Kyla's POVAlam kong makakaron ng something sina Dana at Geo, ramdam ko na yun nung simula pa lang. Nung gabing nagkakila kilala kami, iba na yung tinginan nila sa isa't isa >.< gwapo si Geo at maganda si Dana... bagay sila <3
"So ano na?" Tanong ko
"Sabi nya sakin kanina na mahal daw nya ako, tapos sinabi ko din na gusto ko sya pero di pa mahal, sinabi ko din sakanya na ayaw ko pang pumasok sa isang serious relationship, pero sabi ko sa sarili ko na kung makikita ko naman yung effort nya at kung totoo naman lahat ng mga pinagsasasabi nya, pwede ko naman syang sagutin" sabi nya habang nakangiti
"Sasabihin mo ba yan kina Belle?" Tanong ko
Tiningnan nya ako gamit ang blankong mukha
"Oo naman, alangan namang itago ko sakanila yun... Tsaka malalaman at malalaman nila yun no" may point nga sya
"Tara na matulog, inaantok na ako eih" yaya nya sakin at natulog na kami
~~Kinaukasan~~
Nagising kami ni Dana sa malakas na pagkatok ng kung sino man sa pinto -_-
Ako na lang ang tumayo para buksan yun
'Hindi naman ganito kaaga magising sina Belle eih'
"Sino ba kasi ya-- Geo, Hi" laking gulat ko nang makita si Geo na may kasamang dalawang room boy at may dala silang apat na tray na puro pagkain
"Nagdala ako ng pagkain para sa inyo" nakangiti nyang sabi
°o° <<<< yan ang reaksyon ko nang marinig ko syang magsalita ng tagalog, napatingin naman ako kay Dana at ganun din ang reaksyon nya
"I know that you're half Filipino, but how did you learn that sentence?" Tanong ni Dana sakanya
"Google translate" nakangiti pa rin nyang sabi "I practiced that like a thousand time" sabay kamot sa ulo
'Kinis ng kili kili >.< nakasando lang kasi sya hehe'
"By the way, sorry I interrupted you're sleep. I just want to bring you these so I'll make sure that you don't skip breakfast" that smile is killing me ♥~♥
'No Kyla! Erase! Erase! May Dana na sya at may V kana.... Ayy hindi pala si V pala ang meron ako >.<'
"No, you didn't disturb us..... I mean a little but don't worry about it, come in" buti naman at naisipan na ni Dana na papasukin sila, kita ko kasing ngalay na yung mga room boy sa dala nila
"So.. Where's Neill and Logan?" Tanong ko
"Actually we're gonna meet our parents right now at Incheon Airport but I told them to go there without me" sabi nya
'Grabe effort>.<'
"I really wanted to brought you you're breakfast don't worry" biglang tumunog yung phone nya, may nagtext ata "They're there, gotta go" tumayo sya hinalikan si Dana sa pisngi, halata namang nagblush si Dana
"Eat you breakfast okay?! Bye Kyla! See you later!" Sabi nya at sinama nya na yung dalawang room boy palabas ng hotel room namin
"Dana......Dana?.... Beb?...." tss -_-
"Dana?!?!" Sigaw ko sakanya at natauhan naman sya"Ha? Ano? Uhmmm..." sabi nya na parang naataranta
"He kissed you" sabi ko nang may malaking ngiti
"I know!" Sigaw nya tuwa
"He kissed me!" Dagdag pa nya at nagtatalon sa kama tapos bigla syang tumigil at tumingin sa kisame"He kissed me tapos ganito yung itsura ko? Hindi pa ako nakakapag toothbrush beb?!" Sabi nya at humarap sa salamin "Tapos sabog pa yung buhok ko" at mistulang umiiyak