ZXO: 17
[Claine Ezekiel's POV]
Pagkatapos kong ihatid si ZM sa bahay nila, dumiretso ako sa frat house kung saan naghihintay ang mga tauhan ko. Simula nang dalin ko sa ospital si ZM hindi ko na sila nakausap.
Hanggang ngayon nababadtrip ako sa mga ungas na 'to.
"P-Pinuno..." sambit ni Nicholas kasabay ng pagtindig nilang apat.
Naupo ako sa couch at kumuha ng magazine para basahin habang nakapadekwatrong lalaki.
"Anong balita?"
"A-Ahh p-pinuno..." tiningnan ko sya ng diretso sa mata.
"Bakit parang natatakot ka Nicholas?"
"H-Huh? H-Hindi naman-"
"Kung hindi ay bakit ganyan ka magsalita? Nagawa nyo ba ang pinapagawa ko?"
"Y-Yes pinuno."
"Mmm. Panghahawakan ko 'yang sinabi mo. Nasaan sila ngayon?"
"Nasa ospital lahat p-pinuno."
Tumango ako. "Mabuti."
"P-P-pinuno... gusto naming humingi ng tawad dahil nagpabaya kami sa inutos mo." isa-isa ko silang tiningnan, mga nakayuko sila.
"You guys are the Ace of Hearts' troop. You were chosen because we know you can do the job on behalf of your leader but you disappointed me... us."
Nanlumo ang kanilang mga itsura at halatang nagsisisi sa kanilang kapabayaan. Kung hindi ako agad dumating ng mga oras na 'yun baka mas malala pa ang nangyari kay ZM.
"We are sincerely asking for your forgiveness pinuno." nakayukong pahayag ni Nicholas.
"Alam nyo namang hindi ako madaling magpatawad Nicho." nagkatinginan silang apat habang nakayuko.
"G-Gagawin namin ang lahat pinuno para mapatawad mo kami." sinserong pahayag nya.
"Hmm... how about 500 push ups and 2 hours of single-leg squat?" napanganga sila sa gulat at para bang gustong tumanggi sa binibigay kong parusa. "What? May problema ba?" ngumiti sila ng pilit sakin.
"W-Wala po pinuno. Gagawin namin."
"Good. Simulan nyo na."
Peke silang ngumiti pa ulit sakin at isa-isa silang lumabas upang sa labas ng frat house nila gawin ang parusang ipinataw ko.
Tsk. Mababaw pa ang parusang 'yan mga ugok. Pasalamat kayo hindi malala ang nangyari kay ZM.
Boris
Incoming Call...Tsk. Isa pa 'tong bwiset sa buhay ko.
"Bakit?" tanong ko agad pagkasagot ko ng tawag nya. Ngayon lang ulit ako tinawagan ng gunggong na 'to.
"I heard what happened to Zai." seryosong pahayag nya.
"And?"
"How is she? Where can I visit her?"
"She's recovering and no, there's no way you can visit her."
"What the f*ck Claine! You're being selfish again."
"I don't need any compliment from you."
"I-I want to see her."
"Why?"

BINABASA MO ANG
ZXO: Ace of Hearts
RomantizmAce is the card of DESIRE, it is the WISH card, the HOPE and the I WANT. (Source: www.metasymbology.com) ZXO is short for Zeta Xi Omicron, the top, most popular and influential fraternity in Docherty University. This story will play with the life of...