Ian's POVMukhang 5 star hotel yung tutulugan namin ngayong gabi, kamukha nung hotel na tinuluyan ni Kevin sa Home alone 2 >.<
Karoom mate namin sina Raian, tapos sina CJ at Mike naman dun sa kabila
Buti na lang at si Raian yung naging ka room mate namin^^ magaling kasi syang mag advice eih haha
"Ian..." tawag sakin ni Raian, nakaupo sya sa couch tapos nasa harap naman nya yung mini glass table na may nakapatong na soft drinks at chips
'Detalyado >.< peace hahaha!'
Lumapit ako sakanya at umupo sa isa pang couch na nasa kaliwa ni Raian at kinuha ko yung bowl ng chips
"Nakita ko kayo ni Kyla kanina"
O_O ?!?!?!
"Oh..."
Bigla nya akong nginisian at tumawa, sinuntok ko naman sya ng medyo malakas sa braso nya
"Aray! Hahahaha! Ang p- PFFT hahahaha! Ang pangit mo pag s-seryoso! bwahahaha!"
-_-
'Binabawi ko na yung sinabi ko kanina na magaling sya mag advice -_- Mas magaling kasi sya mangasar eihㅠ.ㅠ '
Sumeryoso yung mukha ko at ganun din sya
"Anong nangyari?" Tanong nya at parang nagpipigil pa ng tawa
"Seryoso ako dre kaya sumeryoso ka din" seryosong sabi ko at pinanlisikan sya ng mata
"Eto na nga po.." bulong nya uminom ng softdrink
"Hindi rin ako sure sa nangyari sakin kanina.. As you all know me, masaya akong tao at minsan lang ako magseryoso lalo na pag kailangan lang talaga, pero kanina... Nagulat din ako mismo sa nangyari sakin, akalain mong nagagawa kong magseryoso dahil lang kay Kyla" paliwanag ko sakanya at tumango tango lang sya sakin
"Baka iba na yang nararamdaman mo dre?" Nakataas yung isang kilay nya
"Huh?"
"Malalaman mo din yun lalo na pag naamin mo na sa sarili mo" sabi nya pa sakin
'Napaka misteryoso naman -_-'
"Feeling ko nga lalo akong sumeryoso nung binanggit nya sakin si Ian Gonzales" nakatungong sabi ko at muntik na nyang ibuga yung iniinom nyang softdrink
"Sino naman yun?... Kapangalan mo pa talaga ah" nakangising sabi nya
"Imaginary boyfriend daw nya" nakatungo ko pa ring sagot sakanya
Nagkaron ng saglit na katahimikan at ramdam kong nakatingin lang sya sakin
"BWAHAHAHAHAHAA!" Tawa ni Raian
"So nagseselos ka sa imaginary boyfriend nya?!" Natatawa pa ring tanong ni Raian
"Nag assume kasi ako dre!.. Akala ko na eih" inis na sabi ko
"Anong 'ikaw na'?" Tanong nya at natatawa pa rin
"Nung araw kasi na namili kami ni Kyla, pumasok ako sa kwarto nya nun habang naliligo sya.."
O_O ?! <<<<Raian
"Ha?!" Gulat na tanong nya
"Wait! Dre! Hindi yun kagaya nang nasa isip mo ah!" Sigaw ko sakanya, nginisian nya na lang ako at tumango tango
Sinenyasan naman nya ako na magpatuloy lang
"Habang nasa CR sya nun ay bigla syang kumanta ng 'Cecilia', yung kanta ng The Vamps... Tapos pinalitan nya ng Ian yung Cecilia, gets?" Tanong ko
Tumango tango naman ulit sya at nagpatuloy ako
"Kaya nga akala ko kasi ako na yung tinutukoy nya nun" napatungo na lang ulit ako
"Bakit?" Nagulat ako sa tanong nya, and at the same time. Hindi ko nagets
"Anong bakit?" -Ako
"Bakit ka nag assume?" Paglilinaw nya at uminom ulit ng softdrink
O_O
'Bakit nga ba ako nagassume?!'
"W-Wala.. Feeling ko kasi nung marinig ko yung kantang yun ay parang ako yung sinasabihan nya eih" sagot ko at tumango tango ulit sya
'Bakit ba kasi nauso ang pagtango bilang sagot -_- nakakawalang gana tuloy kausap to -_-'
~~
Mike's POV
Kami ni CJ ang magkaroom mate at nanonood kami ng cartoons nang bigla syang magsalita
"So Mike... Uhmmm yung sa kanina, yung sinabi ni Belle? Kanina lang kasi sakin binigay ni Raian yung ticket ko..." nagtatakang kwento nya sakin
"Ahh... Oo, tanda mo ba nung December 23? Nung sinabi kong uuna na muna ako.. Nagpunta ako ng BigHit entertainment nun para ipagrant yung request ko kay Namjoon, para yun sa regalo ko kay Dana. Pati na din sa ibang girls" paliwanag ko naman at napatango naman sya
"Bro naman... Pag gagawa ka ng ganon kaeffort na move, siguraduhin mo munang walang manliligaw yung tao ha" sabi nya at parang nangangaral pa
"CJ, hindi pa naman kasi tayo sigurado kung sasagotin ni Dana si Geo diba? Kaya nga ako nagkarong ng ganyang pasabog ay dahil para mapansin nya naman ako" sagot ko naman sakanya
Napa cross arms sya at tumingin ulit sakin ng seryoso
"Lakas naman ng self confidence mo" nakangising sabi nya sakin
"Okay lang yun no, ganun talaga pag gusto mo yung isang tao.. Dapat pakitaan mo sila ng effort para mapansin ka din nila, isa yun sa mga paraan para magustuhan ka pabalik nung taong gusto mo, hindi yung gusto mo nga pero wala ka namang ginagawa" sabi ko sakanya at medyo natigilan pa sya
"Hoyy!" Sigaw ko sakanya at napatingin naman sya sakin
"Wag ka ngang mag day dream sa harap ko!" Sigaw ko ulit pero natawa lang sya ng bahagya.... Baka inaalala nanaman nya yung past nila ni Roschele -_-Gusto to tuloy isigaw sakanya na 'yah! Lagi na lang yan yung iniisip mo! Tapos sasabihan mo pa ako na ang lakas ng self confidence ko, buti nga ako walang hiya eih'
BWAHAHAHAHA
"Tara na matulog" nakangiting yaya nya sakin
"Tigil tigilan mo sa ngiti mong yan CJ ah! Nababaliw ka nanaman!" sigaw ko sakanya pero di nya na ako pinansin at tumuloy na dun sa kwarto nila
~kinabukasan~
Nagbonding pa kami... By family this time pero sabay saby kaming kumain hanggang sa tawagan na ng kompanya ang parents namin dahilan para bumalik na din yung mga girls sa hotel nila.... Nakapag usap usap na din kami kung san kami magkikita kita bukas para manood ng concert
.
.
.
.
.
.THUMBS UP
Don't forget to vote, comment and follow
Social medias↓↓↓↓
Instagram: margaux_piamonte
Twitter: baemax31SM
Musical.ly: margaux_piamonte
Facebook: Margaux Ysabelle PiamontePeace out °3°
MsMargyP♡