ZXO: 22

44 4 0
                                    

ZXO: 22

[Zai’s POV]

Second day na ng baking competition, naghahanda na kaming mga participants. Nilibot ko ng tingin ang buong activity area, nanlamig ako ng makitang mas marami ang nanonood ngayon. “Zai!” napatingin ako sa bandang gitna ng mga manonood, napangiti ako ng makita ko sila Nicholas, Irvin, Lance and Amiel. Nasa harapan nila sila kuya Glympse, kuya Bern, Coreen and Zekey. Kumaway sakin ng nakangiti si Coreen and Zekey kaya kinawayan ko rin sila. Hindi ko akalaing manonood silang dalawa.

Binalik ko ang atensyon ko sa mga ingredients na nakalatag sa harapan ko, hmmm… parang may kulang pa. Inisa-isa ko ulit para macheck at tama nga ako, nakalimutan ko sa locker ko ang binigay ni tito Cloud na pangdecorate ko sa birthday cake na gagawin namin ngayon. Agad akong umalis at patakbong nagtungo sa locker ko, pagkabukas ko pa lang ay napasigaw ako dahil likidong sumabog sa katawan ko. Napanganga ako kasabay ng panlalaki ng mga mata ko. “D-Dugo?!” kinabahan ako at napatitig na lang sa kulay pulang likido na kumalat na sa blouse at apron na suot ko. Natalsikan din ako ng kaunti sa mukha, tiningnan ko ang mga kamay ko at takot ang naramdaman ko sa paghihinalang possible na dugo nga ito. Anong gagawin ko?! Bakit may ganito sa locker ko?! Kung anu-ano ang naiisip kong dahilan nito. Sino naman kaya ang naglagay nito?! Halos maiyak ako dahil sa takot.

“Participants be ready, we will begin in 15 minutes.” agad akong naalarma sa announcement na ‘yun. Wala akong spare na damit at apron kaya hindi na ko nagpalit pa. Kinuha ko na lang ang pangdecorate sa cake at ipinunas ko na lang ang kamay kong puno ng dugo sa apron ko at tumakbo na ko pabalik ng activity area.

Pagpasok ko pa lang sa entrance, nagulat ang lahat ng mga taong nandoon pagkakita sa akin. Bahagya akong napayuko at diretso akong naglakad pabalik sa table ko. Pinahiran ko ang nagbabadyang luha sa mga mata ko at huminga ng malalim. Hindi ito ang tamang oras para umiyak Zai, sabi ko sarili ko. “ZM!” agad akong napalingon kay Claine na nasa tabi ko na pala. Puno ng pag-aalala ang itsura nya habang pinapasadahan ng tingin ang itsura ko.

Umiling ako. “C-Claine… h-hindi ko alam kung ano ‘to.” ipinakita ko pa sa kanya ang mga kamay kong may bakas pa ng hinihinala kong dugo, nanginginig ako. “P-Pumunta lang ako ng l-locker tapos bigla na lang sumabog sa harapan ko ang d-dugo.” marahan nya kong hinatak papalapit sa kanya hanggang sa maramdaman ko na lang na yakap na nya ko at doon na tuluyang tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. “D-Dugo ba ‘to Claine?” tanong ko sa pagitan ng mga hikbi ko. Nakarinig ako ng bulungan ng mga manonood pero hindi ko na sila inintindi pa dahil ang tanging yakap lang ni Claine ngayon ang kailangan ko.

“Tahan na ZM. We will check on that later, okay? Kaya mo pa bang sumali sa competition?” naramdaman ko ang mainit na palad ni Claine sa likod ko na marahan akong tina-tap. Umalis ako sa pagkakayakap nya at pinunasan ko ang mga luha ko bago ako tumango sa kanya.

“Kaya ko pa.” sagot ko, kumuha sya ng panyo at pinunasan ang luha ko, pati na rin ang mga tumalsik na dugo sa mukha ko.

“Stop thinking about it first, magfocus ka muna sa baking. Let me handle it, okay?” napatingin ako ng diretso sa kanya at nginitian nya ko kaya napangiti na rin ako.

“S-Salamat.” nilagay nya ang hair net sa ulo ko at ilang beses akong tinap sa ulo.

“Goodluck.” sabi nya at nagpaalam na syang babalik sa pwesto nila kuya Bern. Sinundan ko sya ng tingin, kinausap nya sila Nicholas, Irvin, Lance and Amiel at sunod-sunod na umalis ang apat ng activity area. Seryoso rin nyang kinausap si kuya Bern and kuya Glympse habang nakikinig sa kanila si Coreen and Zekey.

Pilit kong inalis ang kaba at takot na nararamdaman ko habang nagbebake. Nagfocus ako at sinunod ko lahat ng tinuro sakin ni tito Cloud.

Luckily, nakasama na naman ako sa mga participants na magmomove forward sa last part ng competition. Masaya ako pero hindi ko magawang hindi mag-alala dahil sa nangyari sakin kanina. Wala pa rin akong idea kung bakit nangyari ‘yun.

ZXO: Ace of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon