Raian's POV"Alam nyo naa-awa ako kay Mike" nakasimangot na sabi ni Belle
"Bakit naman?" Tanong ni CJ
"Halata kasi sa itsura na may gusto sya kay Dana, alam ko yun dahil nararamdaman ko yun simula nung naging magkakasama na tayo. Siguro kaya lang sya nagiging KJ minsan ay para matago nya yung satin pero habang tumatagal naman ay nararamdaman ko na gusto talaga nya si Dana. Lalo lang akong naawa sakanya simula kanina, nung malaman nyo na nililigawan na ni Geo si Dana" paliwanag ni Belle
'Tama sya, kumpirmado ko na gusto ni Mike ni Dana at naawa ako sakanya ngayon'
"Kahit nga kami ay nagulat na lang nung bigla yang ibalita samin ni Dana kaninang umaga lang" -Roschele
"So ibig sabihin, kahapon lang ni Dana pinayagan si Geo na ligawan sya?" Tanong ko naman at tumango yung dalawang babae
Medyo madami na din kaming napamili kaya hindi kinaya ng basket namin kaya nag cart na kami, gusto din kasi naming uwian yung mga kaklase namin ng kahit ano galing dito sa Korea, nakapili na din ako ng tamang ipangreregalo sa apat na girls, lalo na kay Belle. Pero hindi yun dito bibilhin kasi baka mahalata nilang kanila yun
~~
Dana's POV
Nagiikot ikot kami dito sa mall nang makakita ako ng petshop, pwede na sigurong ipangregalo sa mga parents namin yung isda>.<
Pumili kami ng iba't ibang klase ng isda at pinalagay muna yun sa plastik, may kamukha ni Dory at ni Nemo, meron din namang goldfish at flower horn. Bumili na lang ako ng bukod na maliliit na fish bowls para paglagyan nun
Nakalista yung mga ireregalo ko para sa mga kaibigan ko
List↓↓↓
Belle, Roschele, Kyla: ARMY bomb
Mike: Michael Kors watch
Raian: Jordan shoes size 9/2
CJ: Harry potter book
Ian: Basketball
Geo: Nike shoes
Neill and Logan: Japanese Food
Classmates: Korean chocolateDinala ko si Geo sa supermarket para makabili ako ng chocolates, naaalala ko tuloy si Mike
"Dana?... Dana are you okay?" Tawag sakin ni Geo, nakapila na sya sa isang cashier
Nabalik naman ako sa senses ko
'Hays, ang unfair naman nun para kay Geo. Kami yung magkasama tapos si Mike ang nasa isip ko'
Hotel.
Nasa hotel na kami nina Kyla, Belle at Roschele, umuwi na din sina Raian at di na nakabalik si Mike sa mall kaya sa pasko na ulit kami magkikita, naeexcite na ako, kaso hindi ko makakasama si Geo sa araw na yun but I'm definitely going to introduce him to my parents
Medyo gabi na din kaya niyaya ko na si Kyla magpahinga
'Bukas na lang ako magbabalot ng mga regalo'
Nang nakapagkumot na ako ay biglang tumunog yung phone ko.... 2 times >.<
From: Geo♥
Goodnight love, see you tomorrow. I'll bring you your breakfast, okay? Sleep tight, sweet dreams and pray before you sleep..... Love ya °3°
From: Mike the great >.<
Hi Dana, just wanna say that I'm really excited to give the Christmas gift that I have for you :-) Sleep tight and don't forget to pray, thank God okay? Goodnight ;-)
Hindi ko na sila nireplayan pero nakaramdam din ako ng excitement sa message ni Mike, parang na-atat tuloy akong mag pasko hehe >.<
Kinabukasan.
Zzzzzztttttttt.... Zzzzzzztttttt...... Zzzzzztttttt
'Psh! Stupid alarm clock!'
"Hayyyy! Another busy day before another busy day" sabi ni Kyla habang nagiinat, biglang hampas naman nya dun sa alarm clock
"Ano bang gagawin natin ngayon?" Tanong ko
"Magbabalot ng regalo!" sagot naman nya galing sa CR
"Oh.. Yun lang pala, pano tayo magiging busy?" Tanong ko naman
"Aba! magbabalot ka ng regalo, magiging busy ka!" sagot naman nya ulit
'Ang gulo -_-'
Pagkatapos namin magayos ay may kumatok na sa pinto
'Baka si Geo na'
"Ako na ang magbubukas!" Sigaw ko kay Kyla
"Syempre no! Ikaw mas malapit dyan eih!" Sigaw ulit nya, hindi ko na lang sya pinansin at excited na binuksan yung pinto
"Hi Ge---" naputol ang sinasabi ko nang makita ang isang room boy sa harap ng pinto at may dalang isang flat na box at letter
"Someone told me to give this to you, he also said that he's so excited to give that so that's his advance Christmas present" sabi nya habang nakangiti
"Thank you, may I know who's this from?" Tanong ko sakanya at sinenyasan nya na lang ako na buksan ko yung letter at umalis na sya
"Sino yun?" Tanong ni Kyla na kakalabas pa lang ng CR
"Room boy..... May nagpabigay" sabi ko at ipinakita sakanya yung flat box at yung letter
"Buksan mo na yung box" sabi sakin ni Kyla at mukhang mas naexcite pa sya, pero syempre ginawa ko din yung sinabi nya >.<
'CD'
"I-play mo na" nagtatalon pa nyang sabi
"Baka mamaya scandal yan eih, ayoko ng ganun no" kontra ko sakanya
"Baliw ka? Pano mo malalaman kung hindi titingnan diba?" Nakataas yung isa nyang kilay
Wala na akong ibang choice, tama sya, pano ko malalaman kung hindi ko titignan
Isinalpak ko na yung CD sa DVD player at tumingin na sa flat screen
"What the?!?!" Parehas naming sigaw ni Kyla