Dana's POVAs usual, magkakasabay ulit kaming pumasok... Wala na akong time para magbreakfast kanina kasi medyo late na ako nagising
Eto naman kasing mga kasama ko mga early risers, napaka aga pa naman para pumasok, sa section nga namin walo pa lang kaming nakakadating
Habang naggagala kami, may expected na nangyari sakin, nagulat lang ako kasi kasama ko pa sila >.<
Biglang tumunog yung tyan ko
"Hindi yun akin!" Depensa agad ni Roschele sa sarili nya
"Alam namin yun beb, sa dami ba naman ng kinain mo kanina, imposibleng kumulo yang tyan mo" natatawang sabi ni Belle
"Sorry guys, it's mine" pagconfess ko sa kanila habang taas ng kamay
Natahimik sila saglit at biglang humagalpak ng tawa
"Bakit kasi di ka kumain kanina?" Sabi ni Belle na nagpupunas ng luha nya, naluluha na ang mga to kakatawa eih
"Aba, ako pa sinisi mo eih pagtapos na pagkatapos kong magsapatos hinila nyo na agad papunta sa kotse eih" pangangatwiran ko
Tawa pa rin sila ng tawa
Bigla akong inakbayan ni Mike.. OMG kung wala lang kami sa school nakatili na ako sa sobrang kilig
'Relax Dana.. Hwoo... Breathe in, breathe out.. Always keep in mind na hinihintay ka pa ni RapMon babes mo' paalala ko sa sarili ko
"Tara sa canteen, maaga pa naman at di din ako nakapag breakfast" cool nyang sabi habang nakaakbay pa rin sakin
"Uuna na kami sa classroom Dana" paalam sakin nung tatlo
"Kami din" dagdag pa nina Ian
**
Habang kumakain kami, hindi ko maiwasang mainsecure sa tuwing susubo ako kasi tumitingin sya
Hindi tuloy ako makakain ng ayos
"Okay ka lang ba?" Tanong nya at tumango naman ako
Pinagpatuloy ko lang ang pagkain at pansin ko pa ring tumitingin sya sakin
"Will you quit it?" Iritang tanong ko sakanya, pero syempre joke lang yun, ang weird lang kasi talaga na tinitingnan nya ako habang kumakain, siguro kahit sino namang tao yung magaganun, maiinsecure din
"Bakit naman?" Nagtatakang tanong nya
"Ang weird kasi, bakit ka ba tumititig sakin?" Grabe, best actress na ako, mukha talagang iritang irita na ako
"Aba, ako pa sinabihan mo ng weird eih kaya nga kita tinitingnan kasi nawi wierdan din ako sayo, tingin ka kaya ng tingin sa kung saan saan" aba, nangatwiran pa ang mokong
"Naiinsecure ako kasi nga tingin ka ng tingin sakin habang kumakain ako, kaya lumilingon ako sa iba direksyon" sagot ko sa kanya
"Tinitingnan ko kasi yang kanin sa buhok at pisngi mo" sabi nya habang natatawa pa
Tiningnan ko yung parteng dulo ng buhok ko at meron ngang butil ng kanin, tapos kinapa ko naman yung pisngi ko, HALA meron din
Nainis naman ako at pinagpapalo, this time wala nang halong feeling yung pagpalo ko sakanya kaya naririnig ko na umaaray na sya habang tumatawa tawa pa rin, kaya naman pala halos lagi silang nagaaway ni Ian, tumigil na lang ako sa pagsuntok at paghampas sakanya nang tumunog na yung bell
"Tara, hatid na kita sa room nyo" aya nya sakin at sumunod na lang ako
Nang malapit na kaming makarating sa classroom ay halos matunaw na kami ni Mike kakatingin ng samin ng mga kaklase kong nakatambay sa may corridor
'Ha! Naiinggit •.•'
Nang maihatid ako ni Mike ay pumunta na din sya sa sarili nyang room
Wala namang bago sa nakaraang apat na subjects
Sa TLE ay may performance task, sa Mapeh naman ay discussion, sa English ay recitation tapos sa Science naman experimentation, hindi na din kami masyadong nakakapag kwentuhan nina Belle dahil magkakalayo na ang mga upuan namin
Nag Angelus na at iisa lang ang ibig sabihin nun..... Kainan time >.<
Pagkatapos namin umorder ng kakainin sa canteen ay nahirapan na kaming maghanap ng upuan.... At table malamang ;-) hehe
"Kyla! Dana! Belle! Roschele!" Parang kilala ko na kung kanino yung boses na yun ah
Sabay sabay naming nilingon sina CJ, Mike, Raian at Ian.... The handsome boys °3°
Lumapit kami sa kanila, sakto namang may apat na upuan pang bakante
"Pinareserve pa namin para magkakasabay tayong walo kumain" sabi ni Mike
"So utang na loob pa namin ganun?" Pagtataray ni Kyla
Nako alam na..... 'May period si ateng >.<'
Natawa na lang kaming anim sa inasta ni Kyla, para silang bata ni Mike hahaha! Tapos eto namng si Mike ang kyut kyut! Nakakagigil hahaha!
Napuno ng kwentuhan at tawanan ang table naming walo, ang saya talaga pag may kaibigan ka ding lalaki, pero di naman sa sinasabi kong nauumay na ako dun sa tatlong babae.............
'Okay... Maybe...... Konti...' Hahaha! Charotss lang
Masaya lang talaga pag nagdadagan yung group of friends mo, mas masaya, mas maingay, mas totoo, at mas nakaka appreciate
Natapos na din ang school hours at bumalik kami sa dorm ng sabay sabay... Ulit
A/n: Parang pang finale na yung chapter na toh haha! Anyways this not the end kasi ang nagsisimula pa lang ang totoong kwento nila ;-)
Hope you liked this chapter •3•
MsMargyP