ZXO: 12

76 6 1
                                    

ZXO: 12

[Zai's POV]

Halos kalahating oras na ang nakakalipas simula nang magsimulang magtrabaho si Claine. Hindi ko inalis ang paningin ko sa kanya simula pa kanina.

Hindi ko maiwasang hindi mamangha sa itsura nya ngayon. Tinupi nya ang white long sleeves nya hanggang siko at medyo niluwagan nya ng konti ang red necktie nya. Bumagay din ang chocolate brown na apron sa kanya. Lalo syang gumwapo at ang lakas ng dating.

Kung kanina ay puro negative na bulungan ang naririnig namin mula sa mga customers, ngayon naman ay puro magagandang salita ang lumalabas sa kanilang mga bibig lalo na at kapag si Claine ang nagseserve ng order nila.

Sa paraan nya ng paghawak sa tray, sa paraan nya ng pagseserve at paggreet sa mga customers, parang bihasang-bihasa na sya sa ginagawa nya.

Naooverwhelmed ako sa ginagawa nya. Ang isang nobody na katulad ko ay tinutulungan ng isang Claine Ezekiel na sikat na sikat sa buong university. Hindi ko alam kung papano ba magrereact o babawi sa ginagawa nya.

Pinakiramdaman ko ang braso ko, mula kanina ay hindi pa nababawasan ang sakit. Napatingin naman ako sa mga kaibigan ni Claine, nakangiti silang pinapanood si Claine.

"This is anbilibabol!" sabi ni Irvin.

"Ano mga dre? Samantalahin na natin 'to!" excited na sabi ni Nicho.

"Hahaha! Bahala ka Nicho. Labas kami dyan." sagot naman ni Lance.

"Ayokong mabugbog dre." react ni Amiel.

"Tsk. Mga duwag." nang walang anu-ano ay tinaas nya ang kamay nya. "Waiter!" sigaw nya, saktong si Claine ang dumaan sa gilid ng table namin.

Huminto sya at masamang tingin ang pinukol nya kay Nicho. "Tang*na ano?!" sigaw nya kay Nicho.

Kitang-kita naman namin na ilang beses lumunok si Nicho at parang takot na ngumiti. Napatakip naman ng mga bibig ang tatlo na para bang nagpipigil ng tawa. Ako naman ay napakapit sa coat ni Claine dahil sa kaba.

"P-Pinuno i-follow up lang sana namin 'yung-"

"Tang*na maghintay ka at papaliparin ko sa mukha mo."

"P-Pinuno naman... huwag na-"

Hindi na natapos ni Nicho ang sasabihin nya ng marahas na tinalikuran sya ni Claine.

"Wahahahahahahahaha!" halakhak nung tatlo pagkalayo ni Claine.

"Oh gago! Sino satin ang takot ngayon?!"

"Wahahaha! Follow up mo mukha mo!"

"Ilang beses kang na-tang*na dre?! Wahahaha!"

"Mga tar*ntad*!" namumula sa galit na singhal ni Nicho. Hindi ko magawang makisali sa tawa nila dahil sa mood ni Claine. Kanina ay mukhang kalmado naman sya.

"O-Okay lang kaya si Claine?" tanong ko sa kanila.

"Okay lang sya Z-Zai." sabi ni Lance habang nagpupunas ng luha dahil sa kakatawa.

"Masungit 'yun pero mabait rin naman." si Amiel na todo ang ngiti.

"Pagod na siguro kaya nagbago bigla ang mood." sabi ko.

"Hahaha! Hindi 'yan. Ganyan lang talaga sya samin pero kung mapapansin mo nakangiti syang nagseserve sa iba." sabi ni Nicho.

"Sanay si pinuno sa ganyang trabaho." dugtong ni Irvin.

ZXO: Ace of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon