Raian's POVFriday na ngayon at hindi na kami umattend sa open house activity kahapon at ngayon, tinamad na kaming walo, hindi naman kami mapapagalitan
Nasa dorm kami ngayon at kasalukuyang naglilinis ng mga kalat ng biglang dumating sina Belle, Roschele, Kyla at Dana
"Ansisipag naman" bati samin ni Dana
"Goodmorning din sayo Dana" nakangiting bati ni Mike, eting lalaking to, gwapo nga pero hindi mo talaga mahuhulaan kung kelan magtitino o kung kelan magbibiro at mamimilosopo, kaya nakakainis sya minsan....... Madalas >.<
"Nakapag breakfast na ba kayo?" Tanong ni CJ
"Not yet, ano ba pagkain nyo dyan?" -Belle
"Nagluto si Raian ng korean bbq steak at java rice" sigaw ni Mike galing sa kwarto nya
"Wow talaga?" -Kyla
"Mapapadami ako ng kain neto hehe" -Roschele
"Korean... Yey!" -Dana
Dumiretso na silang tatlo sa dining habang si Belle naman ay papalapit sakin
"You didn't tell me you can cook?" Nakangising sabi nya
"You didn't ask me if I can cook" sagot ko naman sakanya
"Naughty boy.." Bulong nya at dumiretso na din sa dining
'Yieeee'
"Roschele! Wag mong uubusin yung pagkain dyan! Hindi pa ako nagaalmusal! Magtira ka naman!" Sigaw ni Ian galing naman sa kwarto nya
"Sige try kong magtira!" Sagot naman ni Roschele sa sinabi ni Ian
Napatawa naman ako ng mahina
"Grabe Raian... Saan mo natutunang magluto ng ganitong kasarap?" Tanong ni Dana
"Namana ko lang yang recipe na yan sa great grandmother ko, dati kasi ay meron kaming restaurant sa Korea kaso pinasara na din namin dahil sa hindi ko malamang dahilan" sagot ko naman
"Really? What if tayo na lang ang magtayo ng restaurant?" Suggest naman ni Kyla
"Mahirap, hindi patok ang Korean dishes ngayon, napagisipan na din naming apat yan dati" sagot naman ni Ian
"Edi sa China town tau magbenta" suggest nanaman ni Kyla
"Kyla? Seriously? Magbebenta ka ng korean dishes sa China town?" Tanong ni Roschele
"Hahaha, ang weird nun" kumento naman ni Belle
'Hay salamat, natapos na ako sa pagva vacuum ng sala'
Bumalik na sa sala namin yung mga girls, sakto namang tapos na din sina CJ, Mike at Ian sa paglilinis ng mga kwarto nila
"Let's talk about our Christmas vacation" pagoopen ni Mike ng topic
"Malapit na din yun next week na, konting kembots na lang" sabi ni Dana
"San nyo ba nagpaplan pumunta?" Tanong ko sa mga girls
"Uhmm... Actually magkakasama kaming pupunta sa SK this Christmas vacation since business partners yung families namin" paliwanag ni Kyla
"Buti pa kayo magkakasama magpapasko" reklamo ni Ian
"Alam mo Ian para kang bata" sagot naman ni Mike
"Wag ka nang makialam, paki mo ba kung naiinggit ako sakanila" -Ian
"Lahat na lang kinainggitan mo eih, baka pati pagkababae nila kainggitan mo" sabi naman ni Mike
"Pano kung sabihin kong oo?" Sagot ni Ian at kunwaring hinawi yung buhok nya papunta sa tenga