A/n: Hi! :-) napansin ko pong wala masyadong POV si Mike, kaya here's one >.<
.Mike's POV
Nasa mall kami ngayon, kakatapos lang namin manood ng Beauty and the Beast, ang romantic grabe, katabi ko pa naman si Dana ♥~♥
Nagyaya silang mag Dairy Queen
Habang nasa pila kami, napansin kong may tinitingnan sina Dana sa may KFC
"Bakit kaya sila nandun?" Tanong ni Kyla
"Aba, kumakain malamang" sagot naman ni Dana, natawa naman si Roschele at si Belle
Nakakatuwa silang apat pag nagkaka asaran at nagkaka barahan, ang cute nilang tingnan, lalo na si Dana >.<
"Oh Mike, nandyan ka pala" sabi ni Kyla habang nakatingin sakin
"Hindi wala ako" pangbabara ko din kay Kyla
"Double kill!" Sabi ni Dana tapos nagapir kami ♡
"Ano ba ginagawa nyo dyan? Sinong pinaguusapan nyo?" Pagiiba ko ng topic
"Tingnan mo yun" sabi ni Belle at tinuro yung dalawa naming teachers na kumakain sa KFC
"Si Sr. Pautie at Ms. Gonzales?" Tanong ko, di ko kasi masyado makita
"Oo, sa tingin mo nagdedate sila?" Tanong naman ni Roschele
"Hindi siguro" sagot ko
"Sabi ko sayo sila nagdedate eih, bakla nga kasi si Sr. Pautie" sabi naman ni Kyla
"Guys! Nandito na yung mga order natin!" Tawag samin ni CJ
Sumunod naman kami agad, ayaw na naming matunaw yun, nakakaumay kasi pag tunaw na, parang yung shake namin nung isang araw -_-
"Nasan na yung akin?" Tanong ni Kyla
"Ano ba flavor ng sayo?" Tanong ni Raian
"Choco kitkat yung akin" sagot ulit ni Kyla
Habang nagaabutan kami ng inorder namin Blizzard, may naramdaman akong nakatayo sa likod ko, nanginginig tuloy ako baka kasi sina....
"Sr. Pautie at Ms. Gonzales... Long time no see po" alanganing bati ni Ian sa mga taong nasa likod ko
Pagkaharap ko, kitang kita ko na halatang naiinis sila
"Kaya naman pala hindi umattend ng open house activity, kasi mga nagde date" sabi ni Sr. Pautie
"Oo nga ateh" sabi naman ni Ms. Gonzales at nag apir sila
'Confirmed... Bakla nga si Sr. Pautie, tama si Kyla >.<'
"Sabi ko sa inyo eih, hindi sila nagde date" bulong ni Kyla pero rinig naming lahat, pati sina Sr. Pautie narinig din
"Anong nagde date?" Inis na tanong ni Sr. Pautie
"Dahil sa hindi nyo pag attend ng open house activity, detention tomorrow. 9:00 am to 3:00 pm" dagdag pa ni Sr. Pautie
"Sir naman, kailan pa nauso ang detention sa school?" Tanong ni Dana
"Sir, may practice ako ng karate para sa tournament" reklamo naman ni Kyla
"Then cancel all your activities for tomorrow, see 'ya" sabi ulit ni Sir
Hindi na kami nakapalag, dahil umalis na sila
"Luko 'tong baklang to ah" reklamo ni Ian pero narinig pa rin ni Sir at humarap samin
