ZXO: 10
[Claine's POV]
Ang suject namin ngayon ay Food Hygiene, Sanitation and Environmental Concerns. Lunes na Lunes, ang boring ng subject namin at ito na ang may pinakamahabang pangalan ng subject na meron kami ngayon semester. And again, so d*mn boring.
It's been half an hour since the prof started the discussion and all I can do is to give her a bore look like how bore I am right now. Buong semester namin pag-aaralan ang tungkol sa Food Hygiene, Sanitation and Environmental Concerns kung saan sa tingin ko ay pwede namang madiscuss lahat sa isang buong araw ng seminar.
"Food Hygiene are the conditions and measures necessary to ensure the safety of food from production to consumption." sabi ng prof.
Palihim kong sinulyapan si ZM, tutok na tutok sya sa pakikinig sa prof. Halata sa expression ng mukha nya ang pagiging interesado sa topic at mukha syang nag-eenjoy.
"Food can become contaminated at any point during slaughtering or harvesting, processing, storage , distribution, transportation and preparation." dagdag pa nya habang palakad lakad sa harap. "So class... What do you think will happen if we lack of adequate food hygiene?" tanong nya. Napataas ako ng isang kilay nang biglang magtaas ng kamay si ZM. "Yes Ms. Morales?"
"Lack of adequate food hygiene can lead to food borne diseases and death of consumer." sagot nya habang nakatayo.
"Very good answer!" nakangiti namang naupo ulit si ZM. "Also, food hygiene is defined as the measures and conditions necessary to control hazards and to ensure fitness for human consumption."
"Food Hygiene must apply at all times because if not..." pumindot sya sa laptop na nasa table nya at nalipat sa susunod na slide ang presentation na dinidiscuss nya. "... here are the list of the things that might happen." diniscuss nya isa-isa 'yung nakalagay sa list and nagsight din sya ng example para mas madali naming maintindihan.
"Can you give me an example on how food poisoning may happen?" tumingin sya sa kabuuan ng klase pero walang nagtaas ng kamay bukod sa active kong seatmate. Napabuntong hininga ako at nagtaas na rin ng kamay. "Yes Mr. Zobel?"
"Without washing hands and kitchen tools, diseases may easily spread. Contamination is a major cause of food poisoning." maikli kong sagot habang nakaupo.
"Very good! Anyone else?" muling nagtaas ng kamay si ZM. "Ms. Morales."
"Food poisoning spreads when one food, mainly raw food, comes in contact with other types of food. Bacteria can also be transferred indirectly, for example ma'am are from hands, tools, surfaces, knives and clothes." nagtawag pa sya ng iba naming classmates at marami rin naman ang nakasagot.
Sa tatlong oras naming class sa subject na 'to, puro food hygiene ang diniscuss nya.
Common sense na lang 'yan prof. Tss.
"Okay class, next week we will discuss more of Food Hygiene. Class dismiss." napabuntong hininga ako ng sa wakas ay matapos na ang klase.
Isa-isa nang nagsialisan ang mga classmates namin, habang hinihintay ko silang makaalis agad, biglang may nagring. Agad kong kinuha ang phone ko.
"H-Hello?" napatingin ako kay ZM na may kausap na sa phone.
Akala ko sakin. Magkamukha kasi ng tunog. Sa kanya pala.
"Eh?" tumingin sya sa labas ng room. Agad namang nagsalubong ang mga kilay ko nang makita si Boris a.k.a epal sa buhay ko, nakapamulsa ang isa nyang kamay habang hawak ang phone sa isang kamay habang nakasandal sa pader. "B-Bakit ka nandyan sa labas?" dinig kong tanong ni ZM. "Ahh. Oo, okay lang naman. Wala naman akong kasabay. Wait lang, lalabas na ko." binaba na nya ang phone at nagmamadaling inayos ang mga gamit at pinasok sa bag nya.
BINABASA MO ANG
ZXO: Ace of Hearts
RomansaAce is the card of DESIRE, it is the WISH card, the HOPE and the I WANT. (Source: www.metasymbology.com) ZXO is short for Zeta Xi Omicron, the top, most popular and influential fraternity in Docherty University. This story will play with the life of...