ZXO: 4

93 4 1
                                    

ZXO: 4

[Zai's POV]

"Sheila! Sheila!" tumakbo ako para mahabol sila. Napatingin tuloy ang ibang estudyante sa akin dahil sa pagsigaw ko.

"What?!" tanong nya sa akin paglapit ko sa kanila.

"Ah tatanungin ko lang sana kung okay ka-"

"What do you care ba, ha?!" inirapan nya ko at tumalikod na. Humakbang na ulit sya palayo.

"Sorry girl, next time na lang." sabi ni Leah bago sundan si Sheila and Anna.

"Si-Sige." sagot ko. Napabuntong hininga na lang ako at bagsak ang mga balikat na umalis.

Ano kayang nangyari kay Sheila? Gusto ko lang sana syang kamustahin at tanungin kung bakit sya sumali sa TPI.

Naglakad na ko papunta sa huling klase ko ngayong araw nang Lunes, ang bilis talaga lumipas nang araw.

Pagpasok ko sa room, naupo ako sa usual na upuan ko. Nagbasa muna ako nang libro habang wala pa ang prof namin.

"Mind if I sit here?" inayos ko ang bumaba kong eye glasses bago tingnan kung sino ang nagsalita.

"Bo-Boris?" naupo sya sa kaliwang upuan katabi nang chair ko.

"Pfft. Boboris talaga? Ang sagwa naman pakinggan."

"Ay sorry. Hindi ko sinasadya." pinilit kong hindi mabulol o magputol putol ang salita ko.

"Okay lang. Kapag may tumawag saking Boboris alam ko nang ikaw 'yun." nakangising sagot nya.

"Sorry. Hindi na mauulit." napayuko ako dahil sa pagkapahiya.

Gen. Scie ang subject namin ngayon kaya classmate ko sya.

"No worries. By the way, close pala kayo ni Claine Ezekiel?" napatingin ako sa kanya habang magkasalubong naman ang dalawang kilay ko.

"Close?" umiling ako. "Hindi kami close."

"Talaga?" napahawak sya sa baba nya na para bang nag-iisip. "But you know him?"

"Oo. Hindi ba miyembro sya nang ZXO?"

"Ah yeah. Are you two friends?"

"Friends?" hmmm. "Sa tingin ko hindi naman kami magkaibigan. Bakit?"

"Wala naman."

"Ah sige." binalik ko ang atensyon ko sa pagbabasa.

Maya-maya narinig kong may naupo sa tabi nang chair ko sa may gawing kanan.

"Tsk. D*amn those as*holes!" napahinto ako sa pagbabasa, kilala ko kung kaninong boses 'yun.

Ilang minuto pa ang lumipas nang dumating ang prof namin. Pagbaba ko nang libro na hawak ko, napansin ko sa peripheral vision ko na magkasalubong ang mga kilay ni Claine habang diretsong nakatingin sa prof.

Nakinig na lang ako sa discussion, sinabi na rin nya kung ano ang magiging project namin. Napangiwi ako nang malaman kung gaano kakumplikado at kahirap ang pinapagawa nya. Kaya pala buong sem namin 'yun gagawin. Mukhang malaki rin ang magagastos namin sa project na 'to kahit sinabi nang prof na gumamit nang recycle materials.

ZXO: Ace of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon