CJ's POV
Nasa school kaming walo ngayon at kasalukuyang kumakain sa canteen dahil lunch, magkakabarkada na naman kami kaya okay lang
Buti na lang pare parehas kami ng sched ng lunch kasi yung iba mas maaga pa sa 12
Nilabas ni Kyla yung tablet nya, and since nasa kasulok sulukan naman kami ay safe kami
Pinapanood nya samin yung video nung mga koreanong kumakanta
BTS yata yun?
Nakakatawa nga yung dalawang nagta try mag english
"Aish... You dirty... Dirty water" sabi nung isa... J-Hope daw ang pangalan
"Pfft... Di alam ang saliva" pagsusungit ni Mike
"Hoy Mika! Ikaw na nga lang ang makikinuod dyan, tapos ikaw pa may ganang magreklamo" Depensa naman ni Belle
"Anong Mika pinagsasabi mo dyan...." tapos biglang nanlaki yung mata ni Mike "Nangyari ba ulit?" Tanong nya saming mga lalaki
Tumango naman kami
"Nakita nila?"
Tumango ulit kami
Parang nanlambot si Mike nun HAHAHA!
Habang nagtatawanan kami, napansin kong napatigil si Roschele at napatingin sa likod ko
"Anyare sayo?" Tanong ko sakanya
"Ah wala wala.." Ang mga babae talaga, kahit kailan, kapag nagdedeny halatang halata
Nakitawa na lang ulit si Roschele pero kita sakanya na fake lang yung tawa nya
Tumingin ako sa likod ko at nakita ko si Jennica na may kasamang lalaki
Maya maya pa ay napatigil na din yung tatlong babae kakatawa at napatitig dun sa kaharutan ni Jennica
"Kapal talaga ng mukha ng dalawang to, I thought bawal ang PDA dito" bulong ni Dana pero narinig naman naming lahat yun
Pati kaming apat na lalaki ay nakatitig na din sakanila, nang bigla kaming nahuli ni Jennica, binigyan nya ng pangasar na smirk si Roschele at biglang hinalikan yung lalaking kaharutan nya
Pagharap ko kay Roschele ay unti unti nang tumutulo yung luha nya
"Sino ba yung mga yun?" Iritang tanong ni Mike
"Si Jennica at Si Erniel...." sagot ni Dana
"Oh anong meron?"
"Ano ba yan Mike?! Obvious na obvious na eih, akala ko pa naman matalino ka... Antagal na nating magkasama pero ang slow mo no?" Naiinis nang sabi ni Ian
"Oo na! Slow na kung slow... Ano ba kasing meron dun sa dalawang yun at umiyak tong si Roschele?"
Pucha! Nakakabanas na tong lalaking to ah... Ingud ngod ko kaya sya sa putikan
"Ex kasi nung Erniel si Roschele" paglilinaw ko sa kaibigan kong matalino nga pero mas mabagal pa sa pagong bago maka pick up
Kino comfort lang nung mga girls si Roschele nang lumapit samin si Jennica at Erniel
"Hi!" Masayang bati nung Jennica
"Hayin mo mukha mo" parinig ni Kyla
"Ganyan na ba talaga kayo sakin? Ang harsh nyo ah" sa tono nang boses nya, halata mong nang iinis sya
"Did you like the show earlier Roschele?" Pang aasar pa ni Jennica
Hindi na napigilan ni Belle ang sarili nya at sinabunutan na si Jennica
"Bwisit kang babae ka! Malandi ka kasi! Pa english english ka pang nalalaman dyan! Di bagay sayo dahil mukha kang taong grasa!"
Inaawat namin sila dahil pinagtitinginan na din sila ng mga tao dito
"Ano ba kasing problema mo Belle?!" Sigaw ni Erniel kay Belle at bigla nya itong tinulak
Pumunta si Raian at Ian sa harap ni Belle
"Yang malandi mong girlfriend ang problema namin! Bakit ba kasi hindi mo na lang lagyan ng packaging tape yang bibig nyan at itapon mo sa hukay?! Siguro ginayuma ka nyan no!" Galit na galit na sabi ni Belle
"Enough!" Sigaw ni Roschele
"Alam mo Jennica? Inis na inis na kami sayo... Yung level na gusto ka na naming ilibing ng buhay! Ikaw na yung nang agaw ng boyfriend tapos ikaw pa yung may ganang mangasar.... At Ikaw! Erniel! Isa to sa mga gusto kong gawin sayo"
Lumapit si Roschele kay Erniel at binuhusan sya ng isang plato puno ng Spaghetti
Nagwalk out si Roschele kaya sinundan ko sya
Raian's POV
"Hoy! Kalalaki mong tao tapos manunulak ka ng babae!? Bakla ka ba?" Inis kong tanong sakanya
"Sa susunod kasi, pagsasanihan mo yang babaeng yan na wag masyadong maging amazona, baka kasi ipatapon pa yan sa bundok" nakangising sabi nung lalaki
Hindi ko na napigilan yung sarili ko at sinuntok sya ng full force
Uupakan ko pa sana kaso pinigilan na ako ni Belle at Mike
Tinulungan naman ni Jennica yung lalaki tumayo, kitang kita namin yung dugo galing sa pumutok nyang labi... Good for him
Lumabas na din sila ng Canteen at naiwan kaming pinagtitinginan nung iba pang estudyante
"Oh?! Anong tinitingin tingin nyo dyan?!" Sigaw ni Ian dun sa mga estudyanteng nakatingin, nagulat naman sila sa pagsigaw ni Ian kaya nagsilaysan na din
"Aray.." mahinang daing ni Belle
"Okay ka lang ba beb?" Tanong ni Kyla
"Hindi, feeling ko nagkapasa ako sa likod"
Tiningnan namin yung likod nya, she was right, grabe yung pasa nya
"Bakit grabe naman yung pasa mo?" Tanong ni Ian
"Isa ka pa Ian eih... Magagalit galit ka kay Mike eih slow ka din pala" pangaasar ni Dana kay Ian
"Tumama kasi yung likod ko sa table, napalakas eih.." pagpapaliwanag ni Belle
"Ang sensitive naman ng balat mo" -Ian
Nagpunta kami sa clinic para payeluhan yung likod ni Belle
