Belle's POVPagpasok ko pa lang ng classroom namin ay rinig na rinig ko na yung mga boses nina Kyla
"Ano yung pinagkakaguluhan niyo diyan?" Tanong ko sa kanila habang sinisilip kung ano yung pinapanood nila sa tablet ni Kyla
"My Ghad! Ang gwapo ni V!!!" Kilig na kilig na sabi ni Roschele
"Ang sexy ni Jimin! >_<" pahabol naman ni Kyla
Haysss! Halos yan na lang lagi yung bukang bibig nila hahaha! Si V, si Jimin, si Jungkook, si RapMon, si Jin, si Suga at si J-Hope
Nakaka-OP sila hahahaha K-pop Idols kasi sila tapos ako naman kay Jacob Sartorius °3° hahaha, pero hindi ako 'diehard fan' >-<
Pinanood ko na lang din yung video since nandun na naman din naman ako
Music Video yung pinapanood nila tapos nakikisabay pa sila dun sa kanta kahit hindi tama yung lyrics kasi nga Korean
"Ano daw? Woni money money?" Tanong ko sa kanila, wala kasi akong maintindihan kundi yung 'money money' hahaha! Pero hindi din ako sure kung tama na money yun >-< hahaha!
"Wonhi Manhi Manhi kasi, ayan yung spelling oh" binigay sakin ni Roschele yung papel na may correct spelling nung part na tinanong ko
"Ano bang title ng kantang yan?" Tanong ko ulit
"Blood Sweat and Tears yan Beb" tuwang tuwang sabi ni Dana, parang nags sparkle yung mata nya
Biglang pinakita yung mukha ni V
Si Kyla at si Roschele naman halos magkapasa na sila parehas kakahampas sa isa't isa, kilig na kilig sila tuwing nakikita, naririnig or napapanood si V
Si Dana naman ay kay RapMon daw hahaha! Buti hindi nahawahan nung dalawa\(^^)/
"Ikaw Belle, sisisguraduhin naming ARMY (BTS fan) ka na din" nakangising sabi ni Roschele
"Try me..." sagot ko sa kanya nang nakangisi din
"Andyan na si Ms!" Sigaw ng Vice Mayor namin, kaya kaming lahat ay nagsi- upo na kanya kanya naming upuan
Mabilis namang naitago ni Kyla yung tablet nya sa loob ng bag nya
Isa kasi sa rules ito sa school ang pagfoforbid ng gadgets, and once na nakita nila na may dala ka, they will confiscate it or worst baka sa end mo na ng school year makuha yung gadget mo
Kaya lahat kami ay maingat pag nagdadala kami ng gadget sa school
Natapos ang dalawang subjects namin and finally recess na >-< hahaha!
Ibig sabihin kasi nun ay makikita ko na Raian Angelo Alvarez, yung gwapo (with matching braces), yung matalino, yung maputi tapos matangos at ilong, yung matangkad, yung friendly, yung GWAPO >-< 'CRUSH KO' for short ^^
Nung nakapila na kami nina Roschele para bumili ng pagkain buglang sumulpot sa harapan namin si Jennica, yung walang hiya, yung desperada, yung maarte, yung inggitera, yung ubod ng taray at panget, for short she's my enemy.... OUR ENEMY
Hinding hindi ko makakalimutan yung paraan kung paano inagaw ni Jennica si Erniel kay Roschele
Good mood kaming apat ngayon kaya ayaw namin ng gulo, at magisa lang sya kaya wala syang laban samin ngayon, nasapian nga yata sya kasi hindi nya kami iniimikan.... Siguro nagtataka din sya kung bakit hindi namin sya sinisigawan or inaaway, the fact na sumingit sya sa harapan namin
"Belle....psst Belle" mahinang pagtawag sakin ni Dana sa likod with matching kalabit pa
"Yes? Why?" Tanong ko habang hinaharap ko sya
Hindi na sya nagsalita sa halip ay lumingon na lang sya dahilan para sundan ko yung tinitingnan nya, nakatingin kami dun sa apat na lalaking naglalakad, at alam naming taga 1st section sila
Biglang nahagip ng mata ko si Raian <3 'SHEMSSS ANG GWAPO!!!' Tumingin din sya sa direksyon namin/ ko at bigla nya akong kinindatan!!!!
'My ghad pwede na akong himatayin!!!! ANG GWAPOOOOOO!!'
"Uhmm... Ate... Kanina pa po umaandar yung pila..." sabi nung lalaki sa likod ni Dana, hindi ko kasi namalayang malapit na pala kami
"Aishhh, Sorry po kuya" paumanhin ko sa kanya sabay tungo
Nakatapos na kaming kumain at bumalik na ulit kaming apat sa classroom namin para sa iba pang subjects
"Belle anong nangyari sayo kanina sa canteen, parang nakakita ka ng multo eih" tanong ni Kyla habang nagbabasa
Magsasalita na dapat ako kaso naunahan ako ni Dana hahaha! Mas kinikilig pa yata sya kaysa sakin >.<
"Nakita kasi namin si Raian kanina tapos bigla nyang kinindatan si Belle <3 yieeee kinikilig ako hahaha!" pasigaw na sagot ni Dana
"Beb wag kaung maingay, malalagot tayo kay Sr. Gonzales neto" paalala ko sa kanila at bumalik na lang sila sa kanya kanya nilang mga mundo habang naiwan akong nagiisip
~~
Dismissal na at sabay sabay kaming apat lumabas ng school
"Uyy mga BEB! ANDYAN SI MANONG NA NAGTITINDA NG K-POP ITEMS! <3" patalon talon sina Roschele papunta dun kay manong na dinagsa ng iba pang estudyante
Sumunod na lang din ako sakanila
'Ano kayang meron sa mga K-pop na yun at pinagkakaguluhan nila si manong' galos pakyawin na nila yung mga binebenta ni kuya dun eih
After 10 minutes ay natapos na din sina Kyla sa pagbili nila
"Oh eto Belle... Binili kita nito, ang gwapo no? Baka sakaling maging ARMY ka na din dahil sa kanya" sabay abot sakin ni Kyla ang isang photocard na may picture ni Jimin
Tama si Kyla, ang GWAPO nga ni Jimin, bagay sa kanya yung pink hair nya tapos ang sharp pa ng jawline nya
~~
"Haysss nakauwi din tayo" sabi ni Roschele sabay diretso sa ref
"Oyy Roschele, kaya di ka na pumayat eih, kain ka na lang ng kain" natatawang sabi ni Dana
Ako naman ay umupo na lang sa sofa at nanuod ng TV
Ang daming WEIRD na nangyari ngayong araw...
>.<