ZXO: 20
[Zai's POV]
"Tay?" tawag ko kay tatay ng makita ko syang nakaupo sa gilid ng daan na nasa mismong harap ng inuupahan naming bahay. Kagagaling ko lang sa part time job ko at pauwi na sana ng maabutan ko sya dito, nagsalubong ang mga kilay ko ng makita ko syang may hawak na isang bote ng gin. "U-Umiinom po kayo?" naupo ako sa tabi nya.
"Konti lang anak." at tinungga nya ang alak, namumula ang mga mata at halatang malungkot sya.
"May nangyari po ba?" tanong ko pagkatapos ko syang pagmasdan, hindi naman basta lang uupo si tatay dito sa labas at iinom ng walang dahilan. Ngayon ko lang sya ulit nakitang uminom. Ilang beses muna syang nagbuntong hininga bago tumingin sakin. Nabigla pa ko ng makita kong nanunubig ang gilid ng kanyang mga mata. "B-Bakit po tay?" nag-aalala kong tanong.
Ilang beses syang umiling. "Hindi ko alam anak kung anong nangyari." ilang beses ulit syang nagbuntong hininga, mas lalong namula ang mga mata nya dahil siguro sa pagpipigil ng luha. "T-Tinanggal ako sa trabaho anak."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. "P-Paano po-- B-Bakit..." simula pa lang nung high school ako ay nagtatrabaho na ang tatay ko sa kompanyang 'yun bilang janitor. Alam kong napamahal na sya sa trabaho nya kaya hindi ako makapaniwalang tatanggilin din pala sya sa trabaho pagkatapos ng maraming taon.
"Nagmakaawa ako sa supervisor ko na huwag akong tanggalin dahil 'yun lang naman ang bumubuhay sa atin, tinanong ko ang dahilan pero tanging iling lang ang sinagot nya sa akin. Kinausap ko na rin ang isang taong mas mataas pa sa visor ko pero ang sabi nya ay yun daw ang gusto ng may ari ng kompanya. Walang malinaw na paliwanag kung bakit nila ako tinanggal ng basta-basta." nanlulumong tiningnan ako sa mga mata ni tatay. "P-Patawarin mo ko dahil pabigat ang tatay sa iyo anak." agad akong napailing sa sinabi nya. "Bukas na bukas din ay hahanap ako ng trabaho."
Hinawakan ko sa balikat si tatay at ngumiti ako sa kanya. "Tay huwag nyo po sabihing pabigat kayo sa akin dahil hindi totoo 'yun. Tatay ko po kayo at naiintindihan ko ang lahat. Huwag po kayong mag-alala, paniguradong agad po kayong makakahanap ng trabaho. Kayo po kaya ang pinakamasipag at pinakagwapong janitor!" masigla kong sabi para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam nya.
Ngumiti ng pilit sa akin si tatay. "Salamat anak. Swerte ang tatay dahil nagkaroon ako ng anak na katulad mo." bago pa tumulo ang mga luha ko agad ko syang niyakap. Mahirap lang kami, salat sa maraming materyal na bagay pero masasabi kong mayaman naman ako sa pagmamahal ni tatay. Kahit wala na si nanay ay hindi ko naramdamang may kulang dahil pinuno nya ko ng pagmamahal at pag-aalaga.
~*~
Napagitla ako ng may sumalat sa noo ko, napatingala ako sa kanya. Nandito ako sa cafeteria at hinihintay syang makabalik mula sa pagbili ng pagkain namin. Ipinatong nya sa lamesa ang mga binili nyang pagkain. "You're not sick." pahayag nya.
Umiling ako. "Wala akong sakit."
"If not so maybe something's bothering you, ilang araw ka ng wala sa sarili." napatitig ako kay Claine, hindi ko alam na napapansin nya pa lang may gumugulo sakin. Kagabi dumating si tatay na sobrang lungkot dahil wala pa rin syang nakukuhang trabaho. Agad din syang nakatulog dahil sa pagod at maaga ulit syang umalis kanina para maghanap ulit ng trabaho. Araw-araw ko syang ineencourage na hindi magtatagal ay makakahanap din sya pero sa totoo lang ay sobra na kong naaawa kay tatay. Kung anu-ano na tuloy ang naiisip ko para makatulong sa kanya. Kung pwede nga lang ay ako na lang ang magtrabaho. "Tell me about it."
BINABASA MO ANG
ZXO: Ace of Hearts
RomanceAce is the card of DESIRE, it is the WISH card, the HOPE and the I WANT. (Source: www.metasymbology.com) ZXO is short for Zeta Xi Omicron, the top, most popular and influential fraternity in Docherty University. This story will play with the life of...