~Christmas Vacation~
Belle's POV
Excited kaming pumunta sa hotel na tutuluyan namin for the rest of our vacation
Minessage na lang sakin ni mommy yung hotel na tutuluyan namin, nakareserve na daw yung dalawang room dun at marurunong din magenglish yung mga personnel kaya di kami mahihirapan
hindi ko nga alam kung bakit may beach yung hotel na tutuluyan namin pero balita ko na nagbubukas yung hot spring nila ng hapon hanggang madaling araw
"Bakit kaya may beach yung hotel na kinuha nila, isang linggo na lang ay pasko na at sobrang lamig na dito" -Roschele
Nang makarating kami sa hotel rooms namin ay inilagay lang namin yung mga gamit at nagkayayaan nang mag shopping sa mall malapit sa hotel
"Tara sa department store!" Pagyayaya ni Kyla
"Oo nga, baka may Kpop items don" sabi naman ni Dana
"Helerr.... Nasa Korea tayo, natural na may ibebentang Kpop items dun kagay ng shirts at kung ano ano pa" pambabara naman ni Roschele, natatawa na lang ako sa kanilang tatlo pero nanatili akong tahimik, gusto kong lasapin lahat oras na nandito ako
Camera ang hawak kaya kung ano man ang matripan kong kuhanan ng picture ay click dito click doon
Sa sobrang laki ng department store ay kailangan pa namin magtanong kung saan yung section ng Kpop items
"OMG! Guys this is Bang Tan Heaven!" Sigaw ni Roschele habang tumatakbo papunta sa merchandise ng BTS
"Look oh, may Army bomb" sabi naman ni Kyla habang tinataas yung parang maliit na scepter na umiilaw
"Uyy, don'tbspend too much guys, kailangan natin magtira kasi sa susunod na araw pa natin kikitain yung parents natin" paalala ko sa kanila kasi halos lahat na yata ng merch ay nasa basket na nila
"Hindi mo na kailangan alalahanin yun kasi provided na ng hotel yung mga kailangan natin" sabi naman ni Dana, napa face palm na lang ako (mentally) hindi ko kasi naalala yun HAHA! So nakisama na lang ako sakanila sa pag bili ng BTS merch
Bumili ako ng dalawang tees, tatlong poster, sampung photocards ni Jimin <3, at dalawang light sticks
Nasa cashier na kami para magbayad nang biglang sumigaw si Roschele
"RAIAN!!"
Agad kaming napatingin sakanya
"Anong sinasabi mo Roschele?" Tanong ko
"Ayun oh, diba si Raian yun?" Sabi nya sabay turo dun sa lalaking bumibili ng scarf
Para ngang si Raian pag malayo, pero di ko talaga masabi kung sya talaga yun, baka kasi kalook alike lang
"Next customer please" sabi nung kahera dahilan para mwala yung atensyon namin dun sa lalaki
Habang bina bar code nung kahera yung mga pinamili namin ay tiningnan ko ulit yung lalaking kamukha ni Raian pero wala na sya
After naming magsnacks ay bumalik na din kami sa hotel para ayusin yung mga gamit namin, si Roschele ang room mate ko kaya panigurado magkukwentuhan lang kami mamaya
"Sa tingin mo, si Raian talaga yung lalaki kanina?" Pago open nya ng topic habang nilalabas yung mga gamit nya at inilalagay sa drawer
"Hindi ko masabi kung sya talaga yun pero kamukha nga nya, kaso kung si Raian man yun, ano naman ang gagawin nya dito?" Sabi ko
"Malay mo dito din sila magchristmas vacation ng family nya" pangangatwiran pa nya "Tsaka ayaw mo nun? Baka nga mamaya sinundan ka nun dito eih, diba di sya makapaniwala nung una na dito tayo magpapasko at bagong taon" dagdag pa nya
Medyo kinilig ako dun..... I mean.. Aishh, oo na, kinilig na ako habang iniisip na sinundan nya ako dito, basta talaga usapang Raian usapang kiligan >.<
"Oh? Bakit nakangiti ka dyan at namumula?" Tanong nya habang nakatingin sakin
Napabalik din naman ako sa senses ko
"Ahh, eih... Wala wala, nilalamig lang"
"Ha?! Imposibleng mamula yung nilalamig noh, ang totoong nilalamig ay namumutla" haysss, palusot failed
Madami pa kaming pinagusapan ni Roschele hanggang sa napagisipan naming i-invite sina Dana at Kyla para kumain, every other night daw kasi nagkakaron ng buffet ang hotel and today is Friday
Nang nasa dining area na kami ng hotel ay agad kumuha si Roschele ng plato at kumaripas papunta sa buffet counter, sumunod na din kami sakanya
"Beb, manners naman, wala tayo sa Pilipinas noh, madaming nakapalibot sa singkit satin" rinig kong pagpapaalala ni Roschele kay Kyla
"Sorry, gutom na kasi ako, tapos ang sasarap pa ng nakahanda, look oh may steak at kimchi" sabi naman ni Roschele at tinuro yung dalawang putahe na paborito nya dito sa Korea
Kumuha ako ng fish fillet, steak, crab and corn soup and kung ano ano pa na masagana sa protein
"Bakit ganyan ang mga pinagkakakain mo?" Nagtatakang tanong ni Dana habang nakatingin sa plato ko
"Nagwowork out kasi yan beb, nagpapa abs" sabi naman ni Roschele
"Baka nainggit sa abs ni Jimin" nakangising sabi ni Kyla
"Gusto ko lang maging fit no" pagsingit ko sakanila
"Fit ka dyan, magbe beach ka ba?" Tanong ni Kyla
"Hindi.. " matipid kong sagot
"Kyla naman, syempre hindi yan magbebeach noh, sa tingin mo makakapag swimming pa yan eih halos magyelo na yung tubig sa lamig dito" pagkampi naman sakin ni Dana
Nakakatawa talaga pag nagsasagutan kami tungkol sa mga bagay na non-sense naman, we should grow up HAHAHA!
Nagulat kami nang tumayo si Roschele
"Oh, san ka naman pupunta?" Tanong ko sakanya habang hawak yung braso nya
"Magrerefill ulit.. " nakangiting sabi ni Roschele at dumiretso na ulit sa buffet counter
"Grabe yang si Roschele, nakakatuwang isipin na yung kinain kong wala pa sa kalahati ng kinain ay di ko pa ubos, samantalang sya magrerefill pa" pabulong na sabi ni Kyla
"Hoy! Narinig ko yun, syempre magrerefill pa ako no, libre naman tsaka bakit pa tinawag na buffet kung di ka naman magrerefill?" Tama si Roschele, pero busog na din kaming tatlo kaya hinintay na lang namin syang matapos sa pagkain at ay magpapahinga muna, para makapag hot spring na din kami
**
Kagaya nga nung sinabi ko kanina, pinatapos lang namin kumain si Roschele, nagpahinga kami ng konti at tumuloy sa hot spring