ZXO: 1
[Claine's POV]
1 message received
From: Joker
The meeting is about to start. 100 push ups for late idiotic morons.
"Tsk." agad kong hinubad ang apron na suot ko at tinapon 'yun sa kung saan. "Mama, alis na po ako!" sigaw ko. Tumakbo ako papalabas nang bahay at mabilis na sumakay nang kotse ko.
"Damn push ups!" I hissed. I stepped on the gas at lalong bumilis ang takbo nang kotse ko. Maya-maya narinig ko na lang ang sirena nang police na humahabol sakin, napangiti ako. "Habol mga unggoy!" sigaw ko. Tinodo ko ang pagtapak sa gas at wala nang nagawa ang bulok na kotse nang mga police.
Hindi ako mapakali habang nagdradrive, panay ang tingin ko sa wrist watch ko.
Putcha! Lagot na naman ako nito kay Joker. Ayokong magpush up!
Pagpasok nang Docherty University, pinark ko agad ang kotse ko at tumakbo ako papunta sa frat house.
Damn it. Bakit ba ang layo nang frat house!
Ilang metro pa ang layo ko sa frat house ay may nakikita na kong mga nagpupush up sa labas nito.
F*ck! I'm f*cking late!
"Yes, you're f*cking late moron." tinaas ko ang middle finger ko sa kanya. Taena 'tong si kuya Glympse. "100 push ups baby Claine!" he laughed like a psychopath habang masamang tingin namam ang pinukol ko sa kanya, puro pang aasar talaga ang alam ng isang 'to.
Tsk.
Tiningnan ko naman ang apat na nagpupush up. "T*angna nyo! Late na nga pinuno nyo pati ba naman kayo!" dinuro-duro ko pa sila. Nakakainit nang ulo ang mga tarantad*ng 'to!
Tumingin silang lahat sakin at nginitian ako. "Mga g*go!" sigaw ko ulit sa kanila.
"Tsk. This is the last time na mangyayari ito Claine, binibigyan ka na nang warning ni Joker." hindi ko sya pinansin at sinimulan ko na ring magpush up. "You and your troop should obey the rules strictly." sabi ni kuya Bern.
Napakaagang exercise naman nito para sa pagsisimula ng bagong semester. Damn it.
"It won't happen again." saad ko, tiningnan ko nang masama ang apat at ginaya nila ang sinabi ko.
Kasalanan talaga 'to ni mama eh. Tama bang magpabake sakin nang cake?! Taenang cake 'yan!
Habang nagpupush up, hindi ko mapigilang mapatingin sa mga kapwa kong estudyante na napapatingin samin. Napapangisi ang mga karamihan sa kanila na para bang nakakatuwa ang ginagawa naming pagpupush up ng sabay-sabay. Nilipat ko ang tingin ko kay kuya Glympse and kuya Bern na pinapanood kami. Nakakainis na ngiting aso ang ibinalandra nila sa akin.
"Kami lang ba ang late?" naiinis kong tanong. Nararamdaman ko na ang butil butil na pawis sa noo at likod ko.
"Inaasahan mo bang malelate ang mga tao namin ha, Claine?" mahanging sagot ni kuya Glympse. Tinapunan ko sya ng nakakamatay na tingin dahil sa pagmamayabang nya.

BINABASA MO ANG
ZXO: Ace of Hearts
RomantizmAce is the card of DESIRE, it is the WISH card, the HOPE and the I WANT. (Source: www.metasymbology.com) ZXO is short for Zeta Xi Omicron, the top, most popular and influential fraternity in Docherty University. This story will play with the life of...