Dana's POV"Tara kaya muna kumain bago magpunta sa resto?" Tanong ko kay Kyla
"Wag na, sa resto naman ang punta natin, dun na lang tayo kumain" kontra naman nya
"Dali na nagugutom na ako eih, tsaka ang aga pa naman oh, 8:30 pa lang" pagmamaktol ko
"Sige na nga, tawagin muna natin sina Roschele at Belle"
'Yey! >.< Charms^^ '
Pumunta kami sa kabilang kwarto at kinatok namin yung dalawa pero walang sumasagot
"Anyare na dun sa dalawa?" Tanong sakin ni Kyla
"Aba, magkasama tayo eih... Bakit sakin mo itatanong?" Sagot ko sakanya
Natulala sya saglit at biglang tumingin ulit sakin "oo nga noh" sabi nya
'Parang baliw lang >.<'
Pinatabi ko si Kyla at ako ang kumatok, wala pa ring sumasagot, tinry kong ipihit yung pinto
'Click'
Hala... bukas
Pagkabukas ko nang pinto...... What the??!!
'Tulog pa din sila-_-'
"Tara gisingin natin" sabi ko kay Kyla
Lumapit kami sa kama nila at ginising sila
"Uyy? Pano kayo nakapasok?" Tanong ni Belle habang nagiinat
"Pinihit namin yung door knob, tapos tinulak yung pin--- sabi ko nga tatahimik na ako" pahiyang sabi ni Kyla nang bigla syang samaan ng tingin nung dalawa
"Bukas kasi yung pinto nyo" sabi ko
"Roschele akala ko ba nilock mo yung pinto kagabi? Baka mamaya napasukan na tayo dito" sabi ni Belle habang natotooth brush
"Sorry sobrang inaantok na ako kagabi eih, hindi ko na namalayan na hindi ko pala yun nalock" sabi naman ni Roschele habang papuntang CR
"Bilisan nyo nang dalawa para makakain na tayo" sabi naman ni Kyla
"Bakit kasi ang aga aga nyo naman, mananine pa lang eih.... 10 naman yung usapan" reklamo ni Roschele habang nasa loob ng CR
Wala nang pumansin sakanya, saglit na lang din at lumabas na sya ng CR tapos sumunod naman si Belle
Nang matapos nang mag- ayos yung dalawa ay pumunta na kami sa dining ng hotel, habang kumakain kami ay may biglang tumawag samin
"Geo! Neill! Logan! Hi" bati namin sakanila, sila naman ay nakiupo na lang
"Where are you going?" Nakangiting tanong ni Logan
'Gwapiiiiiii!'
"We're going to our friends' house after we finish eating" sagot naman ni Kyla
"The live here?" Gulat na tanong ni Geo, tinanguan na lang namin sya
So after namin kumain ay pumunta na kami sa resto, saktong 10:00 am ay nandun na kaming lahat
"Nakakain na ba kayo ng breakfast?" Tanong ni Raian
"Oo, kakatapos lang din kaya busog pa" sagot naman ni Roschele
"Dessert gusto nyo?" Tanong ni Mike
Umoo agad si Roschele, syempre umoo na din kami >.<
~~