Chapter 7~ Kyla and Ian

10 1 0
                                    


Kyla's POV

Mamayang gabi na yung movie marathon namin kasama sina Mr. John Brian De Silva

Matagal ko na syang nakikita sa first section dati, lalo na kapag niyayaya ako ni Belle pumunta dun para silayan si Raian

Hahaha! Ibang klaseng babae talaga kami >.<

Makaligo nga muna, 6:30 na pala, nag practice pa kasi kami ng Karate

~~

Ian's POV

"Pre! Punta lang ako sa kabilang dorm, sasama ako sa kanila sa pagbili ng pagkain para sa movie marathon mamaya!" Sigaw ko kina CJ para marinig nila ako, nasa kusina kasi sila

Lumabas na ako ng dorm namin para pumunta sa dorm nina Kyla >.<

Unang katok ko pa lang sa pinto ay pinagbuksan na agad ako ni Roschele

"Uy Ian. Napadaan ka" bati ni Roschele

"Ahh... Ehh gusto ko kasi sanang sumama sa pagbili ng pagkain para mamaya"

"Ahh ganun ba, sige pasok ka muna, si Kyla kasi yung naka assign na bibili ng snacks para mamaya" -Roschele

"Pasok ka na lang dun sa kwarto nya" dagdag pa nya at tinuro yung kwarto malapit sa hagdanan

Pumasok na lang din ako

**

Mukhang wala naman si Kyla dito, walang tao eih... Ayy hindi, nasa CR yata sya

Umupo muna ako sa kama nya at tiningnan yung paligid ng kwarto nya, kahit san ka kasi tumingin ay may makikita kang BTS

'Bakit kaya andaming naadik dun?'

Habang tinitingnan ko yung mga posters at photocards higla akong may narinig

"Oh Ian~~ you breaking my heart
You're shaking my confidence daily
Oh Ian~~ I'm down on my knees
I'm begging you please to come home..."

'Aba nga naman.... Ako kaya yung tinutukoy nya?'

Nirinig na may pumihit sa door knob at nagbukas ang pinto ng CR

"Oh Ia.... Ahhhh!" Gulat nyang sabi

"I'm sorry, I'm sorry.... Sas---"

"Alis dito! Alis! Chupiii!" Sabi nya habang pinapalo ako ng tuwalya na galing ulo nya

Lumabas din ako agad at umupo sa couch sa harap ng TV, naririnig ko pang nagtatawanan yung tatlong babae dun sa kusina

Kyla's POV

"Oh Ian~~ you breaking my heart
You're shaking my confidence daily
Oh Ian~~ I'm down on my knees
I'm begging you please to come home..."

Hahaha! Natripan kong kumanta eih >.<

"Oh Ia.... Ahhhh!"

Laking gulat ko na lang ng pagbukas ko ng pinto ay may lalaking nakatayo at tinitingnan yung collection ko ng photocards ni V

Nagsorry naman sya pero hinampas ko pa rin sya ng towel na nasa ulo ko at agad din syang lumabas

Hayy nako, panigurado yung tatlo yung nagpapasok nun dito, buti na lang ay nakapag damit na ako sa CR >.<

How Fan girls ActWhere stories live. Discover now