ZXO: 9
[Zai's POV]
7pm na nang matapos kami ni Claine sa paggawa ng unang parte ng project namin. Ayoko sanang magpahatid pauwi kaya lang nagpumilit sya at ganun na rin sila tita Raine. Hanggang ngayon sumasakit ang tiyan ko dahil sa sobrang kabusugan.
Siguro tataba ako kung sa bahay nila ako nakatira.
Kanina after ng lunch, lumipas lang ang ilang oras nagmiryenda naman kami. Nagbake si tito Cloud ng cake na ang tawag nila ay black forest.
Kakaibang pangalan para sa isang cake.
Pagkatapos magmiryenda, ilang oras lang ulit ang lumipas nag-aya naman silang maghapunan. Hindi pa ko natutunawan ng mga oras na 'yun pero kumain na naman kami. Mga pagkaing hindi ko kilala at hindi ko pa natitikman ang mga kinain namin. Sabi ni Coreen mga menu daw yun sa isa nilang restaurant.
Nakakapagtaka, paano kaya namentain ni tita Raine and Coreen ang mga sexy nilang katawan sa kabila ng pagkakaroon nila ng sariling chef?
*Phone rings...*
Napalingon ako kay Claine ng magring ang phone nya. May kinabit sya sa tenga nya at pinindot ang phone.
"Hello? Arkisha?" sabi nya sa kabilang linya. "I'm driving. Why?" nagsalubong ang mga kilay nya. "What? Today? Are you sure?" hinintay nyang makasagot ang nasa kabilang linya. "Okay, I'll be there. Bye." at halos atakihin ako sa puso ng bigla syang tumingin sakin.
Agad akong umiwas ng tingin. "So-Sorry." sabi ko sabay yuko. Nakakahiya naman.
"Tsk. Stop saying sorry, will you?" bigla nyang niliko ang sasakyan sa kabilang parte ng highway.
Teka, saan kami pupunta? Hindi ito ang daan papunta sa bahay namin.
"I have to attend an event. I'll take you with me since I'm late already. Ihahatid na lang kita kapag tapos na."
Aaahhhh. Kaya pala.
"O-Okay." sabi ko, tumingin na lang ako sa labas ng bintana habang nasa byahe. Bigla kong naalala si tatay.
Sana nakakain na sya ng hapunan. Sana rin matikman nya yung mga pagkaing natikman ko kanina. Nakakahiyang magsabi kila tita Raine kanina if pwede ko bang pagdalan si tatay.
Sana maipagluto ko ng mga ganung pagkain si tatay kapag may restaurant na ko. Dahil sa mga nakita ko kay tito Cloud, mas ginanahan ako lalong pagbutihan pa ang pag-aaral ko.
"We're here." napakurap ako ng ilang beses bago ko maproseso ang sinabi nya. Bago pa ko makapagreact, nakalabas na sya ng sasakyan. Dali-dali rin akong lumabas ng walang kaalam-alam kung nasaan ba kami.
![](https://img.wattpad.com/cover/104514348-288-k152902.jpg)
BINABASA MO ANG
ZXO: Ace of Hearts
RomanceAce is the card of DESIRE, it is the WISH card, the HOPE and the I WANT. (Source: www.metasymbology.com) ZXO is short for Zeta Xi Omicron, the top, most popular and influential fraternity in Docherty University. This story will play with the life of...