anak?"

"P-Po?"

"Nitong mga nakaraang araw ay napapansin ko ang mga kalmot at malalaking pasa sa katawan mo. Madalas ring umuuwi ka ng madumi ang damit." napatingin ako sa mga braso kong may marka pa ng kalmot galing kay Veronica at ang mga pasang papagaling na ngunit halata pa rin. "Kung hindi basa ang uniform mo ay meron namang putik, itlog, kamatis at kung anu-ano pa." napayuko ako upang maiwasan ang malulungkot at nag-aalalang mga mata nya. Ayokong mag-alala sya dahil sakin. "Madalas din ay umuuwi kang mugto ang iyong mga mata. Sabihin mo anak, may maitutulong ba ako? Sino ba ang gumagawa nyan sa iyo?"

Agad na nanlamig ang mga kamay ko at para bang natuyuan ako ng lalamunan. Hindi ko alam na napapansin na rin ni tatay ang nangyayari sa akin nitong mga nakaraang buwan.

Naalala ko ang mga nangyari nitong nakalipas na mga linggo simula ng kausapin ni Claine si Veronica. Ang akala ko pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay titigilan na nya ang mga ginagawa nya sa akin ngunit nagkamali ako. Mas lumala pa ang mga ginagawa nya sa akin. Hindi ko nga malubos maisip kung papaano ko pa nakakayanan ang lahat. Siguro ay inaalala ko na lang ang scholarship ko sa Doch kaya hindi ko magawang lisanin ang unibersidad.

Madalas na tumutulong sa akin ay si Boris. Ipinagtatanggol nya ako sa mga tauhan ni Veronica at madalas din syang sumasangga sa kung ano man ang binabato sa akin. Maswerte ako at lagi syang nandyan para sa akin.

Akala ko ng mga panahong 'yun ay tuluyan ng nawalang ng pakialam sa akin si Claine. Inaamin kong nalungkot ako pero dahil sa kasalanan ko naman ay wala akong nagawa kung hindi ang pangatawanan ang desisyon ko. Ngunit kahapon lang, habang binubully ako ng mga kasamahan ni Veronica muli na namang hinatak ni Claine ang ex nya. Nalingat ang mga tauhan ni Veronica kaya nasundan ko sila.

<<Flashback>>

Marahas na binitawan ni Claine ang braso ni Veronica mula sa kanyang pagkakahawak.

ZXO: Ace of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon