Chapter 12

13 1 0
                                    


Dana's POV

Malapit nang mag Christmas vacation and I'm so excited kasi bibisita ulit kami sa isang country and doon mags spend ng Christmas and New Year, sana naman matuloy tuloy na kami sa South Korea, tuwi kasing magpa plan kami ng vacation sa ibang bansa pinapagsuggest nila ako, syempre SK ang sasabihin, then my parents will come up with an idea at silang dalawa lang ang maga agree don.... Para san pa at pinagsuggest nila ako? -_-

Kasalukuyan kaming nasa school at pinagkukwentuhan kung saan saan kami nagbabalak mag Christmas Vacation

"Gusto kong bumisita sa Finland, sa mga panahong kapaskuhan kasi ay dun madalas nagpapakita ang Northern lights" sabi ni Belle

"Oo nga, at napakatahimik din dun tsaka masarap mag sauna" sabi naman ni Kyla "Pero syempre gusto ko mag Christmas Vacation sa Korea para mahunting ko na si V haha! Joke lang" pahabol nya

"Ako ang unang makakakita kay V" mataray na sabi ni Roschele

"Paunahan na lang tayo ano?" Paghahamon naman ni Kyla

Jusmee ang dalawang to, habang buhay na yatang pagaagawan si V

"Gusto ko nga bumisita sa SK kaso baka kontrahin nanaman ako nina Daddy" pagsingit ko sa sagutan nila

"Bakit ka naman nila kokontrahin?" Tanong ni Belle

"Kasi tuwing isusuggest ko yung pagbisita namin sa SK, bigla na lang magiiba yung location na pupuntahan namin, di ko tuloy makita kita si NamJoon oppa" pagiinarte ko na parang paiyak na

Biglang bumukas ang pintuan ng teachers door, and it means kwentuhan time is over, nagsibalik na din kami sa kanya kanya naming upuan

"Class, we'll have an open house activity for the grade 8 students tomorrow, we want to encourage other students from other schools, especially to the public schools that Merca Academy is open to receive transferee students for junior highschool, that's all class" paliwanag ni Ms. De Guzman at naglakad na din palabas ng room

'OMG! Baka may gwapo galing sa ibang school'

'Baka bukas ko na makita ang ka-forever ko'

'Sana pumunta yung school ng crush ko'

Yan ang mga naririnig kong feedback ng mga kaklase ko sa announcement ni Ms

Ayaw atupagin ang pagaaral eih, puro gwapo na lang ang nasa isip....

'Wows naman, nagsalita yung mahilig magaral'

Aba... Nakikisagot na din yung konsensya ko ngayon?

~~

Natapos nanaman ang isang araw sa school, nasa kwarto ako ngayon habang sina Belle naman ay nasa baba at nanonood ng cartoon, Adventure Time haha!

Nanonood ako sa Laptop ko ng BTS nang biglang mag ring ang phone ko

Mommy....

Agad kong sinagot yung phone call

"Hi mom" bati ko sakanya

"Hello nak, just want you know na malaki ang kinita ng konpanya natin this past few months, sorry kung ngayon lang ulit ako nakatawag, busy sa work eih, By the way, the main reason why I called is that nakapag usap usap na kami ng parents nina Kyla, Roschele at Belle at nagpagdesisyunan namin na magbakasyon ng sama sama"

Napangiti ako dun, first Christmas kong makakasama ang mga bestfriends ko

"Really mom? That's great news"

"It's not it anak, tutupadin na din namin ng papa mo na mag Christmas sa SK since matagal mo na yun sinasabi samin, may imemeet din kasi kami dun na pwede din naming makapartner sa business para mas makilala pa tayo sa iba't ibang bansa, makikilala nyo rin yung mga anak nila pag nagkita kita tayo"

Kulang na lang ay maglulundag ako sa saya dito, matagal ko nang pinangarap ang makapunta sa SK, pero sino naman kaya yung mga bagong makakabusiness partner nila?... Haysss nevermind na un HAHAHA!

"Yey! That's final na ah, wala nang bawian yan mommy" bakas ang pagkaexcite sa boses ko kasi ang bilis kong magsalita

"Favor lang dear, pwede bang ikaw na lang magsabi nun sa mga kaibigan mo?"

"Sure mom" masaya ko pa ring sagot sa kanya

"Good, now I have to go na, we have a meeting pa, take care okay love you dear"

"Take care din sainyo ni Dad, Love you too mom, bye" inend call ko na

OMG! I can't believe it! At last I'll get a chance to visit SK, yung bansa kung san nakatira ang gwapong si Namjoon <3

Agad din akong bumaba para iannounce sa girls ang great news, nagsitalunan at naghampasan sila ng throw pillow

"Are you serious beb?!" Pasigaw na tanong ni Roschele at tumango na lang ako

"I'm coming Jimin oppa!" Sigaw naman ni Belle na nakapag patahimik samin pero agad din kaming tumawa

"Sabi ko sayo na magiging ARMY ka din eih" paalala ni Roschele

Natawa na lang si Belle at tumango tango

Masaya kami ngayong gabi, nang biglang may kumatok sa pinto, pagkabukas ni Kyla ng pinto ay biglang sumalubong yung apat na lalaki

Pero.... Bakit may dalang baseball bat si Raian? Tapos si CJ may dalang patpat? Tapos si Mike at Ian naman ay may dala dalang frying pan? Tsss.... Nagpapatawa ba sila

Kahit di pa namin sila pinapayagan pumasok ay tumuloy na sila sa loob at parang may hinahanap

"Hanapin ang mga magnanakaw at kidnapper!" Sigaw ni Ian at itinaas yung frying pan na dala nya

"Anong ginagawa nyo?" Tanong ni Belle pero hindi nila yun pinansin

"Uyy! Anong trip nyo?" Tanong ulit nya pero walang pumansin

'Tsk, baka lumabas na ang kakambal neto'

"Hoy ano ba?!?!" Ang lakas ng sigaw ni Belle, baka umabot yon hanggang sa kabilang bahay

Tumigil na ang mga lalaki sa pinag gagagawa nilang kabaliwan

"Ano bang ginagawa nyo?" Nakunot noo nyang sabi sa apat na lalaki

"Ahhh... Ano kasi...." Nauutal na sagot ni Mike

"Kasi may narinig kaming sigawan dito kanina kaya akala namin may kidnapper at magnanakaw na nakapasok" mabilis na sabi ni CJ

"Kaya nagmadali kaming pumunta dito kasi baka mamaya may mangyaring hindi maganda lalo na at mga babae kau" dagdag ni Raian

Nakakatouch naman na nagaalala sila para samin, at least kahit papano makakampante kami dito pero nagtawanan din kaming mga babae sa inaasal nila

"Anong nakakatawa?" Tanong ni Ian

"HAHAHA! Ang kyut kyut nyo kasi..!" Nang gigigil na sabi ni Roschele

"Yung mga hawak nyo, HAHAHA! Pano na lang kung may magnanakaw nga tapos ang mga dala nilang armas ay itak at baril tapos yan lang ang dala nyo?! WAHAHA!" utas na sabi ni Kyla

"Ayos na yung handa kaysa naman nakatunganga lang diba" may punto so CJ dun kaya tumango tango na lang kami

Nagstay pa sila saglit para magkwentuhan

Nang makauwi na sila ay nagsipagtulog na din kami

How Fan girls ActWhere stories live. Discover now