Belle's POVHabang nakababad kami sa hot spring ay napansin kong may tinitingnan sila sa may gawing gitna ng hot spring
"Hoy, anong tinitingnan nyo dyan" sabi ko sakanila sabay winisikan ng tubig, dahilan para magulat sila
"May mga gwapong foreigners kasi dun" kinikilig na sabi ni Roschele
"Woiii! Wag nyong sabihing pinagpapalit nyo na si V at RapMon?"
Natawa naman sila pero sabay sabay ding sumeryoso ang mga mukha
"Ako, ipagpapalit si V? Wala yun sa bokabularyo ko" sabi ni Roschele
"Oo nga" pagsang ayon ni Kyla
"Syempre malabong ipagpalit ko si RapMon babes ko no" nakangising sabi naman ni Dana
"Hi girls" bati samin ng tatlong papalapit na foreigners, mukha namang kaedaran lang namin sila
"Hi" sabay sabay na bati naman nung tatlo... Haysss, di daw ipagpapalit... Tsk
"Ano pong pangalan nyo?"
"Huh?" Napaface palm na lang ako mentally sa tinanong nina Kyla, MYGHAD, di naman Pilipino ang mga lalaking to pero tinatalog
"Beb naman, hindi yan Pilipino, englishin mo" pagsiko sakanya ni Roschele
"Uhmm.. She's asking for your names" singit ko naman sakanila at hinarap yung mga foreigner
"Oh, well I'm Geo, this is Niell and this is Logan" pakilala ni Geo, hindi ko maitatanggi na gwapo sila mukhang artistahin pero may iba't ibang charms eih
Si Geo ay may piercing sa kaliwang tenga, bagay yun sakanya at di sya nagmumukhang adik, nangingibabaw din yung kagwapuhan at yung appeal nya kaysa dun sa dalawa
Si Neill mukhang goodboy, singkitin ng konti, blonde ang buhok, sobrang puti at gwapo din
Si Logan naman ay mukhang badboy na kapag ngitian ka ay kulang na lang matunaw ka, malaki ang katawan nya at halata mong nagwoworkout sya
Lahat sila may ABS at mstatangos ang ilong! <3
'Belle, may abs din si Jimin diba?'
Oo, oo nga, may abs din si Jimin kaya wala akong natitipuhan sa mga lalaking to, exept dun sa fact na gwapong gwapo sakanilang tatlo, sila siguro yung tinitingnan nung tatlong babae kanina
"How about you girls?" Tanong naman ni Logan
Nagturu turuan kami kung sino ang magpapakilala samin
"Aba bakit ako?" Tanong ni Dana
"Ikaw lang ang magaling mag english sating apat no" sabi ji Roschela at sinangayunan na lang namin ni Kyla
"Uhhh... Ehhh... My name is Dana, she is Belle, and they are Kyla and Roschele" sabi ni Dana at nagwave kaming tatlo
Nasa hot spring pa rin kami, madaling araw na at ni isa samin ay walang gustong umahon, nagkwentuhan kami kasama yung mga foreigner,napagalamaan namin na kaedaran lang namin sila, grabe ang mamature ng mukha. Kung titingnan mo sila ay mukha na silang magte twenty, pahirapan nga lang kausapin kasi english speaking, nakakanose bleed eih..
Buti na lang nakaramdam sila ng antok at nag decide na sabay sabay kaming bumalik sa hotel room
*habang nasa loob ng room si Belle at Roschele*
"Mukha namang mababait yung mga kanong yun no" sabi ni Roschele habang nilalagay ang dalawang patong ng kumot nya sa katawan
"Oo nga, friendly naman sila" sabi ko pagkatapos kong pataying ang lamp shade