A/n: Eto pong chapter na to ay nangyari din nung gabing nagkita kita silang walo
Cj's POV
Nasa kwarto na ako ngayon at kasalukuyang inaayos yung kama ko
Hindi ko pa rin makalimutan yung nangyari kanina, at least kahit papano naging malapit ulit ako sakanya.... Sa dati kong bestfriend na si Roschele
Flashback
Dito ako mag ge grade 1.... Sa Hollywood Arts... Nakakatawa nga kasi nasa Pilipinas naman kami at wala sa America >.<
Transferee lang ako dito, at dahil hindi pa ako masyadong sanay dito, madalas akong nabubully ng mga kaklase ko
**
"Amin na yang lunch mo!" Sigaw sakin ni Kenji, sya ang leader ng mga bully dito
Hindi na lang ako nagsalita at kinuha ko na yung baonan ko para iabot sa kanila nang biglang may humarang na babae sa harapan ko
"Hoy Kenji! Respeto naman sa bagong lipat! Di ka na nahiya eih!" Sigaw nung babae kay Kenji
Nagulat naman si Kenji pati yung mga kasama nya kaya nagsi alisan na sila, humarap naman sakin yung babae
"Roschele nga pala" pagpapakilala nya, sabay lahad ng kamay
"Clayton Jonathan, pero CJ na lang" at nilahad ko din yung kamay ko
Naging magbest friends kami ni Roschele, nalaman ko din na simula nursery ay sa Hollywood Arts na sya nagaaral
Naging tagapagtanggol ko sya sa mga nangaaway sakin dito sa school
Halos lagi kaming magkasama, tuwing recess at lunch
Tatlong taon kaming naging magkaklase ni Roschele
**
Nasa play ground kami ni Roschele ngayon at kasama namin ang mga yaya namin