ZXO: 6
[Zai's POV]
Pinapanood ko si rafraf na kumain nang almusal nya habang hinihintay si Claine. Umalis na si tatay para pumasok sa trabaho, tuwing Linggo lang kasi ang off nya.
Pagkatapos nyang kumain, tumingin sya sakin, umupo at iwinagwag ang buntot nito. Parang nanghihingi pa sya nang pagkain. Natawa ako. Ang adorable talaga nang mga aso. "Try mo namang magdiet rafraf. Ang taba mo na oh." sabi ko habang tumatawa at hinihimas ang ulo nito.
Maya-maya, nakarinig ako nang busina. Napalingon ako sa labas nang gate, nakaparada doon ang isang itim na kotse. Tumayo na ko at lumabas nang gate, sinigurado ko namang nakalock ito bago ako lumapit sa kotse.
Haay. Nakakahiya pa rin makisakay sa isang magandang kotse katulad nito.
Napakamot ako sa ulo ko. "What?" napagitla ako sa biglang pagsasalita ni Claine, nakababa na pala ang bintana nang kotse nya.
"So-Sorry." dahan-dahan kong binuksan ang kotse nya at dahan-dahan din akong naupo. Nasa lap ko lang ang parehong kamay ko at sa labas nang bintana ako nakatingin. Hindi ako mapakali at talagang naiilang pa rin ako sa kanya lalo na kapag kaming dalawa lang.
"Sino kasama mo sa bahay nyo?" automatic na napalingon ako sa kanya, pero agad din akong umiwas nang tingin.
"Uhm... si ta-tatay at si rafraf."
"Rafraf?"
Tumango ako. "Siya ang alaga kong aso."
"I see. Where that name came from?"
"Sa-Sa best friend ko." napayuko ako nang maalala ang best friend ko. Napangiti ako nang mapait dahil sa magkahalong emosyon, saya at lungkot.
"Pfft. You named your pet after your best friend?"
Tumingin ako sa kanya at tumango. "Alaala." maikli kong sagot. Napatingin sya sakin saglit at agad din nyang binalik ang tingin sa daan. Pagkatapos nun hindi na ulit sya nagsalita. Tinuon ko na lang ulit ang tingin ko sa labas nang bintana.
I miss you Raphael.
Pagkatapos nang ilang minuto, pumasok kami sa isang subdivision. Namangha ako sa mga malalaking bahay na nadaanan namin.
"We're here." napalingon ako kay Claine, tinanggal nya ang seatbelt nya at lumabas na nang kotse. Lumabas na rin ako agad at sinundan sya.
Nagdoorbell sya sa isang malaking bahay na tiningala ko pa para makita ang buong laki. Mansion ata ito dahil sa laki.
Ilang segundo lang ang nakalipas nang bumukas ang pinto. Bumungad sa amin si Boris.
"Come in." nakangiti nyang pahayag.
"Tsk." narinig kong react ni Claine at pumasok na nang gate. Agad naman akong sumunod sa kanya.
"G-Good morning." bati ko kay Boris.
Ngumiti sya sa akin. "Morning Zai. Nagalmusal ka na?" tanong nya sa akin habang papasok kami sa loob nang bahay nila.
Tumango ako. "Oo, tapos na."
"Good." tinap nya ko sa balikat. Nilead naman nya kami sa sala nila. Napahinto ako at napanganga.
BINABASA MO ANG
ZXO: Ace of Hearts
RomanceAce is the card of DESIRE, it is the WISH card, the HOPE and the I WANT. (Source: www.metasymbology.com) ZXO is short for Zeta Xi Omicron, the top, most popular and influential fraternity in Docherty University. This story will play with the life of...