ZXO: 3

126 6 1
                                    

ZXO: 3

[Claine Ezekiel's POV]

"Hi kuya."

"Don't hi me. I said what are you doing here?"

Hindi nya ko pinansin, sumilip sya sa loob nang frat house. "Kuya Bern, kuya Glympse hello."

"Yow Coreen!" bati ni kuya Glympse. Ngumiti at tumango naman si kuya Bern.

"Coreen Lois!" nagpoker face sya pagharap sakin.

"Kuya don't yell at me."

"I didn't. So what now?" biglang naagaw nang apat na ugok ang atensyon ko. "Tang*na! Stop gawking at my sister you as*holes!" pinagbabato ko sila nang mga bagay na nadampot ko, kumaripas naman sila nang takbo habang tawa ng tawa.

Mga hay*p! Lagot kayo sakin bukas!

Binaling ko ang tingin ko sa kapatid ko. "Kuya wag ka naman magalit. Tinulungan nga nila kong mahanap ka eh."

"You should've called me!"

"I tried pero hindi mo naman sinasagot." agad kong kinuha ang phone ko, nakasilent nga pala.

"Tsk. Bakit ka ba nandito? Ang layo nang building nyo dito ah." grade 12 pa lang 'tong kapatid ko, matanda lang ako nang isang taon sa kanya.

"Nagtext kasi driver natin, hindi daw nya ko masusundo kasi inutusan sya ni papa kaya sayo na lang ako sasabay pauwi."

"Tsk. Sige." nagpaalam na kami kila kuya Bern and kuya Glympse para umuwi.

"Kuya alam ko na ang kukunin kong course next year." sabi nya habang naglalakad kami papuntang parking lot.

"Ano?"

"BS Biology." napatingin ako sa kanya. "Kuya anong klaseng reaksyon 'yan?"

"Bakit naisipan mo namang mag BS Bio?" hindi man halata sa kanya pero nerd talaga 'tong kapatid ko, without eye glasses.

"Uhm... gusto ko kasing maging katulad ni mama."

"Gusto mong maging doktor?"

Tumango sya nang nakangiti. "After ko kumuha nang BS Bio mag-aaral naman ako nang medicine."

"That's good." ginulo ko ang buhok nya kaya hinampas nya ko nang mahina sa braso. Pfft.

"Kuya naman eh." nakasimangot sya habang inaayos ang buhok nya.

Malapit na kami sa kotse ko nang may mapansin akong sumusunod sa amin. May tatlo pa sa kanan at tatlo din sa kaliwa.

Tsk. Ayaw tumigil nang mga unggoy na 'to.

ZXO: Ace of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon