Mike's POVNang tawagan kami ng Mommy ni Raian para pumunta dito sa Korea ay saktong nakaalis na yung eroplano nina Dana, bumalik agad kami ng dorm para makapag impake ng mga gamit. Dun daw muna kami makikitulog kina Raian or kina CJ, may bahay kasi sina Raian sa Korea kasi dun sila tumira dati, ganun din sina CJ pero apartment lang yung bahay nila dito kasi hindi naman sila namamalagi dito sa Korea, kaya sa mga ganitong occasion lang ulit nila magagamit yung apartment nila
Sabi ng mommy ni Raian na may ime meet daw kaming magiging business partners din nila at kasama nila yung mga anak kaya gusto din kaming ipakilala
Sakto naman na nandun yung apat na girls sa Korea, baka mag krus ang mga landas namin, kaya laking gulat namin nung makita na sila pala ang mga anak ng magiging business partners
Kina Raian ako nakikitulog tapos si Ian at CJ naman ang magkasama, ayaw nga kasi nung pinsan ni Raian kay Ian >.<
~~Sa bahay nina Raian
"Pre, buti na lang sila yung magiging kapartner natin sa business no, kaya pag pinamana na satin yung mga businesses ng family natin, tayo tayo in yung magkakasama" sabi ni Raian habang naghuhugas ng plato
"Oo nga.... Teka nga, bakit ikaw ang naghuhugas dyan? Bagong buhay lang pre?" Biro ko sakanya
"Parang ganun na nga haha, gusto ko masanay" sagot naman nya sakin
"Masanay mo mukha mo -_-" sagot ko din sakanya
Nagkaron ng saglit na katahimikan pero nagopen naman si Raian ng isang nakakatuwang topic
"May tatanong ako sayo" sabi nya
"Ano yun?"
"Medyo personal eih, okay lang ba?" Tanong ulit nya at tumango na lang ako
"May type ka ba sa mga kaibigan natin?" Tanong ulit nya at nagsimula nang magbanlaw ng mga pinggan
"Kanino? Kina Dana?" Tanong ko
"Hindi pre, saming tatlo nina CJ.... Malamang dun sa mga girls -_-" paglilinaw nya
"Meron... Dalawa nga eih tsk :-/" sagot ko
"Talaga? Sino naman?" Tanong ulit nya
"Si Dana at si Roschele pre" sagot ko naman, with full honesty yan ah pero nagdadalawang isip pa rin ako sa feelings ko kay Roschele kasi nakwento na ni CJ yung nakaraan nila
"Eih ikaw ba? Meron?" Tanong ko naman kay Raian
"Syempre meron din" nakangiting sagot nya, tinaasan ko lang sya ng kilay, senyas para sabihin na nya kung sino yung type nya
"Si Belle..." tapos sabay tungo
"I knew it! I really knew it! So MU na kayo ganun?" Pangaasar ko sakanya
"MU? Ano yun?" Natapos na sya sa paghuhugas at tinanggal na yung apron nya
"Mutual understanding ganun, yung gusto nyo yung isa't isa" paliwanag ko naman
"Psh, hindi uso sakin yung ganun, pag nagkaron ako ng chance, liligawan ko na sya" sabi naman nya sakin habang nakangiti
"Baduy mo naman, tanggalin ko yang braces mo eih" pangaasar ko sakanya
"Anla?! Bakit ako pa ang naging baduy? Ikaw nga dyan, ang dami mong alam, may pa MU MU pa-_- psh kaartehan lang yun" sabi nya sakin "Basta atin muna 'to ah, wag muna natin sabihin dun sa iba" dagdag pa nya
"Sige, basta ikaw din ah, wag kang maingay" paalala ko naman sakanya
"Teka teka..... Eih pano kung biglang may magustuha sila dun sa mga lalaking amerikano na kasama nila sa hotel?" Tanong nya